KINABUKASAN ipinagkatiwala ni James sa mga tauhan ang mga dapat asikasuhin para sa pre-production ng fashion show na idi-direct niya. Nagpunta kasi sila ni Martin sa Laguna. Ayon sa impormasyong nabasa nila sa mga papel na laman ng envelope doon daw nakabase ngayon si Joy Madrid. Parang may kumakayod sa sikmura niya habang bumibiyahe silang magkapatid. Hanggang sa mga sandaling iyon kasi hindi niya alam kung paano haharapin ang dalaga. It is one thing to know that you have wronged someone in the worst possible way. That s**t keeps him awake and bothered at night already. But it’s another thing to actually face the person you have wronged. Para siyang sundalo na nasa frontline ng gera, pinipilit maging matapang kahit na alam din na nakatakda siyang mamatay. Makalipas ang ilang oras humi

