NASA KALAGITNAAN ng pre-production meeting ang team ni James Salgado at ang fashion designer kasama ang sarili nitong team nang bigla siya magkaroon ng matinding urge na tawagan si Sasha. Hindi siya ang tipong nadi-distract kapag nagtatrabaho. Kahit si Martin nawawala sa isip niyang tawagan o kamustahin kapag nakatutok ang buong atensiyon niya sa isang proyekto. Kaya na caught off guard siya nang sumagi sa isip niya ang dalaga. Sinubukan niyang alisin ito sa isip niya lalo na nang ang fashion designer na ang nagsasalita para sabihin kung paano nito naeenvision ang magaganap na show. Pero kada limang minuto yata lumilitaw ang maganda nitong mukha sa isip niya. Kaya nang magkaroon ng breaktime at nagpasok ng pagkain at inumin ang secretary niyang si Donnie tumayo agad si James. “Excuse me.

