NAKITA agad ni Sasha sina tito Robert pagpasok nila sa venue kahit pa marami nang tao ang naroon. Kasama nito ang asawa at ibang mga may-edad ding couples na kaibigan din ng yumao niyang ama. Napangiti siya agad at isa-isang binati at bineso ang mga ito. Hindi siya malapit sa mga kaedad niya pero malambot ang puso niya sa mga nakatatanda. Siguro kasi nagkaisip at lumaki siyang kasama palagi ang mga ito sa events na gaya ngayon. Alam din niya na tunay ang saya ng mga ito kapag nakikita at nakakausap siya. Lalo na sa araw na iyon nang ipakilala niya si James bilang kaibigan niya. Nagtama ang mga paningin nila ni tito Robert na halatang nabigla noong una bago napalitan ng relief at kalaunan kasiyahan ang mukha. Tahimik lang sa tabi niya si James at may tipid na ngiti sa mga labi. Nagsasalit

