HINDI KOMPORTABLE SI Sasha sa buong duration ng charity event. Nasa isang row sila nina James, Hosea, ang parents nito at si Joy nang magsimula ang art auction. Kanina nang ipakilala niya sa isa’t isa sina James at Joy inamin ng dalawa na magkakilala ang mga ito pero hindi inaasahang magkikita pa uli. Pagkatapos nang nagsalita uli ang host para sabihing umupo na ang mga bisita nakita niya nang magbulungan sina Joy at Hosea. Nakita niya sa mukha ng bestfriend niya ang realization at nang muli nitong tingnan si James matalim na ang tingin ng lalaki. Hanggang ngayon na patapos na ang art auction at nakabili sila ng tig-iisang art piece, ramdam pa rin ni Sasha ang tensiyon ni Hosea. Sa tuwing sinusulyapan nito si James parang gustong manuntok ng bestfriend niya. Ibig sabihin hindi lang basta

