MARAMI-RAMING tao sa café nang pumasok sila Sasha at James. Mabilis na lumapit sa kanila ang manager at masayang binati siya. Pagkatapos pinuwesto sila ng binata sa pandalawahang lamesa sa isang sulok, sa side ng café na nakaharap sa Olympic size swimming pool. May mga batang naglalangoy doon habang ang mga yaya nakapuwesto sa nakahilerang beach chairs at nagbabantay. Malamang nasa beauty parlor o nasa spa o sa kung saan pang amenities sa club ang nanay ng mga batang iyon, nagtsi-tsismisan at nagsososyalan. “Gaano katagal ka nang member ng club na ito?” tanong ni James pagkatapos sila dalhan ng mainit na kape at pastry ng isang waiter. “Bata pa lang ako member na ang pamilya namin dito. Sa function rooms sa club na ito madalas nagpapa-meeting si papa noon. Pati birthday parties ko dito

