Makailang beses na ako doong umiling pero mukhang hindi rin naman iyon napansin ni Nicko. Nakatuon kasi ang buong atensyon niya sa seryosong pakikipag-usap niya kay Mama. Wala akong nais na sabihin dito o should I say na tamad na tamad akong gawin iyon. Ang tanging nais ko na lang sa mga sandaling iyon ay ang humilata at matulog na. Iyon nga lang ay kailangan ko pang magpalit ng damit at half bath para mas masarap ang aking tulog. At hindi ko iyon magawa dahil nasa sasakyan ang aking damit. Hindi naman namin iyon ibinaba kanina. Kanina pa panay ang aking hikab ngunit maging iyon ay mukhang hindi rin napapansin ni Nicko. Dinig na dinig ko pa ang mga munti nilang tawanan. At bago pa man muling makapagsalita dito si Nicko ay naulinigan ko na ang naging tugon ni Mama. “Naku, huwag na Nicko at

