Chapter 85

2398 Words

Napamulagat na ang mga mata ko sa narinig. Hindi ko alam kung tama ba iyon o guni-guni ko lang ang sinabi ni Tito Vandrou. Alam nila? Alam nila na buntis ako? Paano iyon nangyari? Sinabi ba sa kanila ni Nicko? Imposible iyon! Mabilis akong napabaling kay Nicko na kagaya ko na gulantang din sa kanyang mga narinig. Doon pa lang ay alam ko ng wala nga siyang kinalaman sa pagkakaalam nila ng tungkol dito. Bahagya pa itong nakanganga at halatang nasa proseso pa rin ng isipan ang mga narinig. Ibinalik ko ang paningin ko kay Tito Vandrou, ngunit ilang minuto lang iyon dahil nabaling na rin ito agad sa kanyang asawang si Tita Suzy. “Oh? Bakit ganyan ang reaction niyo?” si Tita Suzy na may himig ng labis ng pagtataka. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Nicko sa paraang maging siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD