Walang pag-aatubiling ipinakita ko sa kanya ang paggalaw ng aking panga na alam niyang bunga iyon ng aking sa labis na pagkairita. Hindi ko na rin napigilan pa ang aking sariling mameywang pa doon upang mas maramdaman niya ang aking frustration. Alam kong mayroon siyang pagkamanhid, ngunit hindi ako papayag ngayon na hindi niya maramdaman ang aking disappointed. Marapat lang na malaman niya ang lahat ng iyon nang maintindihan niya kung saan ako galing. Wala akong pakialam doon at hindi ko rin alintana na baka makita ito ng mga magulang niya na kasama namin. Hindi ko talaga magawang mapigilan ang abot na sa aking ulong iritasyon na nararamdaman para kay Nickolai. Hindi naman ganito dati ang aking nararamdaman, ewan ko ba at bigla na lang akong napikon. “Now, tell me Nicko, alin ba doon ang

