Matapos ang rebelasyong iyon ay nagbalik sa dati ang pakikitungo sa akin ni Tito Vandrou nang araw ‘ding iyon. Sa loob ng isang iglap ay nagawa iyong magbago na parang walang nangyaring sigawan at komprontasyon. Ganun kabilis nag-shift ang mga mood nila na para bang dumaang bagyo lang ang galit nila kay Nicko kanina. At maging si Tita Suzy doon ay halatang nakahinga na rin nang maluwag. Hindi man namin igiit sa kanila ay sila na ang mismo ang kusang nag-invite ng dinner doon. “Tutal dalawa lang naman kami dito, maano bang dito na kayo mag-dinner na dalawa?” si Tita Suzy na bumalik ang masayahing aura, iyon ang palagi niyang ipinapakita sa akin dati. Hindi naglaon ay napag-alaman ko na kasama pala ni Zyvan si Vanzaine sa pagbabakasyon niya sa probinsya ng kaibigan ni Tita Suzy. Ilang ara

