Mula sa puntong iyon ay hindi ko na doon nasundan pa ang usapan nila, namalayan ko na lang si Nicko sa aking harapan na para bang kanina pa ako hinihintay na magsalita. Dala ng pagkagulat sa kanya ay napapitlag na ako at bahagyang napaatras ng ilang hakbang. At kung hindi niya lang ako nahawakan ay paniguradong walang pasubaling natumba na ako dahil sa biglaang pagka-out balance dito. Mabuti na lamang at mabilis niya akong nakita bago pa man ako tuluyang bumagsak at mapahamak nang dahil sa kalampahan ko! “Careful, Mine.” higit ang hiningang turan niya habang mahigpit ang hawak niya sa aking isang kamay at sa beywang, napuno na ng pag-aalala ang kanyang mga mata habang nakatitig pa rin sa aking mukhang namumutla. Hindi ko mapigilang magkarera ang t***k ng aking puso nang dahil sa pangyayar

