“Ano pang hinihintay mo? Pumasok ka na dito sa loob, Nicko. Kumain ka na ba ng tanghalian? May nakahaing pagkain sa lamesa sa kusina kung hindi pa at may tira pa ‘ring ulam. Kumain ka muna bago tayo mag-usap nang masinsinan.” sunod-sunod na tanong ni Tita Suzy sa kanya na hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa ‘ring imik, halatang hindi niya malulon ang mga salitang binitawan na ng kanyang ama. “Mag-isa ka lang bang pumunta dito? Wala ka bang ibang kasama? Saan ka namalagi noong mga panahong hindi ka dito umuuwi?” narinig kong malambing na dagdag na tanong ni Tita Suzy sa kanya, halatang kinukuha pa ang atensyon niya sa pamamagitan noon. Naguguni ko na ang kanyang maamong mukha habang sinasabi niya iyon kay Nicko. Kahit na hindi pa ito gaanong katandaan ay saludo ako sa pagiging mabait

