Noong bata pa ako ang buong akala ko ay masaya ang maging adult kaagad, at ngayong adult na nga ako ay parang nais ko na lang muling bumalik sa pagkabata. Iyong tipong walang kahit na anong problemang iniisip maliban sa napakaraming mga school works at kung paano ko ipapasa ang mga exams. Idagdag pa na paano ako mapapansin ng crush ko nang hindi niya napupuna na crush ko siya? Ni hindi sumagi sa aking isipan na ang pagiging adult ay mayroong kaakibat na responsibilidad na mabigat na kagaya nito. Kung alam ko lang sana na ganito ang maging adult kaagad, pagod, antok at tila nawawala ako sa mundong hindi ko kilala. Eh ‘di sana nag-enjoy na ako dati pa noong musmos pa. Ninamnam ko na ang bawat sandali ng aking kabataan, habang wala pang inaalalang ganito. Tama nga ang kasabihan nila noon na

