Ilang sandali pa ang lumipas at tumayo na siya doon upang umalis. Sinundan ng aking mga mata ang likuran niya nang magsimula na siyang mabagal na humakbang papalayo kung nasaan ako nakaupo. Nakasuksok ang dalawang palad niya sa magkabilang bulsa ng suot niyang short. Isinayaw ng mahinang hampas ng hangin ang ilang hibla ng kanyang buhok habang patuloy ang paglalakad sa akin palayo. Wala sa sarili akong napangiti, kung tutuparin niya ang mga binitiwan niyang mga salita sa akin ay sino ba naman ako para hindi pa siya patawarin at muli siyang tanggapin? Tao lang din naman siya na kagaya ko at nagkakamali. Wala namang nilalang na perpekto sa mundo. Kung ang nasa itaas nga ay nakakayanang mapatawad ang mga nagkakasala, ako pa kayang tao lang na mayroon din namang pagkukulang at mga pagkakamali

