Kinabukasan ang buong akala ko ay umalis na siya at lulubayan niya na ako nang dahil sa mga masasakit na sinabi ko, ngunit nagkamali ako. Habang tahimik na kumakain ako ng aking almusal ay walang hiya siyang lumapit sa table at naupo sa aking harapan. Malawak ang ngiti na para bang okay na okay na kami at wala na siyang kahit na anong kasalanan sa akin. Agad akong napalunok ng kinakain nang magtama ang aming mga paningin. Saglit lang naman iyon pero hindi ko magawang tagalan ang init. “Good morning, nakatulog ka ba nang maayos kagabi? Anong almusal mo? Masustansya ba? Hindi ba sumasakit diyan ang sikmura mo? Ang sensitive pa naman ng pang-amoy mo.” Masungit na ini-angat ko ang aking mga mata sa kanya habang humihigpit ang hawak ko sa kubyertos na aking tangan. Kulang na lang ay umikot an

