Marahas nang pinalis ko ang mga luhang naglandas sa aking mukha habang naging panaka-naka ang mga naging hikbi. Pilit na kinakagat ko doon ang labi upang supilin na mas mapalakas pa ang aking pag-atungal ng iyak. Ilang beses ko ‘ring pinigilan ang sarili na huwag ng umiyak dahil baka makasama iyon sa batang aking dinadala, ngunit kahit na anong pigil kong huwag itong pumatak ay wala akong magawa sa bugso ng sama ng loob ko. Patuloy pa rin sila sa walang katapusang pag-agos at pagbaba na kawangis ng nasirang gripo. Nakatitig lang si Nicko sa akin habang puno ng pinaghalong pagsisisi at awa ang mga mata niyang walang kakurap-kurap na matamang nakatitig ngayon sa aking mukha. “Ang sakit na eh, feeling ko palagi mo na lang akong tini-take for granted at ginagamit kung kailan mo gusto. Hindi i

