Pagkaraan ng ilang minutong pagkatulala doon ay nagmamadaling umikot na ako upang bumalik ng aking silid. Nais ko na lang doon na mamalagi. Litong-lito ako at hindi na alam ang gagawin. Natataranta na rin ako dahil hindi ko alam ang magiging resulta ng pagkikita namin. “Bakit ako hahanapin niya agad right after na hindi niya puntahan ang sarili niyang kasal? Ano siya biglang nagising? Natauhan? Anong akala niya sa akin, panakip-butas lang ulit?” himutok ko doon na hindi na mapakali pa. Humigpit pa ang hawak ko sa tsinelas na bitbit habang namumuo na ang pagkainis sa aking dibdib. Kinakabahan ako na hindi ko mawari. Nabubuhay na naman ang galit sa dibdib ko. Kinausap ko siya noon nang matino, tapos ay malalaman ko na tinakbuhan niya ang sarili niyang kasal? Bakit pa siya pumayag doon kun

