Isang Linggo ang matuling dumaan mula ng magtungo ako sa lugar na iyon. Araw-araw din akong nakakatanggap ng message kay Dahlia, Mary at Preston na siyang tanging nakakaalam kung ano ang aking tunay na kalagayan. Ilang beses akong umasa na makakatanggap ng message mula kay Nicko, ngunit palagi lang na nabibigo ako dito sa pagdaan pa ng mga araw. Hindi nabanggit ni Celeste kung kailan ang kasal ni Nicko, pero sa tingin ko ay hindi naman iyon magtatagal dahil buntis si Shiara. Paniguradong mamadaliin nila iyon bago pa man mahalata ang tiyan ng babae. Mukha nga yatang guni-guni ko lang iyong mga narinig ko noong sinabi ni Nicko. Kakapanood ko ito ng Kdrama eh, at naniniwala ako sa happy ending. Bagay na alam kong wala kami ni Nicko nito. Nagkaroon na rin yata ako ng hallucinations, bagay na d

