“Sanna, are you still with me?!” malakas na niyang tanong sa akin habang gusot ang mukha, hindi na iyon magawang ipinta pa. “Hey? Sanna, naririnig mo pa ba ako ha?” Naguguluhang napapitlag na ako sa taas ng tono ng tinig niya habang nakatayo na rin ito sa aking harapan at parehong nakahawak ang dalawang kamay sa magkabilang beywang. Habol niya na ang kanyang hininga na animo ay may ilang kilometro na siya doong tinakbo. Napakunot-noo na ang aking noo doon, hindi ba at nakaupo lang siya kanina at hawak niya ang aking dalawang palad? Paano nangyaring nakatayo na siya ngayon at tila galit sa akin? “W-What do you mean by that, Nicko?” nauutal na tanong na halos hindi lumabas sa bibig ko. Ilang minutong naburo ang aking mga mata sa kanya. Sandali, guni-guni ko lang ba o nasa isip ko lang lah

