Isinubsob ko ang aking mukha sa dalawang palad pagkapasok ko sa loob ng sasakyan. Ipinatong ko iyon sa ibabaw ng manibela ng sasakyan. Lumakas pa ang aking pag-iyak na animo ay para akong kinakatay doong baboy. Kulang pa ang pag-iyak na aking ginawa kanina upang tuluyang mailabas ang lahat ng sakit. Ngayon ko pa lang nararamdaman lahat. Hindi naman ako maririnig sa labas kung kaya ay ayos lang naman iyon. At isa pa, ano ba ang pakialam nila sa aking kung pumalahaw ako? Inilalabas ko lang naman ang lahat ng sama ng loob na nasa katawan at sa loob ng aking puso hanggang sa tuluyan na akong mapaos doon. At mawala ang sakit na dulot sa akin ni Nicko. Ilang sulyap pa ang aking iginawad sa loob ng restaurant kung saan tanaw ko pa ang mesa na aming inupuan ni Nicko, nakatalikod siya sa aking

