Patuloy pa ako doong nanatili at naghintay kay Nicko kahit na alam kong wala namang kasiguraduhan na babalikan niya nga ako. Paulit-ulit na ginagawa ko ang routine ko dito hanggang sa masanay akong wala siya at hindi ko siya nakikita. Patuloy pang umabante ang mga araw patungo sa isang buwan na plano ko lang manatili dito. Nagagawa ko ng e-kontrol ang aking sarili kung minsan, lalo na pagdating sa pagduduwal na para bang ang lahat ng iyon ay nakasanayan na ng aking katawan. Sa umaga ay kakain ako ng almusal kahit na paulit-ulit iyong tinatanggihan at iniluluwal lang ng aking sikmura, matapos noon ay babalik na ako ng silid, tatambay na ako doon. Mga bandang hapon matapos ng hapunan ay maglalakad ako sa dalampasigan. Sa ganung paraan ay nagpatuloy ang pag-inog ng aking mundo, hanggang sa hu

