Dahan-dahan nilang iminulat ang kanilang mga mata. Sinusubukang i-ayon sa kanilang paningin upang makita kung ano ang nasa harapan nila. Nang lumunaw ang lahat ay saka namang sabay-sabay nagsibagsakan ang kanilang mga panga at namilog ang mga labi habang pinagmamasdan ito.
"Guys... tingnan ninyo..." turo ni Sarah sa pinanggagalingan ng liwanag
"Totoo ba itong nakikita ko..." Ani ni Hanson.
Libu-libong mga butil ng liwanag ang biglang nagsilabasan mula sa mga ugat ng higanteng puno at sa matatalahib na nakapaligid dito. Mayroong nagtitipon sa puso ng puno, paikot-ikot sa gitna at naghuhulma ito ng hugis bilog. At sa bandang itaas naman, ilang metro ang pagitan mula sa mga dahon nito ay mayroong palipad-lipad sa paligid na tila naghuhugis singsing na parang katulad sa planetang Saturn.
"Mga alitaptap?" anang ni Hanson sa sarili habang naka-angat ang kilay. Hindi niya sigurado kung mga alitaptap ba ang nakikita nila ngayon o hindi. Asul kasi ang kulay ng liwanag ng mga 'to, isang bihirang uri ng ilaw na hindi pa niya nakikita sa buong buhay niya. Kay ganda namang panoorin ang mga 'to at nagmimistulang nagliliwanag ang higanteng puno.
Nanatiling tigalgal ang grupo, animo mga paslit silang namamangha sa kagandahang ito na para ba'ng nakakita sila ng higanteng Christmas tree'ng namumutaktak sa mga ilaw.
"H-hin-hindi kaya yan' ang," Mautal-utal na sambit ni Janine.
"Wishing Tree." sambit naman ni Liliane.
"And it's too big." dugtong ni Mike.
Nag-alangan namang tumugon si Hanson. Hindi niya mawari kung ano ang dapat niyang maging reaksyon. Ito ba ang tamang oras para humanga at maaliw sa nakikita nila ngayon o tumakbo na lang palayo? Pansin niya kase ang tila pag-aliwalas ng mukha mga kasama niya nang bumaling siya. Para ba'ng pag-asa ang dala nito sa kanila na siyang maglalayo sa kanila sa panganib. Subalit, iba ang pakiwari ni Hanson, namamait ang kanyang lalamunan at parang may umiikot sa kanyang tiyan.
Parang may hindi tama.
Sa likuran ng pangkat, ang dalawang halimaw ay tumayo ng tuwid. Rumehistro ang ngiti sa kanilang mga labi as they lock their eyes on it. Kapwa silang nakatawang-aso, labas ang tila nangigil nilang mga ngipin. "Ha-ha! Sa wakas, natagpuan na natin kapatid ko! " Sabi ng nasa kaliwa, "Mapapasakamay na natin ang matagal nating inaasam-asam!" Hiyaw ng kasama.
Kunot-noong bumaling si Hanson sa dalawang iyon, 'Teka, Ano ang mga pinag-sasabi nila?' Dagling niyang binalik ang atensyon sa haparan. ‘Ang punong ito ang pakay nila?’ Tila may kung ano ang pumasok sa kanyang isipan. Hindi nga lang niya mapunto kung ano iyon. Hindi niya masabi-sabi pagkat nasa dulo na ito ng kanyang dila.
"AH! Guys look!" biglang hiyaw ni Janine.
Napatingin si Hanson sa kanan at nakitang nagsisidapuan ang mga alitaptap sa katawan nito, mula sa kamay, paa at binti nito. "OH NO! THIS IS— Uuuugh... I HATE INSECTS!" maarteng sambit ni Janine habang sumisinok, pilit na inaalis at binubugaw ang mga alitaptap.
"Woaw! Bakit pati sa akin meron?!" Bulalas ni Jacob.
Agad na bumaling si Hanson sa kanang panig at nakitang may mga alitaptap din ang dumidikit sa katawan nito. Maging sa iba pa niyang mga kasama ay gan'on rin.
Inangat ni Hanson ang kanyang mga kamay at napagtanong dinadapuan na rin pala siya ng mga alitaptap.
"HINDI MAAARI!!!"
Luminga ang lahat sa likuran. Boses palang ay batid na nilang hindi natutuwa sa nangyayari ang dalawang nilalang. Kitang-kita nila ang paglitaw ng mga ugat sa mukha ng mga 'to, maging ang paglangitngit ng ngipin ay ramdam nila. Dagling napalitan ng takot ang kaninang pansamantalang pag-asa. Hindi mapigilan ng grupo ang manginig sa takot. Halos maglakbay ang kilabot sa kanilang gulugod.
Sa walang pagtatagal, agad lumundag ng mataas ang dalawang halimaw. Napatingala na lamang ang grupo, batid na direktang babagsak sa kanila ang mga halimaw ngunit hindi sila makagalaw. Gustuhin man nilang kumaripas pero hindi nila madiktahan ang kanilang mga katawan. Ubos na kase ang lakas nila sa kaninang takbuhan.
Habol-habol ang mabigat nilang hininga habang minamasdan ang pag-lapag ng dalawa sa kanila. Napapikit si Janine at kumapit sa braso ng kanyang kakambal. Kapwa namang napaatras sina Jacob at Mike. Ang iba naman ay nanatili sa pwesto.
Hanson bit his bottom lip. Namilog kanyang mga kamao, tinatanong ang sarili kung bakit ganito ang nangyayari. Kung panaginip lamang ito; maging panaginip na lamang sana at magising na parang walang nangyari. Pero sa kasamaang palad, hindi ito panaginip. Nagsimulang sumpain ni Hanson ang kanyang sarili. ‘Kasalanan ko ito. Hindi ito mangyayari kung pinigilan ko sana sila sa pagpunta dito. Wala kami sa ganitong sitwasyon kung nagpulit lang sana ako!’
‘No. There must be something that I can do. Think Hanson, think! May paraan pa para makaalis dito! What is it?’ Parang kuryente kung umarangkada ang kaisipan ni Hanson. Naghahanap ng posibleng sulosyon sa gitna ng kamatayan, iyon ay kung maunahan niya ang paglapag ng dalawang halimaw. ‘The tree!’
‘ If this is the wishing tree, then may tsansa kaming makaligtas! But is it possible? No. This is not the right time to have my doubts about it. Our lives are at stake here!’
Ipinikit ni Hanson ang kanyang mga mata at sinubukang mag-concentrate. Pilit niyang iwinaksi ang takot upang mapakalma ang sarili. Umaasang sa pamamagitan nito ay maaaring gumana. Sana lang.
“AAAAAHHH~!” Nagsigawan ang lahat nang malapit ng mag-landing sa kanila ang dalawang halimaw, subalit hindi iyon pinansin ni Hanson at nagpatuloy na lamang siya sa konsentrasyon. Marahang naglaho ang mga ingay sa kanyang paligid habang siya ay nakatuon nang malalim sa kanyang isipan.
Sandali lamang at siya'y gumaan. Sa isip-isip niya'y tila lumabas ang kaluluwa niya mula sa kanyang katawan. Pakiwari niya'y lumulutang siya sa kawalan, ngunit walang balak si Hanson na buksan ang kanyang mga mata sa pangamba na baka may kung anong bumulaga sa kanya at masira ang kanyang konsentrasyon. Na-imagine niya ang higanteng puno, parang siyang hinihila papunta dito. Nang maramdaman na malapit na siya dito ay iniunat ni Hanson ang kanyang braso upang maabot ito.
Sa pagdapo ng kanyang palad sa magaspang na balat ng troso ay tila may kakaiba siyang napansin. Ang init. Dala ng masidhing kuryusidad ay kusa siyang napamulat. ‘Wait-what!? Where am I?’ Napadilat siya ng maigi, palinga-linga ng tingin. Hindi inaasahan ni Hanson na ang makikita niya sa lugar na ito ay pawang kadiliman lamang.
Nagsimulang kumabog ang kanyang puso at tumitibok-t***k ito na 'sing bilis ng orasan. Pinagpapawisan. Nauubusan ng hangin habang nanginginig ang katawan. Napayakap si Hanson sa kanyang sarili at namaluktod. Iniinda ang panic attack, bagay na dapat niyang iwasan dahil isa ito sa indikasyon ng kanyang PTSD. Isang malaking pagkakamali ang pagbukas niya ng kanyang mga mata. Ang dapat sana'y pag-asa at pagkakataon ay nauwi lamang sa kabiguan.
Habang nakahandusay sa kawalan ay tila may naririnig siyang mga ingay na ume-echo sa kawalan. Mga boses ito ng mga kasama. Nagtitilian. Marahil sa mga sandaling 'to ay winawakwak na sila ng mga matatalim na kuko ng halimaw.
Huli na ba ang lahat para sa kanila? Ito na ba ang rurok ng kanilang mga buhay? No. This must be a big joke to him.
Pagapang siyang umusad at pilit niyang iniunat muli ang kanyang braso, sinusubukang abutin ang punong hindi niya maaninag. “Please, kung totoo ka man. Please, I'm begging you please, lend me your strength to save my friends.” garalgal niyang usal, habol-habol ang hanging hindi niya malanghap.
Paubos na ang hangin sa kanyang baga nang manlabo ang kanyang paningin. Hindi niya na kaya pa anupa't unti-unti ng nagsara ang kanyang mga mata, at sa pagdikit ng mga talukap ay isang silweto ng animo ang nahagip niya. “Wh-who... are you?” tanong niya, at ito ang tugon sa kanya.
‘Oras na... Gi-’
And all went black. Kasabay ng kaganapang ito, isang matinding liwanag ang biglang isinambulat ng higanteng puno, kasunod ang tila malakas na pwersang lumabas mula dito. Ka-agad namang tumilapon ang dalawang nilalang, salpok sa matitigas na higanteng ugat. Malakas ang pagkakalagapak nila sa mga ugat dahilan upang mag-tamo sila ng galos sa katawan
Biglang lumakas ang ihip ng hangin at sumabay dito ang mga alitaptap. Nagpaikot-ikot ang mga ito sa paligid ng grupo na animo'y isang ipo-ipo. Tila ba'y pinoprotektahan ng mga 'to ang grupo.
"WHAT'S HAPPENING?!!" Tanong ni Jason habang kapit kamay silang dalawang mag-kambal.
Nagpatirapa na lamang ang ilan sa kanila. Palinga-linga silang lahat sa piligid habang habol-habol ang mabigat nilang hininga at ng pag-bilis ng t***k ng kanilang mga puso.
Nangangamba.
Natatakot.
Kinakabahan sa mga susunod na mangyayari habang sila'y nasa gitna ng ipo-ipo.
"KAILANGAN NATING MAKALABAS DITO!" Suhestiyon ni Mara, subalit imposibleng magawa nila iyon dahil napapaikutan na sila ng malakas na ipo-ipo. Hindi makapag-isip. Hindi nila malaman kung papano sila makakalabas sa animong kulungan. Si Hanson naman na kaninang may malay ay natumba na lang ng bigla.
Nagmadali namang tumayo ang dalawang nilalang, animo'y nasaktan sa pagkakabagsak sanhi ng matinding pwersang tumulak sa kanila palayo. Dali-dali silang sumugod kina Hans subalit hindi na sila makalapit pa dahil sa lakas ng hanging pumapaikot sa grupo.
Lalong umigting ang bugso ng hanging umiikot sa kanila, pabilis ng pabilis din ang pag-ikot ng mga alitaptap. May ibang mga alitaptap naman na sa halip na matangay ay tila mas lalo pa'ng dumadami at patuloy sa pag-dapo sa kanilang mga katawan, hanggang sa tuluyan na silang binalutan.
"AAAAAHHHHHH!" naghiyawan ang lahat. Pakiwari nila'y nilalamon sila ng kumunoy.
“HINDI ITO MAAARIIII!” sigaw ng isa at kapwang kumaripas patungo sa grupo. Subalit, hindi pa man sila nakakalapit ay isa na namang liwanag ang pinakawalan ng puno at sa pagkakataong ito ay may kasama ng pwersa. Agad-agad nag-anyong abo ang katawan ng dalawang halimaw nang mahagip ng liwanag, kasunod ang malakas na pagyanig. At sa isang kisap-mata ay biglang naging blangko ang lahat...
Mamamatay na ba sila? Anong nangyari sa kanila?
Hindi pa. Hindi sa ngayon — siguro...
###
"TUUT-TUUT"
"TUUT-TUUT"
"TUUT-TUUT"
"TUUT-TUUT"
"TUUT-TUUT"
Isang kakatwang tunog ang nagmumula sa isang aparato. Tahimik lamang itong pinakikinggan ni Hanson at umusap habang nakasara ang talukap ng kanyang mga mata, "Nasaan ako? Ano ang ingay na 'yon?" Wala na siyang lakas pa upang gumalaw. Maging ang mga kalamnan niya'y tila hindi na niya maramdaman. "Ang lamig." Wika niya habang dumadaloy ang lamig sa kanyang katawan.
Pilit na minumulat ni Hanson ang kanyang mga mata subalit bigo siya. Pakurapkurap na lamang ang nagagawa niya, pero sapat naman ito, kahit papaano'y nakaka-aninag siya ng konti. Sa malabo niyang paningin ay mayroon siyang nakitang puti. Marahil ilaw. Masyado kasing nakakasilaw ang liwanag. Pero bakit parang hindi. Hindi ito mula sa isang ilaw, iba ang kulay nito kumpara sa ibang liwanag.
Sinubukan niyang igalaw ang kanyang leeg upang igala ang paningin sa paligid. Waring naka-aninag si Hanson ng mga tao, mga naka-puting kasuotan. Nakatayo ang mga ito sa harapan niya at may pinagbubulungan. Hindi ito maintindihan ng binatilyo. Masyadong magulo at malabo. Mahirap unawain ang kanilang pinag-uusapan.
"TUUUUUUUUUUUUUUUUUUU..." Isang napakahaba tunog ang kanyang narinig at tila wala itong katapusan. Kasabay ng tunog na 'to ang tuluyan naman niyang pag-sara ng kanyang mga mata.
Mula sa madilim ng kanyang kamalayan ay tila may naaninagan siyang kakaiba. Nang muli niyang idilat ang kanyang mga mata ay agad na bumungad sa kanya ang isang pamilyar na anyo.
Ang higanteng puno.
Malamlam siyang nakatingala dito at tila hindi nasurpresa sa kanyang nakita. Marahil ay dahil sa maraming beses niya na itong nakita. Siguro'y nagsasawa na rin siya sa paulit-ulit na pagpapakita.
Luminga siya sa likuran at iginala ang kanyang paningin. Tila biglang nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha. Tila nabigla siya nang makaalala sa huling kagananapan at mamukat-mukat niyang nag-iisa na pala siya sa lugar.
"Mike?" Usal ni Hanson. Nagsimula na siyang humakbang pababa. "Guys, nasaan na kayo!" Sigaw niya at nagpatuloy, "Jason! Liliane! Janine! Jacob!" Nag-ipon siya ng hangin sa kanyang baga at saka pinakawalan agad sabay ng panaas niyang tawag. "GUYS NASAAN NA KAYOOO?!" Umalingaw ang kanyang tinig sa lugar subalit ni isa'y walang timugon sa kanyang panawagan. "Sarah! Mara! Trixie!"
Napabuntong na lamang si Hanson sabay ng pagtungkod ng kanyang mga kamay sa tuhod. Nangulubot ang mukha, tila nawawalan na siya ng pag-asang mahanap pa sila.
‘Ano kaya ang nangyari sa kanila, where are they?’ Mariin niyang tanong sa isipan.
Pilit niyang inusisa ang kanyang sarili at sa kanyang pag-suyod ay doon na lamang niya nagunita ang mga nangyari kanina. "Sandali, patay na ba ako?" Agad niyang kinapkapan ang kanyang sarili. "Mukhang... buhay pa naman, pero hindi ko maintindihan."
Agad niyang iginala ang kanyang paningin sa paligid, iniisip na baka panaginip lamang ang lahat ng ito.
‘Tama!’
Naalaala niyang nasa Heritage House Museum siya kasama ang mga kaibigan. Naalaala niya ring nawalan siya ng malay matapos makita ang isang lumang larawan.
‘Tama! Isa lamang itong panaginip. Hindi totoo ang lahat ng mga nangyari sa amin.’ Anya ng binatilyo.
Samantala, isang kakatwang pigura naman ang nahagip ng kanyang pheripheral vision. Isang aninong naka-postura sa malilim na bahagi. Malamlam ang liwanag ng higanteng puno kaya hindi ito maaninagan ni Hanson ng mabuti.
"Mike ikaw ba 'yan?"
Hindi ito tumugon, bagkus ay nakatindig lamang ito at tila pinagmamasdan si Hanson. Batid naman ng binatilyo na hindi ito si Mike. Hindi rin naman ito si Jason, si Jacob o kahit sino sa mga kilala niya.
"Sino ka?" usisa niya muli ngunit wala pa rin itong tugon, "Sabihin mo sa akin kung sino ka?"
Sa pagkakataon ito, sa halip na tumugon sa tanong ni Hanson ay humakbang ito patungo sa liwanag. Mapusyaw na puti ang suot nitong kasuotan at nababalutan ng malakulay tsokolateng baluti na pandigma. Puti at nakatirintas ang kanyang buhok na hanggang bewang ang haba at may suot ng mala-bungong maskara.
"Ikaw?!" Bulas niya sabay nanlaki ang kanyang mga mata nang tumapak ang estranghero sa liwanag. Hindi niya inaasahan na makikita niya ito dito. Siya'y tatakbo dapat subalit bigla na lamang itong bumulaga sa kanyang harapan, nag-teleport. Napalunok naman ng laway si Hanson habang tinititigan ito. Kabang-kaba sa kung ano ang gagawin nito sa kanya.
Saglit pa ay nag wika ang nakamaskarang bungo.
"AS SAAKWA NANTŪ ÔM NA GRĪ KÁG SAK AS GIANTA SSÂNG WŌŌ TYÂL ÔM NA IISSH, NUMBRA NA KRĀ GYAT GA IISSH."
"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo." Pailing-iling niyang wika.
Dagling iniangat ng estranghero ang kanang kamay at idinampi ito sa kanyang dibdib. Sa palibot ng kamay ng estranghero ay biglang may lumitaw na liwanag. Nabigla naman si Hanson at ang kanyang mga mata ay bukas na bukas sa sobrang gulat. "Wha-! teka a-anong ginagawa mo-!" Hindi niya maigalaw ang kanyang katawan, "AAAHHH!"
Tila may kung ano ang gumagalaw sa loob ng kanyang katawan.
"UGH~ UGH UHF" inda ni Hanson, nahihirapan siyang makahinga habang ang bagay na nasa loob ng kanyang katawan ay tila nakakalikha ng mga tunog. Animo'y mga bakal na nag-uumpugan.
Inilipat niya ang kanyang paningin sa kamay ng naka-maskarang bungo at laking gulat niya nang may kung ano ang lumabas mula sa kanyang dibdib. Mga mahahabang hibla.
Mga kadena!?
Dinig niya ang tila kalansing ng mga kadenang lumalabas sa dibdib.
"AHHHH~!!"
Sa pag-nanais niyang makawala ay nagpumiglas siya. Pilit niyang iginalaw ang kanyang mga braso patungo sa kamay ng estranghero upang maiwaksi palayo sa kanyang dibdib ngunit tila matatapos na sa ginagawa ang naka-maskarang bungo. Ang maliit na liwanag na nagmumula sa kanyang dibdib ay mas lalong sumilaw at lumaki hanggang sa sumambulat na ito at sumakop sa buong paligid. Hindi na siya makaaninag.
"AAAAAHHHH!~"
###
Ka-agad na naidilat ni Hans ng malawak ang kanyang mga mata at napabalikwas sa kama, hingal na hingal at tagaktak ang pawis sa noo. Nagulantang naman ang mga naka-puting tao sa paligid niya dahil sa kanyang biglaang pagbangon sa higaan.
Bigla-bigla namang tumayo si Hanson at nagtata-takbo patungo sa pintuan. "-IHO' SANDALI!!" Pigil ng isa. Dahil sa nangyaring trahedya at sa kanyang panaginip ay nabalot siya ng takot. Tanging ang pag-takas ang idinidigta ng kanyang isipan.
Ngunit pinigilan siya ng ilang naroroon. Agad siyang hinawakan sa magkabilang braso ng mga naka puting tao.
"HINDI! HUWAG! BITAWAN NIYO AKO! PAKAWALAN NIYO AKO!" Nagpupumiglas niyang sigaw.
[THUD!!! SLAM!!!]
Patuloy siya sa pag-wawala.
"HAWAKAN NINYO SIYA NG MAIGI" Utos ng lalake sa kasamahang babae. Hawak ang indyekson ay kagyat itong itinurok sa braso ni Hans. Dagli namang nawalan ng malay ang binatilyo at nanlupasay matapos maindyeksiyon.
"AHHH~!!!" Sabay-sabay namang bumalikwas mula sa kama ang walo pang pasyente na katabi lamang ng kwarto ni Hans. Nasa i-isang silid sila. Malawak ito at nahahati lamang sa pamamagitan ng mga berdeng kurtina.
Nagulamihan ang mga tao sapagkat di' nila malaman kung sino sa kanila ang uunahin, halos lahat ay nag sisigawan.
Agad namang nagsipagdatingan ang iba pa upang tumulong. Hinawakan ang mga kamay ng mga ito saka tinurukan ng pampatulog. Nang tumalab na ang gamot ay kagyat silang nawalan ng malay.
Marahan silang nagtinginan sa isa't isa. Tila nakaramdam sila kaba sa kanilang mga dibdib. Sila'y takang-taka sa mga nangyayari sapagkat ito ang unang pagkakataon na may na-encounter silang isang grupo ng mga pasyente na nagkasabay-sabay nagising at nagwala.
Ang mas nakakapagtaka pa dito ay ang walong ito, walang iba kundi ang. . .
mga kasama ni Hanson.