Agad na iginila ni Hanson ang kanyang paningin at swerteng nakahagilap ng mga maliliit na bato. Dagli niyang pinulot ang mga iyon at inipon sa kanyang kamay. Nang mapuno na ay huminga siya ng malalim at mariing isinara ang kanyang mga mata at pagkatapos ay muling dumilat. Inihahanda ang sarili sa susunod na magaganap. Inihamba ni Hanson ang kamay niyang may hawak na bato.
May konting kaba man sa dibdib ay walang pakundangan niyang ipinukol sa likod ng halimaw ang mga batong kanyang napulot, "HOY, NANDITO AKO! TUMINGIN KA DITO, AKO ANG HABULIN MO!" Sigaw niya sa halimaw subalit hindi siya nito pinansin.
Nagpatuloy si Hans sa pagbato pero tila walang pakielam sa kanya ang halimaw. Nang maubos ang mga batong hawak niya ay pumulot pa siya ng marami at muling binato ang halimaw. "HOYY! TUMINGIN KA DITO HALIMAW, AKO ANG HARAPIN MO DUWAG!!" Mariin niyang sambit.
Biglang tumigil ang halimaw at lumingon sa kanya nang nagngitngit ang ngipin. "Kung 'yan ang iyong nais bata, sige PAG-BIBIGYAN KITA!" Sagot ng halimaw kay Hans.
Nanlaki ang mga ni Hans nang marinig niyang nagwika ang nilalang, Teka nagsasalita siya?
Kapwa naman nagsitinginan sa isa't isa sina Mike habang kumukubli at tila mas lalong umigting ang nararamdam nilang kaba at takot sa kanilang mga dibdib.
Tumayo ng tuwid ang halimaw. Matalim ang titig at pagkatapos ay walang pasubali itong tumakbo ng mabilis patungo kay Hans.
Agad namang tumalikod si Hans at kumaripas palayo.
###
Ito na ang pagkakataon ni Mike upang makalapit, dali-daling tinungo ang hiwang kasama sina Mara at Sarah. Nang makarating sila ay agad na tumambad sa kanila ang luhaang sina Janine, Liliane at Trixie. Kalunos-lunos ang kalagayan ng tatlo na halos hindi na makagalaw sa kinapwepwestuhan dahil sa sobrang takot.
Agad na inabot ni Mike ang kanyang kamay upang akayin sila, nauna na dito sina Lilianne at Trixie. Nang susunod na si Janine ay tila nanlupaypay ang buong katawan nito at biglang natumba't. Kamuntik ng mawalan ng malay.
"JANINEEE?!" Panaas na tawag ni Mike. Dagli niyang ipinasok ang kanyang sarili upang abutin ang dalagita at inilabas, katu-katulong sina Mara at Sarah.
Tulala at halos hindi na maitayo ang sarili nang mailabas si Janine. Tuluyan itong naubusan ng lakas sa kakatakbo. Nanunuyo na rin ang kanayang labi dahil sa uhaw.
"JANINE!" Biglang tawag naman ng isang lalake. Agad napalinga dito si Mike. Si Jason at si Jacob lang pala.
Nanlaki ang mga mata ni Jason nang makita ang kakambal. Patakbo itong lumapit sa kanila at niyakap si Janine. Punong-puno ng pag-alala ang mukha ni Jason habang tumutulo ang luha sa kanyang pisngi.
"Ayos lang ba kayo?" Tanong ni Jacob.
"Oo, ayos lang kami, Jacob, sa ngayon." Tugon ni Mike na tila walang kasiguraduhan sa kanyang tinuran.
Iginagala ni Jacob ang kanyang paningin, hinahanap si Hans. "Si Hans? Nasaan si Hans?" Tanong ni Jacob kay Mike.
Sa pagkakataong iyon ay nakarinig sila ng mga ingay at lahat sila'y bumaling sa dakong kanan.
Hindi na kailangan pa'ng sagutin ni Mike ang tanong ni Jacob dahil batid na nila kung nasaan ito ngayon.
"Kailangan nating tulungan si Hans." Suhestiyon ni Sarah.
Napatingin naman si Mike sa likod at minasdan ang higanteng puno. Tila may kung ano ang pumasok sa isipan niya at sa kanyang pakiwari ay magiging epektibo kapag ginawa nila ito.
"Guys may plano ako." Mungkahi ni Mike.
###
Matulin ang takbo ni Hanson subalit naaabutan pa rin siya ng halimaw. Isa o dalawang metro na lamang ay lalapit na ito ng husto sa kaniya. Tila may isang wasiwas ng hangin ang naramdaman ni Hans mula sa kanyang likuran. Mabilis itong naglalakbay at tila may dala-dalang mabigat na bagay. Ka-agad yumuko si Hans at kasabay nito ay may isang kamay ang bumubulusok mula sa likuran.
*BOGSHH!
Sa lakas ng pagkakasuntok ng halimaw ay nawasak nito ang punong natamaan.
Isa pang suntok ang mula naman sa kaliwang kamay ng Halimaw, subalit nailagan ito ni Hans nang bigla siyang kumaliwa at lumusot sa tila pakorteng bilog na ugat ng higanteng puno.
Sunod-sunod na sapok ang pinakawalan ng halimaw. Todong lakas na ang binibitaw nito anupat nawawasak ang bawat natatamaang ugat, pero ni isa dito ay hindi nagawang daplisan si Hans na patuloy lang sa pag-ilag.
Tama ang naisipan ng binatilyo. Sa simula't sapul ay binalak na niyang pasunurin ang halimaw dito at sa papamagitan ng ugat ng higanteng puno ay magagawa niyang iwasan ang mga atake nito. Kahit papaano'y napapahina nito ang nilalang, ngunit hanggang kailan naman siya magtatagal gayung unti-unti na rin siyang nanghihina. Dama niya ang pamamanhid ng kanyang binti pero pilit pa rin siyang nagpapatuloy kahit tila bumabagal na ang kanyang takbo.
"HANS!" Dinig niyang tawag ng boses lalake, "HANS!"
Napalinga si Hans sa kaliwa at agad niyang naaninagan ang isang lalakeng nakatuntong sa isa sa mga ugat. Kapwa nakataas ang kamay nito at kumakaway sa kanya. Mike?
Napakunot din ang kanyang noo nang may mapansin siyang isa pa'ng anino sa ilalim ng ugat na kinatatayuan ni Mike. Jacob?
"BILISAN MO! DITO ANG DAAN!" Dagdag ni Mike.
Hindi nagdalawang isip si Hans na sundin ang sinasabi ng kaibigan. Lalong pinaigting ni Hans ang kanyang takbo upang makarating sa kinaroroonan nito, ngunit tila mas lalo namang tumulin ang nilalang.
Naka-unat ang isang kamay ng halimaw at akmang hahablutin ang binatilyo mula sa likuran. Ilang pagitan na lamang ang agwat ay maaabutan na siya nito.
"HANS!!" Hiyaw sa kanya ni Mike. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakikita ang paglapit ng halimaw kay Hans. Sa isip-isip niya'y mamamatay na si Hans sa oras na maabutan ng matatalim na kuko. Ito na siguro ang magiging katapusan niya!
Akmang hahablutin ng halimaw ang likurang damit ni Hans, ka-sinulid na lamang ang pagitan at dadakmain na siya nito. Subalit, napadausdos si Hans at pumailalim sa ugat. Agad naman siyang kinapitan ni Jacob nang maigting sa manggas ng kanyang polo shirt at hinablot palayo sa nilusutang butas. Kapwa silang napadapa sa lupa.
Habol ang hininga ni Hans. Halos nagamit na niya ang kanyang lakas. Hindi niya na kayang itayo ang sarili.
Inabutan siya ng kamay ni Jacob.
"Maraming... salamat... Jacob." Sambit ni Hans habang habol ang malalim na hininga. Luminga si Hans sa halimaw at namasdan niya kung papaano ito magwala nang maipit sa pagitan ng mga ugat na nilusutan niya. "Nasaan 'yong iba?" Tanong agad ni Hans.
"Nandoon nagtatago." Tugon ni Mike.
"GUYS!!" Hiyaw ni Liliane.
Luminga ang tatlong lalake at nakita nilang nakatindig si Liliane sa batong pinag-kublian kanina, kasama ng iba pa.
"Guys..." wika ni Hans habang hinihingal, "Kailangan... na nating... umalis dito..."
Sinang-ayunan naman ito ng dalawa. Ito na ang pagkakataon nila habang hindi pa nakakawala ang halimaw.
Nagmamadali na silang lisanin ang lugar na iyon subalit may isang lalake ang biglang sumulpot sa harapan nila. Kakatwa ang kasuotan nito. Puting tela na abot hanggang paa ang haba na animo bathrobe. Tila pang-sinaunang panahon ang istilo ng pananamit nito.
Nakangiting pumalakpak sa kanila ang lalakeng may kakaibang kasuotan. "Sinong mag-aakala na ganito lang pala kahina ang makakaharap namin," sambit nito, "kapatid ko!"
Nagtatakang napakunot ang noo ni Hans dahil sa tinuran nito. "Kapatid? Sinong kapatid? Ano'ng pinagsasabi nito?"
*c***k! CRRRRAACCKK!
Bumaling ang lahat sa likod at namasdan nila kung papaanong kumawala ang halimaw mula sa mga ugat gamit ang malalakas nitong braso at matalim na kuko. Walang kahirap-hirap nitong sinira ang mga higanteng ugat. Sadyang napakalakas talaga ng nilalang. "Sa tingin niyo ba'y mapipigalan ako ng isang hamak na puno. DIYAN KAYO NAGKAKAMALI!" Nangangalit nitong ani.
Tila nasindak ang lahat nang magwika ang Halimaw. Akala nila'y kahalintulad ito ng isang hayop na walang ibang ginawa kundi ang umatungol at humabol sa kanila.
Lumapit ang halimaw sa lalake.
Tila may naiisip naman si Hans habang pinagmamasdan ang paglapit ng nilalang sa taong iyon. Tila nagimbal siya sa kanyang sapantaha nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy ng lalake, Ang halimaw na ito ang kapatid niya?
Nagpatuloy naman sa pagsasalita ang lalake. "Ngayon sabihin mo sa amin, kung sino sa inyo ang tagapag bantay, nasaan ang millenium stone?!"
"A-anong pinagsasabi mo diyan?! We-we don't know what your talking about!" utal na sambit ni Hans.
"Ano? Hindi mo alam?" Tila nagbago ang ekspresyon ng lalake at matalim na tumingin sa kanya, "Hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi mo, tao..."
"Hoy," sabat ni Jacob. "anong pinagsasabi mo diyan huh? Talaga ba'ng mahilig ka'ng manggago o sadyang baliw ka lang?!" Matapang na wika ni Jacob. Nag-iinit na ang ulo nito habang kinukuyom ang mga kamao. Kahit may halimaw sa harapan nila ay tila wala siyang pakialam. Marahil ay naging mitsa nito nang mapanood ang katapangang ginawa ni Hans.
"Whatever you are looking for, please let us go, at pangako wala kaming pagsasabihan!" Mangiyak-ngiyak na sambit ni Liliane habang sumisinok.
Kumurba ang ngiti sa labi ng lalake. Bumilog ito at kumawala ang nakakatakot na halakhak, "Ha-ha HAHAHAHA!" biglang tikom ang bibig nito't naging seryoso ang mukha, "Pwede ba, hindi niyo ako mabibilog sa mga pinagsasabi ninyo!"
"But we were telling the truth!" Sabat ni Hans, "Wala kaming alam... hindi namin alam kung nasaan ito and we dont even have a slightest idea of that Millenium stone you're looking for!"
Tikom ang bibig ng lalake. Lumihis ito ng tingin at tila may iniisip.
May katotohanan naman ang kanyang mga sinabi. Hindi niya alam. Walang sinuman sa kanila ang nakakaalam, kaya para saan pa para tugisin sila. Magsasayang lang dalawa sa kakahabol sa kanila at magtatanong ng bagay na hindi nila alam.
Sari-saring emosyon ang umaapaw sa kanila.
Galit kung titigan ni Jacob ang dalawa.
Si Mike naman na bagamat natatakot at kinakabahan ay pilit pinapakalma ang sarili at seryosong minamasdan ang lalake. Tila inaabangan niya ang sunod na bibitawang salita ng lalake.
Palihim namang sinusuri ng paningin nina Sarah at Mara ang paligid. Nag-iisip kung papaano sila makakataka habang takot naman ang namamayani sa iba pa.
Kuryusidad naman ang siyang namutawi kay Hans, "Bakit nila hinahanap ito at ano ang kanilang motibo para patayin ang lahat ng mga tao? Gan'on ba kahalaga ang bagay na iyon?"
Muli silang tinapunan ng tingin ng lalake. Tila dismayado ito dahil wala siyang mapapala sa grupo. "Kung wala rin naman kayong alam... PWES WALA RIN KAYONG PAKINABANG SA AMIN! PATAYIN MO NA SILA!"
"ROAAARRR!!"
Halos mabingi ang grupo dahil sa lakas ng atungol nito anupat napatakip sila sa kanilang mga tenga.
Agad na dumaluhong ang halimaw sa kanila.
"TAAAKKKBBOOO!" Panaas ni Hans subalit huli na ang lahat.
Nakataas na ang mga kamay ng halimaw at akmang hahagip sa kanila.
"AAAHHHH!!!" Nagtilian ang lahat.
"Hanggang dito na lang ba...?" Usap ni Hans sa kanyang sarili habang nakikita niya ang pagdapo ng kamay ng halimaw sa kanila. Tila bumagal ang takbo ng oras sa kanyang paningin. "Dito na lang ba matatapos ang lahat? Is there anything that we can do?"
Mariin siyang napapikit dinadamdam ang kirot na gumuguhit sa kanyang puso at nagdudulot ito ng pighati at panghihinayang. Tila sinisisi niya ang kanyang sa sarili dahil wala siyang nagawa para mailigtas ang kanyang mga kaibigan, higit sa lahat si Catherine.
Si Catherine na umaruga at umintindi sa kanya nang siya maulila. Hindi niya lubos maisip na maiiwan niya ito at si Mike. Maiiwan ni Mike ang kanyang magulang, gan'on din sa iba pa niyang mga kasama. Magkahalong pasusumamo, inis at sari-saring emosyon ang nararamdaman ng binatilyo. Naaawa siya sa kanilang sitwasyon. Ni wala man lang siyang nagawa.
Ka-buhok na lamang ang agwat at mahahagip na sila ng mga kuko ng nilalang nang walang pasubaling sumiklab ang nakasisilaw na liwanag
"AAAHHHH!!" Pikit-matang naghiyawan ang lahat. Iniisip kung ano ang susunod na mangyayari.
"I CAN'T SEE!!!" Inda ni Jason.
"U-UGHH~"
Hindi lumaon ay unti-unting naparam ang liwanag na iyon.
Dahan-dahan nilang iminulat ang kanilang mga mata. Nang luminaw ang lahat sa kanilang paningin ay nagilalas sila sa kanilang natunghayan.
"Guys... tingnan ninyo..." turo ni Sarah sa pinanggagalingan ng liwanag
"Totoo ba itong nakikita ko..." Ani ni Hanson.Napansin ni Mike ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Hanson at nagtaka kung bakit gulat na gulat ito na para bang nakakita ng multo. Dala ng kuryusidad ay napatingin din si Mike sa direksyon kung saan nakatingin si Hanson. Agad namang namilog ang mga mata at bibig ni Mike sa nasilayan, "What the hell."
Maging ang pito pa nilang kasama ay nakapansin din at sabay-sabay na tumanaw sa harapan.
"Oh my God what is that!" Biglang wika ni Janine, nakatingala, "A giant tree..." Usal naman ni Jason na may halong pagkamangha ang mga titig. Ang kanilang mga mata ay napuno ng panggigilalas.
Isang malaki at matayog na puno? Redwood sa Pilipinas? Parang ang hirap paniwalaan na mayron nito dito sa Pinas. Hindi nila tiyak kung tunay ba ang nakikita nila ngayon, kung nasa katinuan pa ba sila o nababaliw na? Isang puno na kayang higitan ang pinakamataas na building ng Vicentian University o ng kahit ano sa bayan ng Sitio Pinagpala?
Hindi nila alam pero isa lang ang sigurado, ang kaninang nararamdamang takot ay naparam at tuluyan na itong tinabunan ng pag-asa... liban kay Hanson.
Agad na iginala ni Hanson ang kanyang paningin at napansin ang mga nakatumbang kahoy na tinahak nila kanina, tila ba'y konektado ang mga 'to sa higanteng puno. Sa sandaling iyon ay napagtanto ni Hanson na ugat pala ang mga 'to ng higanteng puno. 'Sing laki at lapad lang ng troso ang mga nakasalansang nitong mga ugat at galos matabunan na nito ang buong paligid. Kapansin-pansin naman ang daan-daang mga alitaptap na nagliliparan sa palibot nito.
Mukhang matanda na ang puno subalit palaisipan ito kay Hanson dahil sa laki nito ay nakapagtatakang ni wala man lang ang nakaalam o nakapansin dito.
Nanatiling nakatingala si Hanson at titig na titig, ‘This... this was the one that I saw in my dream, but how can this be, why?’ Usap niya sa sarili. Hindi niya inakala na makikita niya ang higanteng puno. ang punong nasa panaginip niya, ang punong nasa lumang painting at punong nasa harapan nila ngayon ay iisa lang ang anyo.
Nagkataon lang ba ang lahat?
Nilingunan ni Mike si Hanson nang marinig ang mga salitang binatawan nito. Kitang-kita niya sa mga mata nito kung papaanong titigan ang punong iyon. Muling ibinalik ni Mike ang paningin sa puno at pinagmasdan. Sinuri niya ito ng maigi hanggang sa isang imahe ang tila nagpakita sa sulok ng kanyang isipan, ‘Impossible! This tree is...’ Usap ni Mike sa kanyang sarili.
Kapwa napaka sa kinatatayuan ang dalawa habang tinititigan ang higanteng puno.
Sa simula't sapul ay madalas ng mapanaginipan ni Hanson ang punong ito. May mga pagkakataon na iginuhit ito ng binatilyo at ipinakita kay Mike, subalit nagsawalang bahala lang sila. Ayon sa isang Psychiatrist ay pangkaraniwang na iyon nangyayari, lalong-lalo na sa katulad ni Hanson na mayroong PTSD, Subalit magmula ng makita nila ang painting sa Heritage House ay nagkaroon na sila ng pagdududa kung pangakaraniwang na panaginip lang ba ang mga iyon o hindi.
Malaking palaisapan kay Hanson kung bakit ang punong nasa harapan nila ngayon, ang lumang painting sa Heritage House at ang puno sa kanyang panaginip ay iisa ang anyo.
‘Nagkataon lang ba ito o guni-guni ko na naman ito?’ Tila kuryente kung gumapang sa gulugod ni Hanson ang lamig. Hindi siya maka-imik nang diretso o makagalaw man lang sa knayng kinatatayuan, ‘Sino ba talaga ang puting nilalang at ng nakamasakarang bungo? Bakit madalas ko silang mapanaginipan? Bakit?’
"ROAAARRR!" Atungol ng Halimaw.
Dagling bumalik sa wisyo si Hanson nang madinig ang nakahihindik na hiyaw.
Napalingon silang lahat sa direksyon kung saan sila nanggaling at nakita nila ang halimaw. Tuwid ang tindig nito habang nanlilisik ang mga mata sa kanila, "GRRRRRR..." lumalangingitngit ang ngipin nito at binigyan sila ng nakapangingilabot na ngisi, animo sabik na sabik na patayin silang lahat.
‘Paano namin matatakasan ang halimaw na sing bilis ng hayop kung tumakbo? Ano na'ng gagawin namin?’ usap ni Hanson sa sarili.
Walang anu-ano ay biglang bumulusok ang halimaw patungo sa kanila. Nakakuyom ang kanang kamao at akmang susuntok.
"SPLIT UP!!" Hiyaw ni Hanson.
Dali-dali silang kumaripas sa magkabilang direksyon. Napunta sa kanan si Hanson kasama sina Mara, Sarah at si Mike habang nasa kaliwa naman sina Jacob, Trixie at ang mag-kambal.
Nabaon ang kamao ng halimaw sa natamaan nitong lupa na iniangat naman at ibinaling ang paningin kina Hanson. Tanto naman ni Hanson na sila na ang target nito, "GUYS TAKBOOO!!"
Papalayo na dapat sila subalit agad na tumakbo ang halimaw. Tumalon ito ng mataas at bumulaga sa harapan nila. Kasabay ng paglapag ng mga paa nito sa lupa ay agad na iwinasiwas ang kaliwang kamay at natamaan nito sina Mara at Sarah. Tumama ang dalawa sa nakausling ugat ng higanteng puno, bumagsak sa lupa at nawalan ng malay.
"MARAAA! SARAAAHH!" Hiyaw ni Hans. Napatingin siya sa ibaba sa gawing kanan at doo'y nakakita siya ng kahoy. Mukhang matibay ang kahoy na iyon at maaaring masaktan ang halimaw kung kaya agad niya itong kinuha. Umakyat siya sa isang naka-angat na ugat na malapit sa likod ng halimaw. Kaagad na lumundag si Hans at buong lakas niyang itinarak ang kahoy sa likod subalit hindi ito umubra. Nilingonan siya ng halimaw at gamit ang isang kamay ay inihamba siya nito sa lupa, "UGH!!" Inda niya nang tumama ang likod sa ugat.
"HANS!" Sigaw naman ni Mike. Kumuha rin ito ng matabang kahoy at inihampas sa balikat ng halimaw, pero sadyang matibay ang nilalang. Agad na hinambalos si Mike at pagkatapos ay bumagsak din, "ARG!"
Matapos nito'y napatingin ang nilalang sa direksyon nina Janine, "OH MY GOD!! NAKATINGIN NA SIYA SA ATIN!" bulas ni Janine.
Bigla-biglang dumaluhong ang halimaw patungo sa kanila.
"TAKBOOO!!" Hiyaw ni Jason.
Kaagad silang kumaripas ngunit naabutan sila nito at isang hambalos ng kamay ang agad na ginawa ng halimaw. Konti na lamang ay mahahagip na sila pero nagawa nilang undayin ang atakeng iyon nang maghiwalay sila ng direksyon, bagay na hindi nila namalayan dahil sa pagmamadali at sa takot na mapatay ng nilalang.
Nagkapira-piraso naman ang ugat na tinamaan ng kamao ng Halimaw, tila buhangin nang bumagsak ito sa lupa.
###
Pasigaw-sigaw ang tatlong babae habang nagmamadali. Ni hindi sila makapag-isip ng maayos. Dire-diretso lang ng takbo.
Sa 'di kalayuan ay tila may natatanaw si Janine. Mga kumpol ng malaking ugat na nagmistulang kweba. Dali-dali siyang tumungo doon at agad na ipinasok ang sarili sa maliit na hiwang. Sinundan naman siya ng dalawa pa niyang kasama. Nang makapagtago ay pinilit nilang hindi gumawa ng anumang ingay. May bigat ang bawat habol at buga ng kanilang hininga habang mahigpit silang nagkapit kamay at kagat-kagat ang kanilang mga labi. Halos marinig na nila ang kabog sa kanilang mga dibdib. Kabado sa kung anong susunod na mangyayari, kung mahahanap ba sila nito o hindi.
Mula naman sa labas ay naririnig nila ang mga malalakas na yabag. Sa pakiwari nila'y mga yapak ito ng nilalang at malamang ay hinahanap sila nito. Dinig din nila ang malakas na pagsinghot nito na marahil ay sinusundan ang kanilang amoy. Ilang yapak pa ang maririnig ng tatlo at habang tumatagal ay lumalakas. Mukhang papalapit na ito sa kanilang kinaroroonan.
Mariin na tinakpan ni Janine ang kanyang bibig gamit ang dalawang kamay habang umaagos ang luha sa kanyang pisngi. Napakagat-labi naman si Lililiane habang mariing nakapikit. Samantalang si Trixie naman ay pilit na isinisiksik ang mukha sa likuran ni Liliane.
Segundo pa ang lumipas ay tila nawala ang mga yabag. Sa isip-isip ng tatlo ay Mukhang bigo ang nilalang na matagpuan sila kaya lumayo na lamang ito.
Inalis ni Janine ang dalawang kamay mula sa pagkakatakip sa kanyang bibig habang naimulat naman ni Liliane ang kanyang mga mata. Marahan silang lumapit sa butas upang silipin kung naroroon pa ba ang halimaw. Kasabay ng pag-tama ng kanilang paningin sa labas ay siya namang pagdaluhong ng isang malaking kamay.
###
"Bilis!" Utos ni Jason kay Jacob na nauuna sa kanya, "Bilisan mo!"
Halos hindi na magkandaugaga si Jacob. Paulit-ulit naman siyang pinagsasabihan ni Jason na bilisan subalit ng dahil sa takot ay tila hindi na niya marinig ang mga sinasabi nito. Sa kanilang pagmamadali ay 'di sinasadyang matapilok si Jacob. Muntikan ng sumayad ang kanyang mukha sa lupa, mabuti na lamang ay agad niyang naitungkod ang kanyang mga palad.
"Jacob ano ba?! Tumayo ka diyan!" Wika ni Jason. Iniabot niya ang kanyang kamay kay Jacob upang tulungan itong makatayo, nang tumindig ay napalinga si Jason sa pinag-mulan. Kunot-noong iniikot ni Jason ang kanyang paningin sa paligid. "Janine? Nasaan si Janine?!" Tanong niya kay Jacob.
Hindi naman umimik si Jacob.
Sandali pa'y isang malakas na hiyaw ang kanilang narinig mula sa malayo. Kapwa silang napatingin sa pinagmulan ng sigaw na iyon.
Nanlalaki ang mga mata ni Jason habang naririnig niya ang mga hiyawan. Pamilyar sa kanya ang isa sa mga tinig na iyon anupa't nakaramdam siya ng kaba sa kanyang dibdib, "Si Janine," usal niya. Dito'y tuluyan ng rumehistro ang pangamba sa kanyang mukha, "JANINEEE!!" Sigaw niya at dali-dali siyang tumakbo pabalik, "JAANINEE!"
###
Tigagal namang naiwan si Jacob. Batid niya na wala silang laban sa halimaw kaya ano pa ba ang dapat nilang gawin kundi ang lumayo. Tumakas. Iligtas ang sariling buhay.
Siya'y tumalikod at nagsimulang tumakbo palayo subalit nakakailang hakbang palamang ang kanyang nagagawa nang bigla siyang huminto.
Kumuyom ang kanyang mga kamao. Luminga si Jacob sa kanyang pinanggalingan. Hindi niya na mahagilap Jason. Luminga siya sa harapan at mariing napapikit. Tila nagdadalawang isip kung dapat pa ba siyang tumuloy.
Kung pipiliin niyang tumakas ay paano naman ang kanyang mga kasama?
Ano na lamang ang sasabihin ng mga tao sa kanya?
Huhusgahan?
Ngunit kung pipiliin naman niyang bumalik ay sigurado na ang kanyang katapusan.
Alin ba sa dalawa ang kanyang pipiliin?
Tila wala sa sarili siyang napakagat-labi. Sa isip-isip niya'y mukhang wala na siyang magagawa kundi gawin ang nararapat kahit na malaki ang kapalit.
###
Pilit na ibinabangon ni Hanson ang kaniyang sarili subalit gumagapang ang matinding kirot sa kanyang likuran. Sa lakas ba naman ng pagsalagpak niya sa lupa ay tila binundol siya ng isang sasakyan.
Samantala, nagkamalay naman sina Mara, Sarah at Mike at katulad din niya ay may iniinda rin matapos lumagapak sa lupa.
Sa 'di kalayuan ay may naririnig siyang nag-titilian. Agad na kumulubot ang noo ni Hanson, "Ang mga boses na 'yon," wika niya.
Kahit nahihirapan ay pilit niyang iniangat ang kanyang katawan at paika-ikang nag-lakad at sinundan ang pinagmumulan ng mga ingay, kasunod ang tatlo pang mga kasama. Nang matunton ito ng binatilyo ay nakita niya ang halimaw na pilit na isinisiksik ang sarili sa maliit na tipak, tila ba may inaabot ito sa loob.
"AAAHHH!!" Tili ng mga boses babae. Base sa lakas at lapit nito mukhang nagmumula iyon sa loob ng hiwang.
"No way," Wika ni Mike at bumaling kay Hans. "We have to do something."
"Pero Mike nakikita mo naman 'di ba? Sige nga sabihin mo sa amin kung papaano natin haharapin iyan? Anong gagawin natin?!" Hinaing ni Mara.
May pag-aalangan si Mike sa kanyang sinambit at batid niya naman ang punto ni Mara, ngunit magkagayun pa man ay dapat may gawin sila para masagip sina Janine, subalit sa paanong paraan?
"Dito lang kayo." Biglang tugon ni Hanson at humakbang pasulong.
"Wait, what are you gonna do?" bulong na Tanong ni Mike, ngunit hindi siya nilingunan ng binatilyo. Nagpatuloy lamang habang paika-ikang naglalakad nang walang pag-aalinlangan.
Nang makita ni Mike ang ekspresyon sa mukha ni Hanson ay tila naunawaan niya kung ano ang nasa isip nito. Wala man nabanggit sa kanya ay batid naman niya na iyon lamang ang tanging paraan, ngunit, gayun pa man, para sa kanya ang desisyong iyon ang pinaka-malakaing pagkakamali.
ITUTULOY...