His plan

3760 Words
Napansin ni Mike ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Hanson at nagtaka kung bakit gulat na gulat ito na para bang nakakita ng multo. Dala ng kuryusidad ay napatingin din si Mike sa direksyon kung saan nakatingin si Hanson. Agad namang namilog ang mga mata at bibig ni Mike sa nasilayan, "What the hell." Maging ang pito pa nilang kasama ay nakapansin din at sabay-sabay na tumanaw sa harapan. "Oh my God what is that!" Biglang wika ni Janine, nakatingala, "A giant tree..." Usal naman ni Jason na may halong pagkamangha ang mga titig. Ang kanilang mga mata ay napuno ng panggigilalas. Isang malaki at matayog na puno? Redwood sa Pilipinas? Parang ang hirap paniwalaan na mayron nito dito sa Pinas. Hindi nila tiyak kung tunay ba ang nakikita nila ngayon. Kung nasa katinuan pa ba sila o nababaliw na. Isang puno na kayang higitan ang pinakamataas na building ng Vicentian University o ng kahit ano sa bayan ng Sitio Pinagpala? Hindi nila alam pero isa lang ang sigurado, ang kaninang nararamdamang takot ay naparam at tuluyan na itong tinabunan ng pag-asa... liban kay Hanson. Agad na iginala ni Hanson ang kanyang paningin at napansin ang mga nakatumbang kahoy na tinahak nila kanina, tila ba'y konektado ang mga 'to sa higanteng puno. Sa sandaling iyon ay napagtanto ni Hanson na ugat pala ang mga 'to ng higanteng puno. 'Sing laki at lapad lang ng troso ang mga nakasalansang nitong mga ugat at galos matabunan na nito ang buong paligid. Kapansin-pansin naman ang daan-daang mga alitaptap na nagliliparan sa palibot nito. Mukhang matanda na ang puno subalit palaisipan ito kay Hanson dahil sa laki nito ay nakapagtatakang ni wala man lang ang nakaalam o nakapansin dito. Nanatiling nakatingala si Hanson at titig na titig, ‘This... this was the one that I saw in my dream, but how can this be, why?’ Usap niya sa sarili. Hindi niya inakala na makikita niya ang higanteng puno. ang punong nasa panaginip niya, ang punong nasa lumang painting at punong nasa harapan nila ngayon ay iisa lang ang anyo. Nagkataon lang ba ang lahat? Nilingunan ni Mike si Hanson nang marinig ang mga salitang binatawan nito. Kitang-kita niya sa mga mata nito kung papaanong titigan ang punong iyon. Muling ibinalik ni Mike ang paningin sa puno at pinagmasdan. Sinuri niya ito ng maigi hanggang sa isang imahe ang tila nagpakita sa sulok ng kanyang isipan, ‘Impossible! This tree is...’ Usap ni Mike sa kanyang sarili. Kapwa napaka sa kinatatayuan ang dalawa habang tinititigan ang higanteng puno. Sa simula't sapul ay madalas ng mapanaginipan ni Hanson ang punong ito. May mga pagkakataon na iginuhit ito ng binatilyo at ipinakita kay Mike, subalit nagsawalang bahala lang sila. Ayon sa isang Psychiatrist ay pangkaraniwang na iyon nangyayari, lalong-lalo na sa katulad ni Hanson na mayroong PTSD,  Subalit magmula ng makita nila ang painting sa Heritage House ay nagkaroon na sila ng pagdududa kung pangakaraniwang na panaginip lang ba ang mga iyon o hindi. Malaking palaisapan kay Hanson kung bakit ang punong nasa harapan nila ngayon, ang lumang painting sa Heritage House at ang puno sa kanyang panaginip ay iisa ang anyo. ‘Nagkataon lang ba ito o guni-guni ko na naman ito?’ Tila kuryente kung gumapang sa gulugod ni Hanson ang lamig. Hindi siya maka-imik nang diretso o makagalaw man lang sa knayng kinatatayuan, ‘Sino ba talaga ang puting nilalang at ng nakamasakarang bungo? Bakit madalas ko silang mapanaginipan? Bakit?’ "ROAAARRR!" Atungol ng Halimaw. Dagling bumalik sa wisyo si Hanson nang madinig ang nakahihindik na hiyaw. Napalingon silang lahat sa direksyon kung saan sila nanggaling at nakita nila ang halimaw. Tuwid ang tindig nito habang nanlilisik ang mga mata sa kanila, "GRRRRRR..." lumalangingitngit ang ngipin nito at binigyan sila ng nakapangingilabot na ngisi, animo sabik na sabik na patayin silang lahat. ‘Paano namin matatakasan ang halimaw na sing bilis ng hayop kung tumakbo? Ano na'ng gagawin namin?’ usap ni Hanson sa sarili. Walang anu-ano ay biglang bumulusok ang halimaw patungo sa kanila. Nakakuyom ang kanang kamao at akmang susuntok. "SPLIT UP!!" Hiyaw ni Hanson. Dali-dali silang kumaripas sa magkabilang direksyon. Napunta sa kanan si Hanson kasama sina Mara, Sarah at si Mike habang nasa kaliwa naman sina Jacob, Trixie at ang mag-kambal. Nabaon ang kamao ng halimaw sa natamaan nitong lupa na iniangat naman at ibinaling ang paningin kina Hanson. Tanto naman ni Hanson na sila na ang target nito, "GUYS TAKBOOO!!" Papalayo na dapat sila subalit agad na tumakbo ang halimaw. Tumalon ito ng mataas at bumulaga sa harapan nila. Kasabay ng paglapag ng mga paa nito sa lupa ay agad na iwinasiwas ang kaliwang kamay at natamaan nito sina Mara at Sarah. Tumama ang dalawa sa nakausling ugat ng higanteng puno, bumagsak sa lupa at nawalan ng malay. "MARAAA! SARAAAHH!" Hiyaw ni Hans. Napatingin siya sa ibaba sa gawing kanan at doo'y nakakita siya ng kahoy. Mukhang matibay ang kahoy na iyon at maaaring masaktan ang halimaw kung kaya agad niya itong kinuha. Umakyat siya sa isang naka-angat na ugat na malapit sa likod ng halimaw. Kaagad na lumundag si Hans at buong lakas niyang itinarak ang kahoy sa likod subalit hindi ito umubra. Nilingonan siya ng halimaw at gamit ang isang kamay ay inihamba siya nito sa lupa, "UGH!!" Inda niya nang tumama ang likod sa ugat. "HANS!" Sigaw naman ni Mike. Kumuha rin ito ng matabang kahoy at inihampas sa balikat ng halimaw, pero sadyang matibay ang nilalang. Agad na hinambalos si Mike at pagkatapos ay bumagsak din, "ARG!" Matapos nito'y napatingin ang nilalang sa direksyon nina Janine, "OH MY GOD!! NAKATINGIN NA SIYA SA ATIN!" bulas ni Janine. Bigla-biglang dumaluhong ang halimaw patungo sa kanila. "TAKBOOO!!" Hiyaw ni Jason. Kaagad silang kumaripas ngunit naabutan sila nito at isang hambalos ng kamay ang agad na ginawa ng halimaw. Konti na lamang ay mahahagip na sila pero nagawa nilang undayin ang atakeng iyon nang maghiwalay sila ng direksyon, bagay na hindi nila namalayan dahil sa pagmamadali at sa takot na mapatay ng nilalang. Nagkapira-piraso naman ang ugat na tinamaan ng kamao ng Halimaw, tila buhangin nang bumagsak ito sa lupa. ### Pasigaw-sigaw ang tatlong babae habang nagmamadali. Ni hindi sila makapag-isip ng maayos. Dire-diretso lang ng takbo. Sa 'di kalayuan ay tila may natatanaw si Janine. Mga kumpol ng malaking ugat na nagmistulang kweba. Dali-dali siyang tumungo doon at agad na ipinasok ang sarili sa maliit na hiwang. Sinundan naman siya ng dalawa pa niyang kasama. Nang makapagtago ay pinilit nilang hindi gumawa ng anumang ingay. May bigat ang bawat habol at buga ng kanilang hininga habang mahigpit silang nagkapit kamay at kagat-kagat ang kanilang mga labi. Halos marinig na nila ang kabog sa kanilang mga dibdib. Kabado sa kung anong susunod na mangyayari, kung mahahanap ba sila nito o hindi. Mula naman sa labas ay naririnig nila ang mga malalakas na yabag. Sa pakiwari nila'y mga yapak ito ng nilalang at malamang ay hinahanap sila nito. Dinig din nila ang malakas na pagsinghot nito na marahil ay sinusundan ang kanilang amoy. Ilang yapak pa ang maririnig ng tatlo at habang tumatagal ay lumalakas. Mukhang papalapit na ito sa kanilang kinaroroonan. Mariin na tinakpan ni Janine ang kanyang bibig gamit ang dalawang kamay habang umaagos ang luha sa kanyang pisngi. Napakagat-labi naman si Lililiane habang mariing nakapikit. Samantalang si Trixie naman ay pilit na isinisiksik ang mukha sa likuran ni Liliane. Segundo pa ang lumipas ay tila nawala ang mga yabag. Sa isip-isip ng tatlo ay Mukhang bigo ang nilalang na matagpuan sila kaya lumayo na lamang ito. Inalis ni Janine ang dalawang kamay mula sa pagkakatakip sa kanyang bibig habang naimulat naman ni Liliane ang kanyang mga mata. Marahan silang lumapit sa butas upang silipin kung naroroon pa ba ang halimaw. Kasabay ng pag-tama ng kanilang paningin sa labas ay siya namang pagdaluhong ng isang malaking kamay. ### "Bilis!" Utos ni Jason kay Jacob na nauuna sa kanya, "Bilisan mo!" Halos hindi na magkandaugaga si Jacob. Paulit-ulit naman siyang pinagsasabihan ni Jason na bilisan subalit ng dahil sa takot ay tila hindi na niya marinig ang mga sinasabi nito. Sa kanilang pagmamadali ay 'di sinasadyang matapilok si Jacob. Muntikan ng sumayad ang kanyang mukha sa lupa, mabuti na lamang ay agad niyang naitungkod ang kanyang mga palad. "Jacob ano ba?! Tumayo ka diyan!" Wika ni Jason. Iniabot niya ang kanyang kamay kay Jacob upang tulungan itong makatayo, nang tumindig ay napalinga si Jason sa pinag-mulan. Kunot-noong iniikot ni Jason ang kanyang paningin sa paligid. "Janine? Nasaan si Janine?!" Tanong niya kay Jacob. Hindi naman umimik si Jacob. Sandali pa'y isang malakas na hiyaw ang kanilang narinig mula sa malayo. Kapwa silang napatingin sa pinagmulan ng sigaw na iyon. Nanlalaki ang mga mata ni Jason habang naririnig niya ang mga hiyawan. Pamilyar sa kanya ang isa sa mga tinig na iyon anupa't nakaramdam siya ng kaba sa kanyang dibdib, "Si Janine," usal niya. Dito'y tuluyan ng rumehistro ang pangamba sa kanyang mukha, "JANINEEE!!" Sigaw niya at dali-dali siyang tumakbo pabalik, "JAANINEE!" ### Tigagal namang naiwan si Jacob. Batid niya na wala silang laban sa halimaw kaya ano pa ba ang dapat nilang gawin kundi ang lumayo. Tumakas. Iligtas ang sariling buhay. Siya'y tumalikod at nagsimulang tumakbo palayo subalit nakakailang hakbang palamang ang kanyang nagagawa nang bigla siyang huminto. Kumuyom ang kanyang mga kamao. Luminga si Jacob sa kanyang pinanggalingan. Hindi niya na mahagilap Jason. Luminga siya sa harapan at mariing napapikit. Tila nagdadalawang isip kung dapat pa ba siyang tumuloy. Kung pipiliin niyang tumakas ay paano naman ang kanyang mga kasama? Ano na lamang ang sasabihin ng mga tao sa kanya? Huhusgahan? Ngunit kung pipiliin naman niyang bumalik ay sigurado na ang kanyang katapusan. Alin ba sa dalawa ang kanyang pipiliin? Tila wala sa sarili siyang napakagat-labi. Sa isip-isip niya'y mukhang wala na siyang magagawa kundi gawin ang nararapat kahit na malaki ang kapalit. ### Pilit na ibinabangon ni Hanson ang kaniyang sarili subalit gumagapang ang matinding kirot sa kanyang likuran. Sa lakas ba naman ng pagsalagpak niya sa lupa ay tila binundol siya ng isang sasakyan. Samantala, nagkamalay naman sina Mara, Sarah at Mike at katulad din niya ay may iniinda rin matapos lumagapak sa lupa. Sa 'di kalayuan ay may naririnig siyang nag-titilian. Agad na kumulubot ang noo ni Hanson, "Ang mga boses na 'yon," wika niya. Kahit nahihirapan ay pilit niyang iniangat ang kanyang katawan at paika-ikang nag-lakad at sinundan ang pinagmumulan ng mga ingay, kasunod ang tatlo pang mga kasama. Nang matunton ito ng binatilyo ay nakita niya ang halimaw na pilit na isinisiksik ang sarili sa maliit na tipak, tila ba may inaabot ito sa loob. "AAAHHH!!" Tili ng mga boses babae. Base sa lakas at lapit nito mukhang nagmumula iyon sa loob ng hiwang. "No way," Wika ni Mike at bumaling  kay Hans. "We have to do something." "Pero Mike nakikita mo naman 'di ba? Sige nga sabihin mo sa amin kung papaano natin haharapin iyan? Anong gagawin natin?!" Hinaing ni Mara. May pag-aalangan si Mike sa kanyang sinambit at batid niyang may punto si Mara, ngunit magkagayun pa man ay dapat may gawin sila para masagip sina Janine, subalit sa paanong paraan? "Dito lang kayo." Biglang tugon ni Hanson at humakbang pasulong. "Teka ano'ng gagawin mo?" Tanong ni Mike. "Ano?!" Sabay na wika nina Mara at Sarah. Tila naunawaan ni Mike ang balak gawin ni Hanson kaya dagli niyang niyaya ang dalawa upang magtago.Napansin ni Mike ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Hanson at nagtaka kung bakit gulat na gulat ito na para bang nakakita ng multo. Dala ng kuryusidad ay napatingin din si Mike sa direksyon kung saan nakatingin si Hanson. Agad namang namilog ang mga mata at bibig ni Mike sa nasilayan, "What the hell." Maging ang pito pa nilang kasama ay nakapansin din at sabay-sabay na tumanaw sa harapan. "Oh my God what is that!" Biglang wika ni Janine, nakatingala, "A giant tree..." Usal naman ni Jason na may halong pagkamangha ang mga titig. Ang kanilang mga mata ay napuno ng panggigilalas. Isang malaki at matayog na puno? Redwood sa Pilipinas? Parang ang hirap paniwalaan na mayron nito dito sa Pinas. Hindi nila tiyak kung tunay ba ang nakikita nila ngayon. Kung nasa katinuan pa ba sila o nababaliw na. Isang puno na kayang higitan ang pinakamataas na building ng Vicentian University o ng kahit ano sa bayan ng Sitio Pinagpala? Hindi nila alam pero isa lang ang sigurado, ang kaninang nararamdamang takot ay naparam at tuluyan na itong tinabunan ng pag-asa... liban kay Hanson. Agad na iginala ni Hanson ang kanyang paningin at napansin ang mga nakatumbang kahoy na tinahak nila kanina, tila ba'y konektado ang mga 'to sa higanteng puno. Sa sandaling iyon ay napagtanto ni Hanson na ugat pala ang mga 'to ng higanteng puno. 'Sing laki at lapad lang ng troso ang mga nakasalansang nitong mga ugat at galos matabunan na nito ang buong paligid. Kapansin-pansin naman ang daan-daang mga alitaptap na nagliliparan sa palibot nito. Mukhang matanda na ang puno subalit palaisipan ito kay Hanson dahil sa laki nito ay nakapagtatakang ni wala man lang ang nakaalam o nakapansin dito. Nanatiling nakatingala si Hanson at titig na titig, ‘This... this was the one that I saw in my dream, but how can this be, why?’ Usap niya sa sarili. Hindi niya inakala na makikita niya ang higanteng puno. ang punong nasa panaginip niya, ang punong nasa lumang painting at punong nasa harapan nila ngayon ay iisa lang ang anyo. Nagkataon lang ba ang lahat? Nilingunan ni Mike si Hanson nang marinig ang mga salitang binatawan nito. Kitang-kita niya sa mga mata nito kung papaanong titigan ang punong iyon. Muling ibinalik ni Mike ang paningin sa puno at pinagmasdan. Sinuri niya ito ng maigi hanggang sa isang imahe ang tila nagpakita sa sulok ng kanyang isipan, ‘Impossible! This tree is...’ Usap ni Mike sa kanyang sarili. Kapwa napaka sa kinatatayuan ang dalawa habang tinititigan ang higanteng puno. Sa simula't sapul ay madalas ng mapanaginipan ni Hanson ang punong ito. May mga pagkakataon na iginuhit ito ng binatilyo at ipinakita kay Mike, subalit nagsawalang bahala lang sila. Ayon sa isang Psychiatrist ay pangkaraniwang na iyon nangyayari, lalong-lalo na sa katulad ni Hanson na mayroong PTSD,  Subalit magmula ng makita nila ang painting sa Heritage House ay nagkaroon na sila ng pagdududa kung pangakaraniwang na panaginip lang ba ang mga iyon o hindi. Malaking palaisapan kay Hanson kung bakit ang punong nasa harapan nila ngayon, ang lumang painting sa Heritage House at ang puno sa kanyang panaginip ay iisa ang anyo. ‘Nagkataon lang ba ito o guni-guni ko na naman ito?’ Tila kuryente kung gumapang sa gulugod ni Hanson ang lamig. Hindi siya maka-imik nang diretso o makagalaw man lang sa knayng kinatatayuan, ‘Sino ba talaga ang puting nilalang at ng nakamasakarang bungo? Bakit madalas ko silang mapanaginipan? Bakit?’ "ROAAARRR!" Atungol ng Halimaw. Dagling bumalik sa wisyo si Hanson nang madinig ang nakahihindik na hiyaw. Napalingon silang lahat sa direksyon kung saan sila nanggaling at nakita nila ang halimaw. Tuwid ang tindig nito habang nanlilisik ang mga mata sa kanila, "GRRRRRR..." lumalangingitngit ang ngipin nito at binigyan sila ng nakapangingilabot na ngisi, animo sabik na sabik na patayin silang lahat. ‘Paano namin matatakasan ang halimaw na sing bilis ng hayop kung tumakbo? Ano na'ng gagawin namin?’ usap ni Hanson sa sarili. Walang anu-ano ay biglang bumulusok ang halimaw patungo sa kanila. Nakakuyom ang kanang kamao at akmang susuntok. "SPLIT UP!!" Hiyaw ni Hanson. Dali-dali silang kumaripas sa magkabilang direksyon. Napunta sa kanan si Hanson kasama sina Mara, Sarah at si Mike habang nasa kaliwa naman sina Jacob, Trixie at ang mag-kambal. Nabaon ang kamao ng halimaw sa natamaan nitong lupa na iniangat naman at ibinaling ang paningin kina Hanson. Tanto naman ni Hanson na sila na ang target nito, "GUYS TAKBOOO!!" Papalayo na dapat sila subalit agad na tumakbo ang halimaw. Tumalon ito ng mataas at bumulaga sa harapan nila. Kasabay ng paglapag ng mga paa nito sa lupa ay agad na iwinasiwas ang kaliwang kamay at natamaan nito sina Mara at Sarah. Tumama ang dalawa sa nakausling ugat ng higanteng puno, bumagsak sa lupa at nawalan ng malay. "MARAAA! SARAAAHH!" Hiyaw ni Hans. Napatingin siya sa ibaba sa gawing kanan at doo'y nakakita siya ng kahoy. Mukhang matibay ang kahoy na iyon at maaaring masaktan ang halimaw kung kaya agad niya itong kinuha. Umakyat siya sa isang naka-angat na ugat na malapit sa likod ng halimaw. Kaagad na lumundag si Hans at buong lakas niyang itinarak ang kahoy sa likod subalit hindi ito umubra. Nilingonan siya ng halimaw at gamit ang isang kamay ay inihamba siya nito sa lupa, "UGH!!" Inda niya nang tumama ang likod sa ugat. "HANS!" Sigaw naman ni Mike. Kumuha rin ito ng matabang kahoy at inihampas sa balikat ng halimaw, pero sadyang matibay ang nilalang. Agad na hinambalos si Mike at pagkatapos ay bumagsak din, "ARG!" Matapos nito'y napatingin ang nilalang sa direksyon nina Janine, "OH MY GOD!! NAKATINGIN NA SIYA SA ATIN!" bulas ni Janine. Bigla-biglang dumaluhong ang halimaw patungo sa kanila. "TAKBOOO!!" Hiyaw ni Jason. Kaagad silang kumaripas ngunit naabutan sila nito at isang hambalos ng kamay ang agad na ginawa ng halimaw. Konti na lamang ay mahahagip na sila pero nagawa nilang undayin ang atakeng iyon nang maghiwalay sila ng direksyon, bagay na hindi nila namalayan dahil sa pagmamadali at sa takot na mapatay ng nilalang. Nagkapira-piraso naman ang ugat na tinamaan ng kamao ng Halimaw, tila buhangin nang bumagsak ito sa lupa. ### Pasigaw-sigaw ang tatlong babae habang nagmamadali. Ni hindi sila makapag-isip ng maayos. Dire-diretso lang ng takbo. Sa 'di kalayuan ay tila may natatanaw si Janine. Mga kumpol ng malaking ugat na nagmistulang kweba. Dali-dali siyang tumungo doon at agad na ipinasok ang sarili sa maliit na hiwang. Sinundan naman siya ng dalawa pa niyang kasama. Nang makapagtago ay pinilit nilang hindi gumawa ng anumang ingay. May bigat ang bawat habol at buga ng kanilang hininga habang mahigpit silang nagkapit kamay at kagat-kagat ang kanilang mga labi. Halos marinig na nila ang kabog sa kanilang mga dibdib. Kabado sa kung anong susunod na mangyayari, kung mahahanap ba sila nito o hindi. Mula naman sa labas ay naririnig nila ang mga malalakas na yabag. Sa pakiwari nila'y mga yapak ito ng nilalang at malamang ay hinahanap sila nito. Dinig din nila ang malakas na pagsinghot nito na marahil ay sinusundan ang kanilang amoy. Ilang yapak pa ang maririnig ng tatlo at habang tumatagal ay lumalakas. Mukhang papalapit na ito sa kanilang kinaroroonan. Mariin na tinakpan ni Janine ang kanyang bibig gamit ang dalawang kamay habang umaagos ang luha sa kanyang pisngi. Napakagat-labi naman si Lililiane habang mariing nakapikit. Samantalang si Trixie naman ay pilit na isinisiksik ang mukha sa likuran ni Liliane. Segundo pa ang lumipas ay tila nawala ang mga yabag. Sa isip-isip ng tatlo ay Mukhang bigo ang nilalang na matagpuan sila kaya lumayo na lamang ito. Inalis ni Janine ang dalawang kamay mula sa pagkakatakip sa kanyang bibig habang naimulat naman ni Liliane ang kanyang mga mata. Marahan silang lumapit sa butas upang silipin kung naroroon pa ba ang halimaw. Kasabay ng pag-tama ng kanilang paningin sa labas ay siya namang pagdaluhong ng isang malaking kamay. ### "Bilis!" Utos ni Jason kay Jacob na nauuna sa kanya, "Bilisan mo!" Halos hindi na magkandaugaga si Jacob. Paulit-ulit naman siyang pinagsasabihan ni Jason na bilisan subalit ng dahil sa takot ay tila hindi na niya marinig ang mga sinasabi nito. Sa kanilang pagmamadali ay 'di sinasadyang matapilok si Jacob. Muntikan ng sumayad ang kanyang mukha sa lupa, mabuti na lamang ay agad niyang naitungkod ang kanyang mga palad. "Jacob ano ba?! Tumayo ka diyan!" Wika ni Jason. Iniabot niya ang kanyang kamay kay Jacob upang tulungan itong makatayo, nang tumindig ay napalinga si Jason sa pinag-mulan. Kunot-noong iniikot ni Jason ang kanyang paningin sa paligid. "Janine? Nasaan si Janine?!" Tanong niya kay Jacob. Hindi naman umimik si Jacob. Sandali pa'y isang malakas na hiyaw ang kanilang narinig mula sa malayo. Kapwa silang napatingin sa pinagmulan ng sigaw na iyon. Nanlalaki ang mga mata ni Jason habang naririnig niya ang mga hiyawan. Pamilyar sa kanya ang isa sa mga tinig na iyon anupa't nakaramdam siya ng kaba sa kanyang dibdib, "Si Janine," usal niya. Dito'y tuluyan ng rumehistro ang pangamba sa kanyang mukha, "JANINEEE!!" Sigaw niya at dali-dali siyang tumakbo pabalik, "JAANINEE!" ### Tigagal namang naiwan si Jacob. Batid niya na wala silang laban sa halimaw kaya ano pa ba ang dapat nilang gawin kundi ang lumayo. Tumakas. Iligtas ang sariling buhay. Siya'y tumalikod at nagsimulang tumakbo palayo subalit nakakailang hakbang palamang ang kanyang nagagawa nang bigla siyang huminto. Kumuyom ang kanyang mga kamao. Luminga si Jacob sa kanyang pinanggalingan. Hindi niya na mahagilap Jason. Luminga siya sa harapan at mariing napapikit. Tila nagdadalawang isip kung dapat pa ba siyang tumuloy. Kung pipiliin niyang tumakas ay paano naman ang kanyang mga kasama? Ano na lamang ang sasabihin ng mga tao sa kanya? Huhusgahan? Ngunit kung pipiliin naman niyang bumalik ay sigurado na ang kanyang katapusan. Alin ba sa dalawa ang kanyang pipiliin? Tila wala sa sarili siyang napakagat-labi. Sa isip-isip niya'y mukhang wala na siyang magagawa kundi gawin ang nararapat kahit na malaki ang kapalit. ### Pilit na ibinabangon ni Hanson ang kaniyang sarili subalit gumagapang ang matinding kirot sa kanyang likuran. Sa lakas ba naman ng pagsalagpak niya sa lupa ay tila binundol siya ng isang sasakyan. Samantala, nagkamalay naman sina Mara, Sarah at Mike at katulad din niya ay may iniinda rin matapos lumagapak sa lupa. Sa 'di kalayuan ay may naririnig siyang nag-titilian. Agad na kumulubot ang noo ni Hanson, "Ang mga boses na 'yon," wika niya. Kahit nahihirapan ay pilit niyang iniangat ang kanyang katawan at paika-ikang nag-lakad at sinundan ang pinagmumulan ng mga ingay, kasunod ang tatlo pang mga kasama. Nang matunton ito ng binatilyo ay nakita niya ang halimaw na pilit na isinisiksik ang sarili sa maliit na tipak, tila ba may inaabot ito sa loob. "AAAHHH!!" Tili ng mga boses babae. Base sa lakas at lapit nito mukhang nagmumula iyon sa loob ng hiwang. "No way," Wika ni Mike at bumaling  kay Hans. "We have to do something." "Pero Mike nakikita mo naman 'di ba? Sige nga sabihin mo sa amin kung papaano natin haharapin iyan? Anong gagawin natin?!" Hinaing ni Mara. May pag-aalangan si Mike sa kanyang sinambit at batid niya naman ang punto ni Mara, ngunit magkagayun pa man ay dapat may gawin sila para masagip sina Janine, subalit sa paanong paraan? "Dito lang kayo." Biglang tugon ni Hanson at humakbang pasulong. "Wait, what are you gonna do?" bulong na Tanong ni Mike, ngunit hindi siya nilingunan ng binatilyo. Nagpatuloy lamang habang paika-ikang naglalakad nang walang pag-aalinlangan. Nang makita ni Mike ang ekspresyon sa mukha ni Hanson ay tila naunawaan na niya kung ano ang nasa isip nito. Wala man 'to nabanggit sa kanya ay batid naman niya na iyon lamang ang tanging paraan, ngunit, gayun pa man, para sa kanya ang desisyong iyon ang pinaka-malakaing pagkakamali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD