What's the meaning of this?

1845 Words
"AAAAHHHH!" Patuloy na hiyaw ni Liliane. Naka-unat ang isang kamay ni Hanson at pinipilit na abutin ang dalagita, ngunit masyado na itong malayo sa kanya, "LILIANEEE!" sigaw niya "Hindi.... bakit? Bakit hindi ko man lang siya nailigtas?" usap niya sa kanyang sarili habang nakikita niya ang pagkahulog ng dalagita. Mabilis ang mga pangyayari pero tila bumagal ang takbo ng oras. Tila nag-slowmotion ang lahat sa kanyang paningin. Mariing napapikit si Hanson at may nangingilid na likido sa kanyang mata. Hindi niya lubos maisip na ganito ang mangyayari sa kanila. Hindi niya matanggap na may isa na naman ang mawawala sa kanya. Tila nanlambot ang kanyang katawan dahil sa sari-saring emosyon na kanyang nararamdaman. Wala siya ibang maisip kundi ang masagip ang kaibigan, kung may kaya lang siya sana'y nailigtas niya na ito, pero wala siyang magawa. Wala siya ibang masisisi kundi ang kanyang sarili. ‘Bakit kailangan pa 'tong mangyari?’ Sa kalagitnaan ng kawalang pag-asa niya ay tila may sumilip na pagkakataon. Isang boses ang narinig ni Hanson at may sinasabi ito na nagpagaan ng kanyang kalooban. May kalayuan man ito ay malinaw pa rin sa kanyang pandinig ang mga katagang iyon. "Ayos ka lang ba, Liliane?!" Panaas na tanong ng misteryosong tinig. ### "AAAAHHHH!" Hiyaw ni Liliane. Napakabilis ng mga pangyayari. Sa maiksing oras na iyon ay napagmasdan ni Liliane si Hanson habang siya'y nahuhulog. Bakas sa mukha nito ang tila kawalang pag-asa. Naka-unat pa ang isang kamay nito at pinipilit na abutin siya, pero masyado na siyang malayo. Mariin na lamang napapikit si Liliane at tila tanggap na niya ang mangyayari sa kanya, subalit isang kamay ang bigla na lamang sumulpot mula sa kung saan. Agad na hinawakan nito ang kanyang kamay dahilan upang mabanat nang bigla ang kanyang katawan. "UUGGGH!" Daing niya. Naramdaman rin niya na may isa pa ang nakahawak sa kanyang kaliwang kamay. Dahan-dahang iminulat ni Liliane ang kanyang mga mata upang makita kung sino ito. "Ayos ka lang ba Liliane?!" Panaas na tanong nito sa kanya. Mahigpit ang pagkakapit nito sa kanyang kamay at ganun rin sa hinahawakan nitong bato. ‘Ate Sarah?!’ "Wag kang mag-alala, hawak ka na namin." Sambit naman ng isa pang nakahawak sa kaliwang braso ni Liliane. Napalinga naman si Liliane sa kaliwa at nakita niya ang isang pang wangis ng babae. ‘Ate Mara?’ "Bilis, Liliane kumapit ka na!" Atas ni Sarah sa kanya. Sinunod naman niya ang sinabi nito. Kaagad niyang ipinatong ang kanyang paa sa naka-umang na bato at inabot ang naka-usling sanga. Inaalalayan siya ng dalawang babae na muling makasampa. ### Tila umaliwalas ang mukha ni Hans at kumurba ang ngiti sa kanyang labi. Nakahinga siya ng maluwag nang mabatid na ligtas ang kaibigan. "Salamat" 'yon na lamang ang tanging nasambit niya. Ganun din naman sina Jason at ng iba pa. Kahit papaano'y humapa ang nararamdaman nilang takot at panik, subalit panandalian lamang iyon. "ROOAAARRR!!!" Malayo pa lang ay dinig na nila ang hiyaw ng halimaw. Muling pumaibabaw ang takot at pangamba. Napasilip si Hanson sa ibaba at namataan ang mabilis na pagkilos ng dalawang nilalang. Animo'y gagamba na mabilis na gumagapang, ni hindi man lang nahirapan sa pag-akyat gayung matarik at slanting ang lugar. Namasdan ni Hanson ang isang babae na inabutan ng nilalang. Nahawakan ito sa magkabilang braso at buong lakas na hinatak hanggang sa nahati sa kalahati ang katawan. May isa naman ang nahawakan sa paa at inihambalos sa isa pang kasunod na kasama nito, parang isang laruan lamang na ipinukol sa ulo. Sa lakas ng pagkapukol ay parehas na nabasak ang ulo nila. May isa naman ang sinaksak gamit ang matatalim na kuko. Nanlaki ang mga mata ni Hanson at nangilabot sa natunghayan. Ni hindi siya makagalaw sa kinasasadlakan niya dahil sa takot. ‘Totoo ba talaga ang nangyayari sa amin o isang panaginip lamang?’ Usap ni Hanson sa sarili. Patingin-tingin sa kaliwa at kanan ang isang halimaw. Kalaunan ay unti-unti na itong napapatingin sa itaas, patutungo sa direksyon nina Hanson, hanggang sa namataan na nga sila nito. Nanlaki ang mga mata ni Hanson, kinalabutan nang tumingin ang halimaw sa direksiyon nila. Sa mga sandaling iyon ay napagtanto ni Hanson na sila na lang ang natitira. Sila na ang target ng nilalang. "Holy sh**! GUYS, BILIS UMALIS NA TAYO DITO. BILIS!!" Udyok niya sa kanyang mga kasamahan. Dali-dali silang nagsikilos. Halos hindi na sila magkandaugaga sa pag-akyat sa takot na maabutan. Sa kabilang dako naman, tila mga asong ulol ang dalawang nilalang. Nagkukumahog sa pag-akyat. Tila sabik na sabik na mabahiran ang kanilang mga palad ng dugo ng susunod nilang biktima. Nagawa naman nina Hanson na makarating sa rurok. Hingal na hingal sila sa sobrang pagod. Namamanhid ang kanilang mga kalamnan na halos masubsob na sila sa lupa. Waring hindi na nila kaya pa'ng magpatuloy, pero hindi sila puwedeng huminto. "ROARR!!!" Muling hiyaw ng nilalang. "Bilisan ninyo guys!" Sabi ni Hanson. Dali-dali silang sumuong sa masukal na kagubatan. Wala silang maaninag sa paligid pagkat sakop na ito ng kadiliman, pero nagpatuloy pa rin sila kahit hindi nila alam kung san' sila paroroon. Paikot-ikot ang paningin nila sa paligid habang tumatakbo; hinahagilap ang halimaw. ‘Nasaan na ang halimaw?’ ‘Malapit na ba?’ ‘Nasa likod ba?’ ‘Nasa harapan ba o nasa mga puno?’ Ito lamang ang tanging laman ng kanilang mga isipan. Hindi nila magawang mapanatag pagkat anumang sandali ay maaaring atakehin sila ng dalawang halimaw. Maaaring malapit lamang sa kanila ang mga ito at tinitiktikan. Sa kanilang pagmamadali ay bigla namang natapilok si Trixie. Agad namang napahinto si Hanson at binalikan ito. Dali-dali niyang inabot ang kanyang kamay dito upang tulungang makatayo. "Ayos ka lang ba?" Pag-aalala niya. "Opo" Tugon ni Trixie. Nakita naman ito ni Mike kaya siya'y huminto rin at tumakbo pabalik, maging sina Sarah at Mara ay napahinto at agad na sinundan si Mike. "Trixie!!" Tawag ni Sarah habang humahangos palapit sa dalawa. "Teka, sandali si Hanson!!" Sambit naman ni Liliane na nauuna sa kanila, kasama sina Jacob at ang mag-kambal. Pati sila'y tumila rin nang mapansin nilang naiiwan sina Hanson at ng iba pa. Patutungo sana sila sa kinaroroonan ng ang alingaw. ROAAARRR! Napalingon si Hanson sa likod, sa daan kung sa'n sila nag-mula. Malayo pa lang ay dinig na niya ang kaloskos ng mga dahon at ng malalakas na mga yapak. Pahiwatig na malapit na ang halimaw sa kanila. "GUYS TAKBO! TAKBO NA DALI!!!" Sigaw niya. Hinawakan ni Sarah si Trixie at agad na tumakbo palayo, kasunod sina Mike at Mara habang si Hanson naman ay nahuhuli sa kanila. Kalaunan ay nakalabas din silang lahat sa masukal na kagubatan at napadpad sa malawak na kapatagan. Malalago ang mga damong naririto na lampas tuhod ang taas, bagay na mas lalong nagpahirap sa kanilang pagtakbo. Nangunot ang noo ni Hanson habang binabaybay ang madamong kapatagan. Tila may kakaibang siyang napansin. Bumaling siya sa kaliwa at kanang bahagi ng kapatagang iyon at pagkatapos ay itinuon naman niya ang kanyang paningin sa unahan. Mula roon ay tanaw niya ang Bundok Nima. Sapagkakataong iyon ay dagling dumako sa kanyang isipan ang isang bahagi ng kanyang ala-ala. Isang lugar na pamilyar sa kanya. "ROOAAARRR!!!!!" Naputol ang kanyang pagmumuni nang marinig ang hiyaw ng halimaw. Napatingin si Hanson sa likod at nakitang lumabas mula sa gubat ang dalawang halimaw. Matulin itong tumatakbo patungo sa kanila. "GUYS BILISAN NINYO ANG TAKBO!!" Sigaw niya sa mga kasamahang nauuna sa kanya. Sumulyap naman sila sa likuran at nanlalaki ang kanilang mga mata at nagtilian. "AHH!!" "O MY---!!" "BILIS TAKBO, TAKBO!!" Wala silang magawa kundi ang tumakbo. Takbo... Takbo... Takbo... Ang tumakbo para sa kanilang buhay. Ang tumakbo ng mabilis hanggat maaari, hanggat kaya pa nila. Ang tila walang katapusang patentero sa kawit ni kamatayan. Subalit, nanginginig at namamanhid na ang kanilang mga tuhod. Nanghihina't hapong-hapo na sila at halos habulin na nila ang hangin makahinga lamang ng maayos. Naisin man nilang huminto pero hindi maaari sapagkat kamatayan ang naghihinatay sa kanila at wala silang kalaban-laban dito. Tila mas lalo namang pinaigting ng dalawang halimaw ang kanilang bilis. Naghiwalay sila ng landas. Nangunguna ang nasa kanan habang nahuhuli naman ang isa na patutungo sa kaliwa. Tila binabalak nilang i-corner ang grupo ng mga kabataan. "BILISAN NINYO!!" Sigaw ni Hanson habang nakikita niya ang unti-unting paglapit ng halimaw mula sa kanan. Sa pagmamadali nila ay hindi inaasahang madapa si Jacob at napagulong sa lupa, "UUUGHH!" Tila dito nakakita ng pagkakataon ang halimaw na nasa kanan anupa't mas lalong tumulin ang takbo nito at patutungo sa direksyon ng nadapang binatilyo. Pasaglit namang luminga si Jason, "JACOB!!" Namimilog ang mga mata nito habang pinanonood ang nakakagimbal na eksena. Patayo na si Jacob nang lumundag ang halimaw sa kanya. Naka-unat ang mga kamay nito, handa ng ibaon ang mga matatalim kuko nitong sa kanyang leeg. Sasakmalin na ng halimaw ang binatilyo! "JACOBBB!!" sigaw muli ni Jason. Nakikita naman ni Jacob ang paglapit ng halimaw sa kanya subalit hindi siya makakilos. Hindi niya maigalaw ang kanyang katawan. Ito na ba ang kanyang katapusan? Hindi. Hindi ito hahayaan ni Hanson. Kumakaripas si Hanson patungo sa kaibigan at nang siya'y makalapit na ay dagli siyang tumalon at ka-agad niya itong hinablot. Parehas silang dumapa't napagulong sa lupa habang ang halimaw naman ay nalagpsan sila't napadausdos. Gumala ang paningin ni Hanson, naghahanap ng anumang bagay na magagamit. Agad na pumukaw ng pansin niya ang mga batong sing laki ng bola ng pingpong. Malapit lang ito sa kanya kaya agad niya iyon dinampot. Pumorma't tiyenempohan ang paglinga ng halimaw sa kanila. Nang ito'y tumuon sa kanila ay saka niya ito binato at pinunterya sa mata, dahilan upang mapuwing at magwala ang nilalang Ito na ang pagkakataon nila upang makalayo. "BILIS JACOB!!" Atas niya kay Jacob na agad namang tumindig. Batid ni Hans na panandalian lamang ang epekto 'nun kaya sila'y nagmadaling makalayo patungo sa kabilang dako. "Doon, doon!" Turo niya. Nang mawalan ang puwing ng halimaw ay galit na galit ito na umatungol sapagkat napurnada ang planong pagdakip sa kaniyang biktima. Samantala, nagpatuloy naman sa paghabol ang isa pang kasama nito. Binagtas nila ang kakahuyan. Tila mas liblib na ito kumpara sa nauna. Habang tumatagal ay nagiging masukal at matarik, marahil ay nasa pinakalalim-laliman na sila ng kagubatan. Mabato at maraming litaw na sanga-sanga sa paligid, anupa't nagkakandasugat-sugat na sila at maging ang mga suot nilang damit ay nagugulanit na. Tagaktak ang kanilang pawis at namamantsahan ng putik ang kanilang katawan. Patuloy sila sa pagtakbo hanggang sa may mga puno ang ang naka-tumba. Nakaharang sa kanilang dinaraanan. Inakyat naman nila ang natumbang puno subalit hindi ito nag-iisa. Tila naging pababa ng pababa ang daloy ng binabagtas nila habang binabaybay ang bawat mga punong nakatumba. Kalaunan ay napatigil sila nang madatnan ang hangganan nito. "Woaw woaw what the-- what the hell!" Sambit ni Jacob na nahapawak sa kanyang ulo. "Hindii!! Anong gagawin natin?! Dead end na! Paano na tayo?!!" Mangingiyak na Sabi ni Janine. Lahat sila'y nanlulumo dahil ang nadatnan nila ay isang bangin. "ROOAARR!!" Biglang atungol ng halimaw mula sa malayo. Napalingon silang lahat sa likuran. "Malapit na siya!!" Sigaw naman ni Sarah. Ang ilan sa kanila ay napahagulgol. Bakas sa mukha nila ang takot at kawalan ng pag-asang makaligtas pa. Kailangang may gawin sila, pero paano? Nakikita naman ni Hans kung ano ang sitwasyon nila at hindi siya makapapayag. Hindi niya hahayaan na mapatay sila ng nilalang. Agad niyang iginala ang kanyang paningin. Naghahagilap ng anumang bagay na maaaring magamit o makatulong sa kanila. Hanggang sa pumukaw ng kanyang atensyon ang tila mga nagliliparang butil ng liwanag. Sinundan ni Hanson ng tingin ang mga iyon hanggang sa dumapo ito sa isang kahoy. Napakunot na lamang ang noo ng binatilyo nang makita ang isang kakatwang anyo na pamilyar sa kanya. "Teka, anong... ibig sabihin nito?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD