Why?

945 Words
"Hindi ko gusto ang tunog na 'yon," Anya ni Mara. "Gu-guys... tumakbo na tayo." Mautal-utal na wika ni Hanson. Sa pagkakataong iyon ay tila may malamig na hangin ang nanunuot sa likod ng kanyang dibdib at gulugod, waring nagsasabi na mayroong papalapit na peligro. "Huh?" Sambit naman nila. "Bakit?" Kunot-noong usisa ni Jason. Pilit na pinagtutulakan ni Hanson ang kanyang mga kasama, inuudyokan subalit hindi siya maunawaan, "Basta tumakbo na tayo, bilis!" patuloy niya. Isa na namang alingawngaw ang nadinig ng lahat. Kasabay ng ingay na iyon ay tila may nadidinig silang tunog ng mga yapak na nagmumula sa likod ng nawasak na mansiyon. Mabibigat ang bawat bagsak ng mga paa na halos maramdaman na nilang nayayanig ang lugar. Napatingin ang lahat sa Heritage House kung saan nagmumula ang tunog. Takang-taka sa kung ano ang mayron. Lumapit naman ang isa sa mga turista sa bahaging 'yon upang usisain ang pinagmulan ng ingay. Maya-maya pa ay may tumalon na dalawang anino mula sa likod ng mansyon. Napaangat ng baba ang lahat. Sa una'y hindi pa ito makita ng malinaw dahil sa dilim, subalit nang ito'y lumanding na sa lupa ay agad napasigaw ang lahat at patakbong nagpulasan ang mga tao palayo. Kung saan-saang direksyon nagpupunta, parang mga dagang nagsilabasan sa lungga. Pulang pula ang mga mata, may matulis at mahahabang tenga. Kulay abo ang balat at may mahahaba't matatalas na mga kuko. May kalakihan din ang pangangtawan nito at umaabot sa siyam na talampakan ang taas. Isang halimaw. Parang estatwang napako sa kinatatayuan ang grupo ni Hanson nang pagmasdan nila ang dalawang halimaw. Segundo pa ang lumipas bago tuluyang mag-sink in sa isipan nila na halimaw ang mga iyon. "Takbo! Takbo! Takbo!" Hiyaw ni Hanson. Agad naman silang kumaripas palayo sa naturang lugar. Pasaglit na luminga si Hanson sa likod habang tumatakbo. Hindi pa sila nakakalayo sa lugar na iyon kaya naaninaga niya ang mga ginawa ng dalawang halimaw. Inuna nito ang isa na hindi agad nakatakbo dahil sa sobrang takot. Malapit lang ito sa kinatatayuan ng halimaw kaya mabilisan siyang nahawakan sa leeg at buong lakas na ibinaon ang matatalas na kuko at nilalas. Bumulwak ang kanyang dugo sa lupa. Namataan niya rin ang halimaw na walang habas na iwinawasiwas ang mga kamay ng malalakas. Dalawang lalake ang natamaan nito na tumilapon at bumagsak sa lupa. May tatlo pa na sabay-sabay namang nilaslasan ng leeg. Nasindak si Hanson sa kanyang mga nakita. "Takbo! takbo! 'Wag kayong titigil!!" Sigaw niya sa kanyang mga kasama na nauuna sa kanya. Sa mga pagkakataong iyon, walang ibang nasa isip nila kundi ang makalayo sa lugar at mailigtas ang kanilang buhay. Subalit sila'y lubhang nahihirapan dahil sa idinulot ng lindol na siyang dagok sa kanilang landasin. Mga nakatumbang puno, maputik na lupa at mga malalaking tipak ng bato. Dinagdagan pa ito ng dilim ng paligid. Hindi tiyak kung sa'n sila dadalhin ng kanilang mga paa. Tila hindi naman alintana ng dalawang halimaw ang mga balakid na iyon, bagkus ay patuloy itong tumutugis sa mga tao. Matulin itong tumatakbo at ini-isa-isang sinusunggaban ang mga nahuhuli gamit ang mga matatalim na kuko. Nauna na dito ang isang babae na nahagip ng kuko nang tumalon ang halimaw. Pahalang namang iwinasiwas ng pangalawang halimaw ang kanang kamay at natamaan nito ang mga nahuhuli. May ibang nahati sa kalahati ang katawan,at ang iba'y nabalibag sa lupa. Lumundag muli ang isa pang halimaw at naabutan ang isa na agad namang dinaganan at nilaslasan ang leeg. Si Hanson naman at ang kanyang mga kaibigan ay kumakaripas, nakikipaghabulan sa kawit ni Kamatayan. Tila walang humpay ang kanilang takbuhan, hanggang sa unti-unti nilang nararamdaman ang pagod. Basang basa na sila sa pawis. Malamig at umaagos sa kanilang balat. Sa kanilang pagpapatuloy ay narating nila ang tila naka-usling bahagi ng bundok. Saglit na tumingala si Hanson at agad niyang napansin ang mga nakalitaw na maliliit na bato. Mayroon ding mga naka-usling ugat at ilang mga puno na naroroon, "Akyat, akyat, akyat, bilis!" Utos niya. Agad naman siyang sinunod ng kanyang mga kaibigan at dali-daling sumampa. Sumunod din siya nang makaakyat na ang lahat. Gano'on din ang ginawa ng iba na kasunuran nila. Paspasan nilang tinahak ito at mataas taas na din ang kanilang narating. Gayon man, nauubusan na sila ng lakas. Nanginginig at namamanhid na ang kanilang mga kalamnan. Ano mang oras ay maaari silang mahulog o di kaya'y maabutan ng halimaw. Saglit namang sumilip si Hanson sa ibaba at agad niyang namatan ang dalawang nilalang na mabilis na umaakyat. Natunghayan niya rin ang kaawa-awang sinapit ng isang naabutan nito na kinapitan sa paa at saka malakas na binalibag. Ang isa naman ay sinaksak sa ulo gamit ang matatalim na kuko. "Guys!!! Umakyat lang kayo at huwag hihinto!!" Sigaw niya. Sa pagmamadaling nilang umakyat ay nagkamali ng paghawak si Liliane sa isang naka-usling ugat. Malambot ito kaya bigla itong naputol. Siya'y napadausdos. "AAAHHHH!~" Tili ng dalagita. "LILIANEEEEE!" Hiyaw nila. Napagulong-gulong ang dalagita pababa. Tumama naman siya sa isa o dalawang ugat subalit hindi siya agad nakahawak ng maigi. Patpatin lamang ang mga puno dito at bukod sa slanting ang lugar ay mabato rin. "Lilianeeee!!" bulas ni Hanson. Papunta na ito sa direksyon niya kaya agad siyang kumapit sa matibay na ugat ng puno. Nang makarating ang dalagita ay agad niyang kinapitan ang kamay nito, "Ugh! Hawak na kita Liliane!" "Wag mo akong bibitawan!" Pakiusap ni Liliane. "Don't worry I got you! I got you!" Subalit, madulas ang palad ni Liliane kaya unti-unti itong kumakawala sa kamay ni Hans. "No no no no no! Huwag kang bibitaw Lil'!" Huli na ang lahat. Tuluyan ng nakawala sa kanyang pagkakahawak ang dalagita, "AAAHHHHHHH!" Tili ni Liliane. "LILIANEEE!!" Mabilis ang mga pangyayari pero tila bumagal ang takbo ng oras sa paningin ni Hanson, kumbaga'y nag-slowmotion ang lahat sa kanya Kitang-kita niya ang tila mabagal na paghulog ni Liliane. At siya'y napatanong sa sarili, "Bakit? Bakit ito nangyayari sa amin?" "LILIANEEEE!" hiyaw ni Hanson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD