The howl

1901 Words
Sumapit ang takip-silim. Nagmamadali si Catherine nang umalis sa kanyang trabaho. Dapat bago mag-ala sais ay naroon na siya sa 'Amusement Park', ngunit sa dami ng kanyang trabahong tinapos ay alas siete na siya naka-alis. Malayo pa lang ay dinig na dinig na niya ang malakas na musikang nagmumula sa Amusement Park. Halos umabot na ang alingawngaw nito sa pangatlong kanto ng kalsada kung saan siya kasalukuyang naglalakad ngayon. Pagpasok palang ni Catherine ay hile-hilerang mga tindahan ang agad na bumungad sa kanya. Agaw pansin ang Ferris wheel na namumutaktak ng mga pailaw, gayon' din ang carousel at ng kung anu-ano pang mga pang-aliw na sasakyan na makikita doon. Kapansin-pansin din ang dami ng mga dumadagsa sa lugar. Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Catherine hanggang sa nakita niya ang fountain. Doo'y naaninagan niya si Mrs. Alvarez, nakaupo sa may gilid ng fountain, kulubot ang mukha habang abala sa hawak na cellphone, kasama ang kanyang asawang nakatindig at nakapameywang at si Torio na Tiyuhin ni Liliane. "Oh', Catherine nandito ka na pala." Anang ni Mr. Alvarez nang makita siyang dumating. "Kanina pa ba kayo dito?" Tanong niya. "Hindi, kararating lang namin." "Gan'on ba? 'Yong mga bata, nasaan sila?" "Wala pa sila dito noong dumating kami. Nag-text na kami sa kanila pero hindi pa rin sila nagrereply, how about you?" Pabalik na tanong ni Mr. Alvarez kay Catherine. Tumingin naman si Catherine sa kanyang cellphone. Doon na lamang niyan napagtanto na mula noong nagmessage siya ng ala-sais ay wala paring replay mula kay Hans, gan'on din sa kaibigan nitong si Mike, "Wala eh," Tugon niya habang nakasulyap sa kanyang relos. "Anong oras na 'ah, dapat nandito na sila." Wika niya, palinga-linga sa paligid, hindi mapakali, "Ano kayang nangyari sa kanila?" "Hindi kaya may pinuntahan lang sila. Alam mo naman ang kabataan ngayon, mahilig sa galaan, 'di ba?" sambit ni Mrs.Alvarez na animo'y nag-aalangan sa kanyang sinabi. Bakas sa kanila ang pag-aalala. Pinag-usapan na nila ito kahapon na bago pumatak ng alas sais ay dapat nandito na sila sa Fountain, naghihintay sa kanilang pagdating ngunit sa pagkakataong ito ay wala silang nadatnan. Nag-aalala na si Catherine dahil hindi naman gan'on ang binatilyo at gan'on din ang mga kaibigan nito. "Hindi kaya... kasama nila si Jacob 'di ba? Hindi kaya may nangyari sa kanila?" Saad ni Mrs.Alvarez. "Huwag kang magsalita ng ganyan sa kanya. Oo nga't kasama nila si Jacob and we all know that na dati siyang kilala sa lugar natin pero hindi ibig sabihin 'non ay hindi na magbabago ang bata." Pagtatanggol ni Catherine. Batid ni Catherine na nag-aalala lamang ito kaya iyon nasambit at naiintindihan naman niya ito, subalit hindi nila pwedeng maipagkakaila na maaaring tama ang tinuran ni Mrs.Alvarez. Sana nga'y mali sila ng iniisip. Samantala, dumating naman ang isang lalake. May katandaan na ito at suot ang uniporme ng pulis. Hindi pa ito nakabutones at mukhang kagagaling lang nito sa trabaho. "Ummh... magandang gabi po sa inyo Mrs. Alvarez at Mrs. Sidis." Magalang na bati nito sa kanila. "Magandang gabi rin sa iyo, Sir June." Bati ni Catherine kay June Barbosa, isang pulis at tatay ni June. Bigla namang lumihis ng tingin si Mrs. Alvarez nang ngitian siya ni June, marahil ay dahil sa sinabi niya kanina patungkol kay Jacob. "Ah, 'yong mga bata nandito na ba sila?" Tanong ni June. "Eh... wala pa po sila Sir." Sagot muli ni Catherine. "Gan'on ba. Nakapagtataka naman." wika niya habang hinihimas ang kanyang baba. Maya-maya pa ay biglang nagstatic ang radyong nakasukbit sa bewang ni June. "Ah excuse me lang." Paalam niya at sabay na tumalikod at lumakad palayo, kinuha ang radyo at saka sinagot. "Sir may problema tayo!" Biglang hayag ng boses lalake mula sa kabilang linya. "Anong problema?" "Ang Bridge, Sir... Nawasak." "A-anong sinabi mo?!" Kunot-noo niyang tanong. "Sir, nawasak po ang bridge." pag-uulit pa nito. "Hindi ko alam kung paano pero nadatnan ko na lang ito na wasak na. Halos putol na ang mga puno sa kabila Sir, na parang dinaanan ng kung ano." Pagsasalarawan nito. Nanlaki naman ang mga mata ni June at natulala. Tila nawala ito sa sarili habang unti-unting inilalayo ang hawak na radyo. "Bakit may problema po ba?" Pang-uusisa ni Catherine nang mapansin ang kakaibang ikinikilos nito. Marahan namang humarap sa kanila si June. Pansin nila ang pagrehistro sa mukha nito ang takot at pag-aalala "Ang Bridge of St. Vincent —nawasak." "Ano?" Sabay wika nina Cathrine at Mrs. Alvarez. Tila mas lalo silang nabahala sa sinabi nito. Tila nanlupaypay si Mrs.Alvarez, halos matutumba na siya nang madinig ito. "Si Jason?! Si Janine?! Ang mga anak ko, nandoon pa ba sila?!" Panaas na sabi nito habang namimilog ang mata. ### Naalimpungatan si Hanson nang madama ang kakaibang lamig na dumapo sa kanyang balat. Masakit pa ang kanyang katawan at namamanhid kaya hirap na hirap siyang makakilos, subalit pilit siyang bumangon. Mahilo-hilo pa ang binatilyo kaya naman napapahawak ito sa kanyang ulo at namimikit-mikit pa ang kanyang mata. Nang mawala-wala ang kanyang pagkahilo ay tumingala siya't minasdan ang kalangitan. Nagtaka siya kung bakit madilim na ang langit. Siya'y napaisip, inaalala ang huling nangyari, hanggang sa napagtanto niyang nawalan siya ng malay. Sa pagbaba ng kanyang paningin ay agad namilog ang kanyang mga mata, hindi makapaniwala sa nakita, "Anong nangyari dito!?" panaas niya. Nawasak na parang basag na porselana ang 'Heritage House,' Putol ang mga puno at nakasalansang ang mga tipak na bato. Nagkalat ang mga bitak sa paligid at ang kaninang hagdan na tinahak nila'y tinabunan ng lupa. May ilang katawan naman ang nakausli sa gumuhong mansiyon, duguan at ang iba'y halos kita na ang mga butong naputol mula sa pagkakaipit at pagbagsak, mga sinawing palad na hindi nagawang makalabas. Pagkakita ni Hanson sa mga katawang iyon, naalala niya kaagad ang kanyang mga kaibigan, "Guys?!" palinga-lingang iginala ang paningin nito sa paligid at una niyang napansin ang bughaw na jacket na suot ng lalakeng nakataob, dalawang hakbang mula sa kanyang kinatatayuan. Sa isip-isip niya'y maaaring ito ay si Mike dahil ganito rin ang kulay ng suot nitong jacket. Walang pag-aalinlangan niya itong nilapitan at pinaharap. Tama nga siya, si Mike nga ito. "Mike! Mike gumising ka!" Panaas na tawag niya dito, niyuyugyog ang magkabilang balikat. Tinatapik-tapik niya rin ang mukha nito upang magising, "Mike!" Napansin niya rin ang mga katabi nito na walang malay. Napakulubot na lamang ang mukha ni Hans nang makita kung sino ang mga iyon, "Jacob!? Janine!? Liliane!" Malakas ang kabog sa kanyang dibdib, "G-guys...?!" Bigla na lamang siya napaupo sa lupa. Tumanaw siya sa malayo at sa di kalayuan ay nakita niya si Jason na nakahandusay. Luminga rin siya sa kanan at nakita niya ang dalawang senior high at ang kasama nilang si Trixie. Tila may senaryo ang biglang nagpakita sa isipan ni Hanson. May isang batang lalake ang nakatayo sa harapan ng dalawang puntod, kasama ang isang babaeng naka-all black ang kasuotan. Sa harapan ng dalawang puntod na iyon ay may isang larawan. Mayroon ding nakasinding kandila sa gitna ng bawat isa at sa kaliwa naman ay may mga bulalak. "Mama, Papa.." wika ng batang lalake. Dagling nag-iba ang senaryo. Ang kaninang dalawang puntod ay nadagdagan ng isa at ang batang lalake ay lumaki't naging binatilyo. Bumaling ang binatilyo sa pangatlong puntod. Nilagyan ng bulaklak at sinindihan ng kandila. Malungkot ang mukha ng binatilyo habang binabasa ang mga letrang nakatitik sa lapida. In memory of Tristan Sidis ‘Kuya...’ "Hindi..." usal ni Hanson nang bumalik ang ulirat sa reyalidad. Tila ba pinapaala-ala ng sitwasyon nila ngayon ang nakaraan. Mistulang may paru-paro ang nagliliparan sa kanyang dibdib, nangangamba na baka maulit muli ang mga pangyayari. Ang takot at lungkot na mawalan ng minamahal sa buhay. ### Samantala, nagkamalay naman si Mike. Parang naalog ang kanyang ulo anupa't napahawak ito sa ulo. Nanakit din ang buong katawan nito at nahihirapang bumangon. Nagkaroon naman ng malay ang iba pa. "A~anong nangyari?" Tanong ni Jason na kalaunan ay napagtanto niya naman, "Tama natatandaan ko na, lumindol pala kanina." Bumaling si Mike sa likuran, "Is everyone okay, did anyone get hurt?" "Uhh-- hello, malakas kaya ang lindol malamang nasaktan kami." Sarkastikong sabat ni Jason. "Grabe! Feeling ko para akong isda na inalog sa plastic." Dugtong naman ni Jacob. "Okay, that's the good answer." Saad ni Mike, hindi sigurado kung mag-aalala ba siya dito o maiinis. Tinatanong ng maayos pero sinagot ng pabalang. Luminga si Mike sa harap at nakita si Hanson. Nakaupo lang ito. Namimilog ang mga mata't bibig na animo'y nakakita ng multo. Wala sa sarili. Dagli itong nilapitan ni Mike at kinalabitan ang kanang balikat nito. "Hans?" Tawag niya dito subalit hindi siya narinig nito. Magkabilaan niyang hinawaak ang braso ng nito at niyugyog, "Hans!" Hiyaw niya na ka-agad namang ikinagising ng ulirat ni Hans. "Hu-huh?" Sambit ni Hans. "Hans, okey ka lang ba?" "Ah-" luminga muna ito sa kaliwa at kanan. Hindi pa napapawi ang nababalisang isipan nito. “Hanson, hey, pull yourself together okey. Everything is gonna be alright, okey?” "O-oo, okey" sagot ni Hanson. "Mabuti naman kung gan'on," aniya, sabay tayo at inilahad ang kanyang kamay kay Hanson. Inabot naman ni Hans ang kamay nito at tinulungan siyang tumayo. Iginala ni Hans ang kanyang paningin. Tila ngayon lang niya napagtanto ang laki ng pinsalang tumama sa kanila. Hindi niya lubusang maisip na ganito ang mangyayari. Nanlulumo. Halos mangiyak-ngiyak naman ang mga iba pa'ng kasamang turista dahil sa takot at pangamba na dulot ng lindol. Kinuha naman ni Mike ang kanyang cellphone sa bulsa. Ngunit, nadismaya siya nang makitang basag na ang cellphone. Hindi na sila makakahingi ng tulong. "Tingnan ninyo 'yong hagdan, natabunan na ng lupa." Turo ni Liliane sa hagdanan. "Mukhang na-trap na tayong lahat dito." Saad ni Sarah matapos magmasid sa paligid. "Palagay ko, matatagalan pa ang mga rescuer sa pagliligtas sa atin." Sambit ni Mara. "Anong sinabi mo!" Angal ni Jason. "Tumingin ka sa paligid. Halos muntikan na tayong matabunan ng lupa, kung tutuusin ay dapat kasama na tayo pero swerte lang natin dahil lumihis ito. Isa pa, nasa liblib na lugar ang Heritage House, kahit sabihin mo pang malawak at malaki ang bahay ay balewala pa rin dahil kulang sa kagamitan at walang Helicopter ang munisipalidad natin. Kailangan pa nilang humingi ng tulong sa ibang municipal kaya matatagalan pa silang makarating dito." Paliwanag ni Mara. "Ano?!" Sabay na sabi ng mag-kambal. Tila nag-iinit ang tenga ni Janine sa tinuran ni Mara. "So... ibig sabihin... matatagalan pa tayo dito sa... mabaho't malamok at maputik at madilim na lugar!!!" Panaas na wika ni Janine sa mala-arte nitong boses at nangungulubot na noo, "Duhh! No way!" "Wether you like it or not wala na tayong magagawa kundi ang maghintay," tugon ni Mara. May isang babae naman ang tumayo sa bungad ng nasirang mansiyon at pinukaw ang atensyon ng lahat, "Huminahon lang kayong lahat, mga kasama!" Mukhang isa ito sa mga empleyado dahil sa suot nitong damit na itim na t-shirt na may tatak na Simbolo ng Heritage House. "Magpakatatag kayo! Tiyak kong may darating na tulong para sa atin', wag kayong mag-alala magiging maayos din ang lahat." Sabi nito. Nagtiwala naman ang lahat sa winika nito, kahit papaano ay nakatulong ito upang pahupain ang namumuong tensyon at sobrang panic. "Mukhang wala na tayong magagawa kundi ang maghintay ng tulong." saad ni Hanson. "Tama ka. So-" tatapusin sana ni Sarah ang kanyang sasabihin nang may isang nakapangingilabot na hiyaw ang nadinig mula sa malayo. Halos mahulog ang puso ng ilan sa nerbyos. Maging ang mga ibon ay nabulabog rin kaya nagsiliparan ang mga ito sa madilim na langit. "Ano yon'?" Tanong ni Janine. Ni isa sa kanila ay walang nakasagot sa tanong nito, kahit si Hans. Sa pagkakataong iyon ay bigla na lamang bumilis ang bugso sa dibdib ni Hans. Tila may malamig na hangin ang nanuot sa kanyang dibdib, waring nagsasabi na mayroong papalapit. Hindi niya batid kung ano ang paparating na iyon pero hindi maganda ang kanyang kutob...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD