"THUD" isang kalabog ang agad na umagaw sa atensyon ng mga taong naroroon. Agad napatingin si Mara sa likuran at laking gulat niya nang makitang nakabulagta na sa sahig ang binatilyo. "Hans!" Sigaw niya at agad na lumapit dito.
"Hanson! Hans, gumising ka anong nangyayari sa 'yo?!" Wika niya, tinatapik-tapik ang pisngi ng binatilyo.
Si Sarah naman na nauuna sa paglalakad ay napahinto rin nang madinig ito, "Hans?!" usal niya at patakbong humangos patungo sa binatilyo habang hawak-hawak si Trixie.
Makikita sa mukha ng dalawang senior high ang pangamba at pag-alala sa nawalang malay na kaibigan.
Nagsilingunan naman sa kanila ang ilang tao na naroroon, waring nagtataka ang mga ito kung bakit nawalan ng malay ang binatilyo.
###
Samantala, patuloy sa paghahanap si Mike pero hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin niya mahagilap ang kanyang mga kasama. Sinubukan na niyang i-text ang mga ito at tawagan subalit hindi niya sila makontak, "Kung hindi lang sana ako napahiwalay malamang hindi ganito ang mangyayari."
Kasalukuyan niyang binabaybay ang pasilyo. Kapansin-pansin ang mga 'mas' makalumang larawan at mga mumunting kagamitan na nakakulong sa maliliit na kwadradong salamin. Kakaunti na rin ang mga taong narito.
Narating ni Mike ang hangganan ng pasilyong iyon. Sa dulo nito ay may isang malawak na silid. Marami ring antigo't makalumang gamit ang naka-display.
Mayroon ding isa pa'ng pasilyo sa unahan na kumukunekta naman sa kabilang dako. Halos kahalintulad lang nito ang silid kung saan huli niyang nakasama ang kanyang mga kaibigan, "This must be the place," ani niya, tiwalang dito makikita ang kanyang mga kasama. Dagli niyang iginala ang kanyang paningin at inikot ang buong lugar, subalit tila kandilang naubos ang pag-asa niya nang hindi niya sila nakita doon.
Hindi niya rin mahagilap ang entrance at exit. Mukhang maling lugar ang kanyang napuntahan. Tumila si Mike nang mapansin niya ang itsura ng lugar, pakiwari niya'y nag-pabalik-balik lamang siya. Nanatili si Mike sa kanyang kinatatayuan, nag-iisip kung paano niya mahahanap ang iba.
Samantala, may tatlong tao ang bumabagtas sa pasilyong nasa unahan, "Hay naku, hindi ko mawarian kung ano bang meron ngayon at bakit parang hanapan ng mga nawawalang tao ang araw na 'to. Nakaka-badtrip! Dapat pala naglaro na lang ako ng xbox." Daing ng boses lalake. Iilang tao lang ang naroroon sa lugar at napakatahimik kaya naman halos maglakbay ang tinig ng lalakeng iyon sa buong silid.
"Teka ang akala ko ba sira 'yung xbox mo." Sabi ng babae.
"Naker, palusot lang niya 'yon beshy. Kaya lang 'yan sumama ay dahil may libreng pamasahe at pagkain." Pambubulgar ng isa pang babae.
"Ganun! Opurtunista ka pala Jacob!"
"Ah-eh hindi ah! Hoy, Janine! Anong Opurtunista ang pinagsasabi mo diyan, hindi ako ganun." Dipensa ng lalake.
"Eh' bakit, totoo naman ah'. Isa pa nagsasabi ako ng totoo. And wait lang ha hindi ako ang nagsabing opurtunista ka 'ah."
“Eh ganon na rin 'yon!”
"Jacob, Janine?" Usal ni Mike. Tila ang lahat ng mga alalahanin niya'y napalitan ng pag-asa nang madinig ang mga boses nito. Ka-agad siyang luminga sa likuran at dali-daling tinakbo patungo sa pinagmumulan ng mga boses. Paliko na siya ng mga sandaling iyon nang makasalubong niya sina Jacob, Janine at Liliane. Tila nabuhayan si Mike ng makita ang tatlo.
"Oh Mike nandito ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap 'ah." saad ni Jacob.
"Pasensiya na kayo guys, naligaw lang kasi ako."
"Hmmp, ganyan ka naman palagi 'eh, lulubog lilitaw." pasubali ni Janine.
"Pasensiya na talaga guys, promise next time hindi na ako maliligaw."
"Ay sus! 'Yan ka na naman, noong last year pa namin 'yan naririnig 'eh. Wala ka na ba'ng ibang palusot diyan."
Nakangisi lamang si Mike at napapakamot sa kanyang batok. "Siya nga pala nasaan si Hans?" Tanong niya.
"Hindi namin alam kung nasaan siya pero kasama niya ang dalawang Senior high at si Trixie," Tugon ni Liliane.
"'Gan'on ba," maang na sambit ni Mike.
Nagtaas ng kilay si Janine at nagkugos-kamay, , "My gosh Mike, sa pagkaka-tanda ko ikaw ito'ng nawawala at kanina pa naming hinahanap, so bakit parang si Hans naman ngayon ang nawawala." Wika niya sa mala-taray na boses.
Muli namang humingi ng dispensa si Mike.
"Okey. Fine, whatever. Hanapin na natin si Hans at ng makapamasyal na tayo." Sambit ni Janine.
"Pero, hindi ba mas makakabuti kung doon na lang tayo sa entrance total doon naman tayo magkikita-kita." mungakahi ni Liliane.
"Alam mo tama ka," sang-ayon ni Janine.
Nagpatuloy sa paglalakad ang apat. Isang kumpol ng mga tao ang kanilang nadaanan at mukhang may pinagkakaguluhan. Nagbubulongan ang mga ito at kapansin-pansin ang tila pagkagulat habang ang ilan ay napahawak sa bibig.
"Ano kayang meron doon?" Tanong ni Liliane.
"Tara, lapitan natin." Saad ni Mike.
Agad nilang tinungo ang pinangyarihan upang malaman kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga tao.
"Hans!" dinig nilang tawag ng isang pamilyar ng boses babae.
Sa pagkakataong iyon ay dali-dali ng nagtungo ang apat at nang ito'y kanilang marating ay nadatnan nila ang isang binatilyong nakahandusay sa sahig kasama ang dalawang babae at isang bata.
"Hans!" humahangos na patungo sa kaibigan at napaluhod sa tabi nito si Mike. "Hanson! Hanson, hey wake up!!" Wika niya habang tinatapik-tapik ang pisngi ng binatilyo.
"OMG!" sambit ni Janine na napatakip sa kanyang bibig.
Si Jacob naman ay tila nakatingin sa kawalan nang makita nito ang nakabulagtang kaibigan. Napakapit naman si Liliane sa manggas ng polo ni Jacob at niyuyugyog ang balikat nito.
"Kailangan natin s'yang ilabas dito." Mungkahi ni Sarah.
"Tu- tulungan ninyo siya!" Singhal ni Janine sabay tulak kay Jacob.
Tila nagising naman sa ulirat si Jacob nang bigla siyang itinulak ni Janine palapit kay Hanson. Ka-agad na inabot ni Jacob ang kamay ng binatilyo at ipinatong ang braso nito sa kanyang balikat, gan'on din ang ginawa ni Mike. Agad nilang iniakbay si Hans sa kanilang balikat at dali-daling naglakad.
###
Pulos parito't paroon ang lakad ni Jason. Hindi na siya makapaghihintay pa. Gustong-gusto na niyang sundan sa loob ang kanyang mga kasama. "Ano ba 'yan! Halos tatlumpong minuto na ang lumipas pero hanggang ngayon wala pa rin sila! Bwesit! What took them so long? Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari 'e 'di sana nagpaiwan nalang ako sa bahay. Nakakainis naman itong si Janine eh pinilit-pilit pa ako!" Pagmamaktol ni Jason. Namimilog ang kamao. Iyon naman dapat ang kanyang gagawin pero ng dahil pagpupulit ng kakambal ay sumama na lamang siya.
Nakakainip! Inis niyang untag sa sarili.
"Ice cream! Mag-ice cream kayo diyan," aniya ng Mamang sorbetero sa 'di kalayuan.
Sa init ng ulo ng binatilyo ay naisipan niyang lumapit sa nagtitinda ng ice cream.
"Kuya, isa nga po."
Agad naman siyang inabutan ng tindero ng isang cone ng ice cream, "Thanks."
Lalamtakin niya sana ito subalit biglang nanginig ang buong paligid dahilan upang siya'y mawalan ng balanse at napadapa sa lupa. Halos limang segundo lamang ang itinagal nito at may kahinaan subalit nakapagdulot pa rin ito ng pangamba.
"W-what the-?" anya ni Jason. "Was that an-" bigla itong tumayo at nagtatakbo papunta sa Heritage House, "JANINEEE!!" Hiyaw niya.
###
Ilang metro na lamang ay makakarating na sila sa entrance, subalit bigla nilang naramdaman ang tila pagyanig ng paligid. May kahinaan iyon at hindi naman nagtagal, ngunit nagdulot ito ng kaba sa kanilang mga dibdib.
"Uh-Gu-guys?" Mautal-utal na sambit ni Janine. Halata sa tinig nito ang takot, animoy batid na niya kung ano ang susunod na mangyayari.
"Bilis! Lumabas na tayo dito!" Hiyaw ni Sarah sa kanila.
Nagmadali na silang maglakad, subalit huli na ang lahat nang muling yumanig ng malakas ang buong paligid.
Kasunod nito ang biglaang pagbagsak ng ilang bahagi mula sa kisame, dahilan upang mabasag ang mga kwadradong salamin at magkalat ang mga bubog sa sahig. Nagsisitumbahan na ang ilang pilgrim at nabasag ang ilang antigong gamit na gawa sa clay.
Nagtilian ang mga tao. Nakipag-unahan ang bawat isa upang makalabas ng buhay. May nagbubungguan at nagtutulakan. May iba naman ang nakakaladkad, natatapakan at naiipit. Lahat sila ay nagpapanik.
Nakipag-sabayan naman ang pitong kabataan sa nagsisitakbuhang mga tao. Ilang beses ng naitulak ang dalawang binatilyo na nagbubuhat kay Hans, ngunit pinipilit pa rin nilang makatayo at makalakad.
"Guys bilis! Bilisan ninyo!" Hiyaw ni Liliane habang nauuna sa kanila.
Patuloy silang natatangay ng mga tao, hanggang sa nagawa na nilang makalabas ng bahay, subalit patuloy pa rin ang paglindol. Pakiramdam nila ay tila nasa loob sila ng isang kahon na inaalog ng malakas. Ni hindi sila makagalaw o makatakbo at halos lahat ay napaluhod na. Hindi malaman kung ano ang gagawin. Lahat ay nagsisigawan.
Ang lupang kinatitirikan nila ay nagkabitak-bitak. Nagtumbahan ang mga puno sa paligid. Gumuho ang gusali na parang nabasak na porselana.
Lahat ay humahagulgol sa takot. Nagdarasal na sana'y huminto rin ang masamang bangungot na ito.
Pero sa mga oras na 'yon ay walang sino man ang makapagliligtas sa kanila.
"AAAAAAAHHHHHHHH!!" Sigaw ng mga tao.
At pagkatapos...
naging blangko ang lahat.
Samantala, kalagitnaan ng nahihimlay na ulirat ni Hanson ay tila may sumambulat na liwanag sa kanyang harapan. Tila nagising nito ang diwa ng binatilyo, subalit mariin pa rin siyang nakapikit at tila ayaw mamulat ng kanyang mga mata. Maya-maya pa'y tila nakaramdam siya ng paggaan sa kanyang katawan, animo'y lumulutang sa ere.
Dahan-dahang itinatayo ang binatilyo hanggang sa tumuwid ang kanyang paa at tila nakatungtong na siya sa matigas bagay.
Kalaunan, ang liwanag na iyon ay unti-unting naparam hangang sa bumalik na ito sa dati nitong dilim.
Marahan niyang binuksan ang kanyang mga mata at sa pagdilat ay agad na bumungad sa kanya ang madilim na lugar. Walang bakas ng emosyon sa kanyang mukha, wala sa sarili at nakatingin sa kawalan. Tila ba hindi na ito nabigla sa nakita.
May nagsusuluputang itim na usok sa kanyang paligid. Nagkukumpulan ang mga usok na iyon hanggang sa nagpalit anyo. Naging malawak na talahiban ang lugar. May mga malalaki't maliliit na batong nakakalat sa paligid at sa 'di kalayuan ay mapapansin ang tila mga nagkukumpulang puno.
Tumanaw siya sa malayo at mula doon ay naaninagan niya ang pigura ng isang bundok.
Nagsimulang humakbang ang binatilyo patungo sa kagubatan. Walang kakaba-kaba niya itong pinasok sa kabila ng madilim nitong paligid. Makapal din ang hamog kaya hindi niya makita ang kanyang nilalakaran, ngunit bale wala ito sa kanya. Hindi rin nito alintana ang mga bato at sanga-sangang nakakalat.
Habang tumatagal ay mas lalong nagiging masukal ang daan na kanyang tinatahak, marahil ay nasa pinakalalim-laliman na siya ng kagubatan.
Subalit saan nga ba siya paroroon gayong patuloy lamang ito sa paglalakad?
Animoy wala sa sariling wisyo sa mga sandaling iyon. Hindi niya alam ang kanyang ginagawa.
Nanatiling diretso ang tingin sa kanyang nilalakaran.
Habang tinatahak ang daan ay may mga alitaptap ang nagliliparan sa paligid. Sa simula ay paisa-isa lamang ang sumusulpot hanggang sa dumami na ito. Tila nagkusa namang tumigil ang kanyang mga paa.
Marahan siyang lumiyad at nakita niya ang isang kakatwang anyo. Isang puno.
Isang kakaibang uri ng puno ang nasa harapan niya ngayon. May kataasan ito na maaaring umabot sa isandaang talampakan at may lapad na tatlong metro. Mapapasin naman ang mga malalapad at malalaking ugat nito na tila mga galamay na nakakalat sa paligid. Nagmistula rin itong nakatuntong sa lupa dahil sa mga naka-angat nitong mga ugat. Daan-daan namang alitaptap ang nagliliparan sa paligid ng punong iyon kaya nagmistulang itong nagliliwanag.
Malumalay siyang nakatitig sa punong iyon. Hindi niya alam kung bakit pero tila may nag-uudyok sa kanya na lapitan ito. Walang pag-aalinlangan siyang lumapit dito.
Iniangat niya ang kanya kamay at idinampi ito sa puno at dinama ang magaspang na balat nito.
Habang nakadampi ang palad niya dito ay tila may naramdaman siyang kakaiba. Dagli niyang nilayo ang kanyang kamay at kunot-noo niyang tinitigan ito. Tila may kung ano ang nakaguhit sa kahoy na kanyang nahaplos. Sinuri ito ng binatilyo subalit hindi niya ito mabasa.
"Hans" Tawag sa kanya ng misteryosong tinig.
Agad namang tumalikod si Hans upang makita kung sino ang tumawag sa kanya. Sa kanyang pagharap ay agad na bumungad sa kanya ang isang pamilyar na mukha.
"Oras na." Wika nito sa malamig na boses.
Sa isang kisap-mata lamang ay biglang dumilim ang buong paligid.
Kasabay nito ay muling ipinikit ni Hans ang kanyang mata.
"Oras....na?" Pag-uulit ng binatilyo."THUD" isang kalabog ang agad na umagaw sa atensyon ng mga taong naroroon. Agad napatingin si Mara sa likuran at laking gulat niya nang makitang nakabulagta na sa sahig ang binatilyo. "Hanson!" Sigaw nito at nilapitan ang walang muwang na binatilyo.
"Hanson! Hanson, gumising ka anong nangyayari sa 'yo?!" Wika niya habang tinatapik-tapik ang pisngi ng binatilyo.
Si Sarah naman na nauuna sa paglalakad ay napahinto rin nang madinig ito, "Hanson?" usal niya at patakbong humangos patungo sa binatilyo, hawak-hawak si Trixie.
Makikita sa mukha ng dalawang senior high ang pangamba at pag-alala sa nawalang malay na kaibigan. Nagsilingunan naman sa kanila ang ilang tao na naroroon, waring nagtataka ang mga ito kung bakit nawalan ng malay ang binatilyo.
###
Samantala, patuloy naman sa paglalakad si Mike, hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin niya mahagilap ang kanyang mga kasama. Sinubukan na niyang i-text ang mga ito at ti subalit hindi niya sila makontak, "This would not have happened if I had not been separated from them."
Kasalukuyan niyang binabaybay ang pasilyo. Kapansin-pansin ang mga 'mas' makalumang larawan at mga mumunting kagamitan na nakakulong sa maliliit na kwadradong salamin. Kakaunti na rin ang mga taong narito.
Narating ni Mike ang hangganan ng pasilyong iyon. Sa dulo nito ay may isang malawak na silid. Marami ring antigo't makalumang gamit ang naka-display.
Mayroon ding isa pa'ng pasilyo sa unahan na kumukunekta naman sa kabilang dako. Halos kahalintulad lang nito ang silid kung saan huli niyang nakasama ang kanyang mga kaibigan, "This must be the place," ani niya, tiwalang dito makikita ang kanyang mga kasama. Dagli niyang iginala ang kanyang paningin at inikot ang buong lugar, subalit ang pag-asang mahanap sina Hanson ay tila naparam.
Hindi niya rin mahagilap ang entrance at exit. Mukhang maling lugar ang kanyang napuntahan. Tumila si Mike nang mapansin niya ang itsura ng lugar. "Teka..." kunot-noo niyang sambit, pakiwari niya'y nag-pabalik-balik lamang siya.
Samantala, may tatlong tao ang bumabagtas sa pasilyong nasa unahan, "Hay naku, hindi ko mawarian kung ano bang meron ngayon at bakit parang hanapan ng mga nawawalang tao ang araw na 'to. Nakaka-badtrip! Dapat pala naglaro na lang ako ng xbox." Daing ng boses lalake. Iilang tao lang ang naroroon sa lugar at tahimik kaya naman halos maglakbay ang tinig ng lalakeng iyon sa buong silid.
Nanatili si Mike sa kanyang kinatatayuan, nag-iisip kung paano niya mahahanap ang iba.
Tila patuloy naman sa bangayan ang tatlo, "Teka ang akala ko ba sira 'yung xbox mo." Sabi ng babae.
"Naker, palusot lang niya 'yon beshy. Kaya lang 'yan sumama ay dahil may libreng pamasahe at pagkain." Pambubulgar ng isa pang babae.
"Ganun! Opurtunista ka pala Jacob!"
"Ah-eh hindi ah! Hoy, Janine! Anong Opurtunista ang pinagsasabi mo diyan, hindi ako ganun." Dipensa ng lalake.
"Eh' bakit, totoo naman ah'. Isa pa nagsasabi ako ng totoo. And wait lang ha hindi ako ang nagsabing opurtunista ka 'ah."
“Eh ganon na rin 'yon!”
"Jacob, Janine?" Usal ni Mike. Tila ang lahat ng mga alalahanin niya'y napalitan ng pag-asa nang madinig ang mga boses nito. Ka-agad siyang luminga sa likuran at dali-daling tinakbo patungo sa pinagmumulan ng mga boses. Paliko na siya ng mga sandaling iyon nang makasalubong niya sina Jacob, Janine at Liliane. Tila nabuhayan si Mike ng makita ang tatlo.
"Oh Mike nandito ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap 'ah." saad ni Jacob.
"I'm sorry guys, I got lost."
"Hmmp! Ganyan ka naman palagi 'eh, lulubog lilitaw." pasubali ni Janine.
"I'm really sorry guys. Promise, next time I won't get lost."
"Ay sus! 'Yan ka na naman, noong last year pa namin 'yan naririnig 'eh. Wala ka na ba'ng ibang palusot diyan."
Nakangisi lamang si Mike at napapakamot sa kanyang batok. "By the way where's Hanson?" Tanong niya.
"Hindi namin alam kung nasaan siya pero kasama niya ang dalawang Senior high at si Trixie," Tugon ni Liliane.
"'Is that so?" maang na sambit ni Mike.
Nagtaas ng kilay si Janine at nagkugos-kamay, , "My gosh, Mike! Sa pagkaka-tanda ko ikaw ito'ng nawawala at kanina pa naming hinahanap, so bakit parang si Hanson naman ngayon ang nawawala?" Wika nito sa mala-taray na boses.
Muli namang humingi ng dispensa si Mike.
"Okey. Fine, whatever. Hanapin na natin si Hans at ng makapamasyal na tayo." Sambit ni Janine.
"Pero, hindi ba mas makakabuti kung doon na lang tayo sa entrance total doon naman tayo magkikita-kita." mungakahi ni Liliane.
"Alam mo tama ka," talima ni Janine.
Nagpatuloy sa paglalakad ang apat. Isang kumpol ng mga tao ang kanilang nadaanan at mukhang may pinagkakaguluhan. Nagbubulongan ang mga ito at kapansin-pansin ang tila pagkagulat habang ang ilan ay napahawak sa bibig.
"Ano kayang meron doon?" Tanong ni Liliane.
"Tara, lapitan natin." Saad ni Mike.
Agad nilang tinungo ang pinangyarihan upang alamin ang pinagkakaguluhan ng mga tao.
"Hanson!" dinig nilang tawag ng isang pamilyar ng boses babae.
Sa pagkakataong iyon ay dali-dali ng nagtungo ang apat. Hinawi ng kanilang mga kamay ang mga tao sa harapan. “Excuse me po.” They said in a respectful way. Nang marating ang unahan ay nadatnan nila ang isang binatilyong nakahandusay sa sahig kasama ang dalawang babae at isang bata.
"Hanson!" humahangos na patungo sa kaibigan at napaluhod sa tabi nito si Mike. "Hanson! Hanson, hey wake up!!" Wika niya habang tinatapik-tapik ang pisngi ng binatilyo.
"OMG!" sambit ni Janine na napatakip sa kanyang bibig. Si Jacob naman ay tila nakatingin sa kawalan nang makita nito ang nakabulagtang kaibigan, habang si Liliane naman napakapit sa manggas ng polo ni Jacob at tila niyuyugyog ang balikat nito.
"Kailangan natin s'yang ilabas dito." Mungkahi ni Sarah.
"Tu- tulungan ninyo siya!" Singhal ni Janine sabay tulak kay Jacob.
Tila nagising naman sa ulirat si Jacob nang bigla siyang itinulak ni Janine palapit kay Hanson. Ka-agad na inabot ni Jacob ang kamay ng binatilyo at ipinatong ang braso nito sa kanyang balikat, gan'on din ang ginawa ni Mike. Agad nilang ini-akbay si Hanson sa kanilang mga balikat at dali-daling naglakad.
###
Pulos parito't paroon ang lakad ni Jason. Crossed-arm and tapping his both pointer fingers on his arm. Naglalangit-ngit ang ngipin, waring hindi na siya makapaghihintay pa. Gustong-gusto na niyang sundan sa loob ang kanyang mga kasama. "Ano ba 'yan! Halos tatlumpong minuto na ang lumipas pero hanggang ngayon wala pa rin sila! Bwesit! What took them so long? Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari 'e 'di sana nagpaiwan nalang ako sa bahay. Nakakainis naman itong si Janine 'eh pinilit-pilit pa akong sumama!" Pagmamaktol ni Jason. Namimilog ang kamao. Iyon naman dapat ang kanyang gagawin pero ng dahil pagpupulit ng kakambal ay sumama na lamang siya.
"Nakakainip!" Inis niyang untag sa sarili.
"Ice cream! Mag-ice cream kayo diyan," aniya ng Mamang sorbetero sa 'di kalayuan.
Sa init ng ulo ng binatilyo ay naisipan niyang lumapit sa nagtitinda ng ice cream, "Kuya, isa nga po." Agad naman siyang inabutan ng tindero ng isang cone ng ice cream, "Thanks."
Lalamtakin niya sana ito subalit biglang nanginig ang buong paligid, dahilan upang siya'y mawalan ng balanse at napadapa sa lupa. Ilang segundo lamang ang itinagal nito at may kahinaan subalit nakapagdulot pa rin ito ng pangamba.
"W-what the-?" anya ni Jason. "Was that an-" bigla itong tumayo at nagtatakbo papunta sa Heritage House, "JANINEEE!!" Hiyaw niya.
###
Ilang metro na lamang ay makakarating na sila sa entrance, subalit bigla nilang naramdaman ang tila pagyanig ng paligid. May kahinaan iyon at hindi naman nagtagal, ngunit nagdulot ito ng kaba sa kanilang mga dibdib.
"Uh-Gu-guys?" Mautal-utal na sambit ni Janine. Halata sa tinig nito ang takot, animoy batid na niya kung ano ang susunod na mangyayari.
"Bilis! Lumabas na tayo dito!" Hiyaw ni Sarah sa kanila.
Nagmadali na silang maglakad, subalit huli na ang lahat nang muling yumanig ng malakas ang buong paligid.
Kasunod nito ang biglaang pagbagsak ng ilang bahagi mula sa kisame, dahilan upang mabasag ang mga kwadradong salamin at magkalat ang mga bubog sa sahig. Nagsisitumbahan na ang ilang pilgrim at nabasag ang ilang antigong gamit na gawa sa clay.
Nagtilian ang mga tao. Nakipag-unahan ang bawat isa upang makalabas ng buhay. May nagbubungguan at nagtutulakan. May iba naman ang nakakaladkad, natatapakan at naiipit. Lahat sila ay nagpapanik.
Nakipag-sabayan naman ang pitong kabataan sa nagsisitakbuhang mga tao. Ilang beses ng naitulak ang dalawang binatilyo na nagbubuhat kay Hans, ngunit pinipilit pa rin nilang makatayo at makalakad.
"Guys bilis! Bilisan ninyo!" Hiyaw ni Liliane habang nauuna sa kanila.
Patuloy silang natatangay ng mga tao, hanggang sa nagawa na nilang makalabas ng bahay, subalit patuloy pa rin ang paglindol. Pakiramdam nila ay tila nasa loob sila ng isang kahon na inaalog ng malakas. Ni hindi sila makagalaw o makatakbo at halos lahat ay napaluhod na. Hindi malaman kung ano ang gagawin. Lahat ay nagsisigawan.
Ang lupang kinatitirikan nila ay nagkabitak-bitak. Nagtumbahan ang mga puno sa paligid. Gumuho ang gusali na parang nabasak na porselana.
Lahat ay humahagulgol sa takot. Nagdarasal na sana'y huminto rin ang masamang bangungot na ito.
Pero sa mga oras na 'yon ay walang sino man ang makapagliligtas sa kanila.
"AAAAAAAHHHHHHHH!!" Sigaw ng mga tao.
At pagkatapos...
naging blangko ang lahat.
###
Samantala, kalagitnaan ng nahihimlay na ulirat ni Hanson ay tila may sumambulat na liwanag sa kanyang harapan. Tila nagising nito ang diwa ng binatilyo, subalit mariin pa rin siyang nakapikit at tila ayaw mamulat ng kanyang mga mata. Maya-maya pa'y tila nakaramdam siya ng paggaan sa kanyang katawan, animo'y lumulutang sa ere.
Dahan-dahang itinatayo ang binatilyo hanggang sa tumuwid ang kanyang paa at tila nakatungtong na siya sa matigas bagay.
Kalaunan, ang liwanag na iyon ay unti-unting naparam hangang sa bumalik na ito sa dati nitong dilim.
Marahan niyang binuksan ang kanyang mga mata at sa pagdilat ay agad na bumungad sa kanya ang madilim na lugar. Walang bakas ng emosyon sa kanyang mukha, wala sa sarili at nakatingin sa kawalan. Tila ba hindi na ito nabigla sa nakita.
May nagsusuluputang itim na usok sa kanyang paligid. Nagkukumpulan ang mga usok na iyon hanggang sa nagpalit anyo. Naging malawak na talahiban ang lugar. May mga malalaki't maliliit na batong nakakalat sa paligid at sa 'di kalayuan ay mapapansin ang tila mga nagkukumpulang puno.
Tumanaw siya sa malayo at mula doon ay naaninagan niya ang pigura ng isang bundok.
Nagsimulang humakbang ang binatilyo patungo sa kagubatan. Walang kakaba-kaba niya itong pinasok sa kabila ng madilim nitong paligid. Makapal din ang hamog kaya hindi niya makita ang kanyang nilalakaran, ngunit bale wala ito sa kanya. Hindi rin nito alintana ang mga bato at sanga-sangang nakakalat.
Habang tumatagal ay mas lalong nagiging masukal ang daan na kanyang tinatahak, marahil ay nasa pinakalalim-laliman na siya ng kagubatan.
Subalit saan nga ba siya paroroon gayong patuloy lamang ito sa paglalakad?
Animoy wala sa sariling wisyo sa mga sandaling iyon. Hindi niya alam ang kanyang ginagawa.
Nanatiling diretso ang tingin sa kanyang nilalakaran.
Habang tinatahak ang daan ay may mga alitaptap ang nagliliparan sa paligid. Sa simula ay paisa-isa lamang ang sumusulpot hanggang sa dumami na ito. Tila nagkusa namang tumigil ang kanyang mga paa.
Marahan siyang lumiyad at nakita niya ang isang kakatwang anyo. Isang puno.
Isang kakaibang uri ng puno ang nasa harapan niya ngayon. May kataasan ito na maaaring umabot sa isandaang talampakan at may lapad na tatlong metro. Mapapasin naman ang mga malalapad at malalaking ugat nito na tila mga galamay na nakakalat sa paligid. Nagmistula rin itong nakatuntong sa lupa dahil sa mga naka-angat nitong mga ugat. Daan-daan namang alitaptap ang nagliliparan sa paligid ng punong iyon kaya nagmistulang itong nagliliwanag.
Malumalay siyang nakatitig sa punong iyon. Hindi niya alam kung bakit pero tila may nag-uudyok sa kanya na lapitan ito. Walang pag-aalinlangan siyang lumapit dito.
Iniangat niya ang kanya kamay at idinampi ito sa puno at dinama ang magaspang na balat nito.
Habang nakadampi ang palad niya dito ay tila may naramdaman siyang kakaiba. Dagli niyang nilayo ang kanyang kamay at kunot-noo niyang tinitigan ito. Tila may kung ano ang nakaguhit sa kahoy na kanyang nahaplos. Sinuri ito ng binatilyo subalit hindi niya ito mabasa.
"Hanson," Tawag sa kanya ng misteryosong tinig.
Agad namang tumalikod si Hans upang makita kung sino ang tumawag sa kanya. Sa kanyang pagharap ay agad na bumungad sa kanya ang isang pamilyar na mukha.
"Oras na." Wika nito sa malamig na boses.
Sa isang kisap-mata lamang ay biglang dumilim ang buong paligid.
Kasabay nito ay muling ipinikit ni Hans ang kanyang mata.
"Oras....na?" Pag-uulit ng binatilyo, “What does that mean?”