Nagngingitngit ako sa tuwa habang naglalakad at hawak ko ang mga paperbag. Dahil sa good mood ako, nagpasya akong magshopping muna. Wala naman ako gagawin sa bahay. Naisip ko lang na pahinga ko muna ngayong araw. Wala naman sigurong masama. At saka, uuwi din naman ako agad bago man makauwi si Fabian. Masaya din ako dahil sa sinabi niya na ibabalik na niya sa akin ang kumpanya kahit na sabihin nating major stockholder na siya.
Pumasok ako sa isang Coffee Shop para magpahinga na din. Pagkatapos nito ay uuwi na ako sa bahay para naman paghandaan ko na din ng dinner si Fabian tutal naman ay kompleto pa ang stocks kaya hindi ako bibili pa ng groceries, unless kung kailangan man, uutusan ko nalang ang isa sa mga maid ko.
Nakatanggap din ako ng mga text message mula sa mga pinsan ko. Nangangamusta sila. Ang iba pa sa kanila ay nag-aalala pa dahil sa nangyari nitong nakaraan lang pero pinili ko nalang na huwag muna magreply. Ayoko munang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon. Ang gusto ko, sa oras na mabawi ko nang tuluyan ang Grand & Emress, sasabihin ko din sa kanila ang lahat—maliban sa bagay na ikinasal na kami ni Fabian Wu. Ayoko silang biglain sa kabaliwan na ginawa ko. May tamang panahon pa naman siguro para isiwalat ko sa kanila ang lahat.
Abala ako sa pagbabasa ng mga online news sa cellphone ko habang nagkakape nang nakatanggap ako ng text message mula kay Fabian. Matik na tumalikwas ang isang kilay ko nang mabasa ko ang mensahe niya.
From Fabian :
How's my wife?
Ngumuso ako't isinandal ko ang aking likod sa upuan ng Coffee Shop na ito. Nagtipa ako kung ano ang isasagot ko sa kaniyang tanong.
To Fabian :
I'm fine. I'm here at Mall. Shopping at the moment. Don't worry, uuwi din ako kaagad. May gusto ka bang pasalubong?
Then I hit send. Ipinatong ko na din ang aking telepono sa gilid saka uminom ulit ng kape. Muli tumunog ang telepono. Aligaga akong tingnan kung may meron na ba si Fabian at hindi nga ako nagkakamali. Nagreply nga siya!
From Fabian :
How about seeing you naked when I got home?
Nang mabasa ko ang mensahe niyang iyon ay halos mabilaukan ako ng sarili kong laway. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Good thing, kakaunti lang ang costumer dito kaya walang makakita kung anong kalagayan ko ngayon. Ramdam ko an din na nag-iinit na ang magkabilang pisngi ko. Agad ako nagtipa ng isasagot sa kaniya.
To Fabian :
Fabian! Nasa public place ako! Please lang!
Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga. This is unexpected. My goodness, hindi ko aakalain na may tinatagong kalandian ang isang ito!
From Fabian :
Why? I love your legs, I love your stomach, I love your hips. Your moans are the sexiest sound in the world if you don't know, baberette.
Damn. I hardly shut my eyes. Utang na loob, Fabian Wu, huwag mo muna akong landiin, please lang!
To Fabian Wu :
Fabian naman! Damn it, uuwi na nga ako!
Pagkatapos kong ipadala sa kaniya ang mensahe na iyon ay tumayo na ako't lumabas na ng Coffee Shop na dala ang mga pinamili ko. Dumiretso ako sa Parking Lot at dumiretso na sa kotse ko. Binukan ko iyon sa pamamagitan ng remote at tumunog ang sasakyan. Pinihit ko ang pinto. Ipinatong ko sa passenger's seat ang mga paper bag. Binuhay ko ang makina hanggang sa humarurot ng takbo palayo sa Mall.
**
Hanggang sa nakarating na ako sa building kung nasaan ang penthouse ko. Lumabas ako ng sasakyan at dinala ko ang mga pinamili ko. Pinindot ko ang lock sa remote. Tumunog ang sasakyan. Dumiretso ako sa elevator na narito sa basement. Pinindot ko iyon at kusa iyon nagbukas. Humakbang ako papasok. Muli ko pinindot ang buton at nagsara na ito. Sumandal ako sa pader ng elevator habang naghihintay ako na ihatid ako nito sa tamang baitang, kung nasaan ang Penthouse suite ko.
Nang tumunog na, hudyat nasa tamang palapag na ako ay agad lumabas na ako. Tumambad sa akin ang mga kalalakihan na abala sa pagbubuhat ng mga kung anu-ano papasok sa isang pinto na katabi lang ng suite ko. Tumalikwas ang isang kilay ko dahil sa kuryusidad. Napagtanto ko na may lilipat na pala sa unit na iyan. Matagal na kasi akong walang kapitbahay dito. Ngayon lang ulit ako magkakaroon. Naglakad ako sa gilid para hindi ako maging abala sa mga taong nagpapasok ng mga mamahaling kagamitan sa loob. Pero base sa mga furniture na mga hawak nila, tingin ko ay lalaki ang magiging bagong kapitbahay ko. Kadalasan kasi puros mga dark colors ang kulay ng mga kasangkapan.
Sa hindi rin inaasahan ay may nabangga ako. Napasinghap ako't napatingin kung sino ang nabangga ko. Umawang ang bibig ko dahil sa pagkagulat na makita ang isang pamilya na lalaki na nasa harap ko ngayon. Kahit siya ay nagulat nang makita niya ako.
"Sarette?" hindi makapaniwalang tawag niya sa akin.
"Mirko..." mahinang tawag ko sa kaniya. Diretso ang tingin ko sa kaniya.
Ginawaran niya ako ng isang matamis na ngiti. Para bang nakahinga siya ng maluwag nang makita niya ako. Hindi ko sukat-akalain na makikita ko ulit siya sa lugar na ito. Mirko Le Bras is a Filipino-French. Naging kalaro siya nina Rowan pati ng mga iba ko pang pinsan dahil kapitbahay namin siya. Dahil sa nag-iisang anak lang siya ay wala siyang kakilala at kalaro ng mga panahon na iyon. Kaya kami ang nag-approach sa kaniya hanggang sa naging malapit kami sa kaniya. Ngunit, nakakuha ng magandang opurtunidad na trabaho ang daddy niya sa Paris kaya kinakailangan niyang umalis ng Pilipinas. Noong huli ko siyang nakita, totoy pa siyang tingnan pero ngayon, nagmatured na siya sa hitsura niya ngayon. Mukhang alaga din ng gym ang kaniyang pangangatawan na pupwede na siyang ihanay sa mga international models ngayon. Pero hindi pa rin maitanggi na mas lalo siya naging guwapo.
"A-ano palang ginagawa mo dito?" kusang lumabas sa bibig ko ang tanong na iyon.
Bago niya sagutin ang tanong ko ay lumingon siya sa pinto ng Penthouse kung saan abala pa rin inaayos at ilinipat ang mga kagamitan. "Well, ako ang lilipat sa suite na iyon. Dito na ako titira sa Pilipinas, for good. At saka, nagkaroon din ako ng magiging trabaho ko." pagkukwento niya pero hindi maalis ang ngiti niya sa akin. "Para mahanap na din kita, Sarette."
Natigilan ako nang bahagya nang marinig ko ang huling pangungusap na iyon. Ngumiwi ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko lang inaasahan na magiging straight-forwarded na siya ngayon, samantala noong mga bata palang kami ay napakamahiyain niya. Kahit na may mga babaeng nagkakandarapa sa kaniya, hindi niya magawang lapitan o kaya batiin ang mga iyon. Daig mo pang may allergy sa mga babae! "I see..." iyan nalang ang naisagot ko.
"How about you? Bakit ka nga pala narito?" siya naman ang nagtanong.
"Oh... Nakatira ako sa katabi ng suite mo, actually."
Tumaas ang mga kilay niya sa sagot ko. Mukhang mas lalo siya nasopresa. "Akalain mo nga naman, hanggang ngayon, magiging kapitbahay pa rin kita." then he chuckled.
Ngumiti na din ako.
"Oh, okay lang ba mainvite kita for a tea? Coffee? I want to talk about you more. Matagal-tagal na din tayo hindi nagkita at nagkausap. Gusto ko rin kamustahin ang kakambal mo na si Rowan and your younger brother, River."
Inilapat ko ang mga labi ko. Sa totoo lang, may plano na ako pagdating ko ng bahay. I need to cook dinner for Fabian. "Maybe next time, Mirko. May gagawin pa kasi ako. Kung okay lang?" mahina kong sambit. May halo iyon na hiya. "Pasensya na..."
Dahan-dahan siyang tumango. I could read some disappointments on his face. "O...kay. It's alright. I understand. Pero sabi mo iyan, next time. Huwag mo na akong tanggihan pa." he joked.
Ewan ko ba kung bakit iba ang dating sa akin iyon. Ginawaran ko pa siya ng ngiti bago ko siya nilagpasan. Hanggang sa nakarating na ako sa loob ng Penthouse ko. Agad ako dinaluhan ng maid para tulungan ako sa pagbubuhat ng mga paperbag na dala ko. Hinayaan ko lang ito na dahil niya ang mga pinamili ko sa kuwarto ko. Dinaluhan ko naman ang couch para magkapagpahinga. Hinubad ko ang aking itim na stilettos at ipinatong ko ang aking mga paa sa mababang mesa ng Salas. Isinandal ang aking likod saka tumingala. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko.
**
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Tumambad sa akin na nasa ibang silid na ako. Sa mismong Master's bedroom. Dahil nakatapat ang kama na ito sa sky window ay napagtanto ko na gabi na pala! Napasinghap ako't sabay na mabilis akong bumangon. Nagmamadali akong lumabas ng kuwarto nang may narinig ako na may nagluluto. Mabilis akong naglakad patungo sa Kusina.
Bumungad sa akin ang likod ni Fabian na ngayon ay abala sa pagluluto. He's still wearing his color off-white long sleeves polo shirt, nakatupi ang mga mangas hanggang sa siko niya. Black slacks and slippers. Nasa kitchen counter naman ang kaniyang business suit.
Oh s**t. Dapat ako na ang gumagawa niyan! Iyan pa man din ang plano ko kung hindi lang ako nakatulog!
Napakagat ako sa aking labi habang pinagmamasdan ko siya na seryoso sa kaniyang ginagawa. Sa hindi ko malaman na dahilan ay ramdam ko ang pagwawala ng aking puso. Ganito palang ang ginagawa niya ay tila hinahaplos na ang puso ko sa nadatnan ko. Dahil sa nakayapak lang ako, hindi niya agad mararamdaman ang presensya ko. Humakbang ako palapit sa kaniya nang hindi niya namamalayan. Inangat ko ang mga kamay ko at walang sabi na pinulupot ko ang mga iyon sa kaniyang bewang na alam kong magugulat siya.
"Baberette?" tawag niya sa akin na may halong pagkagulat. May halo paring lambing sa boses niya nang marinig ko iyon.
Isinandal ko ang pisngi ko sa kaniyang likod at ngumiti ako kahit bigo niya makita iyon ngayon. "Welcome home," malambing kong sabi.
Napahawak siya sa aking mga kamay. Kumalas siya mula sa pagkayakap niya sa akin. Humarap siya na bakas sa mukha niya na hindi makapaniwala. Para bang naninibago siya sa inaakto ko. Hindi mabura ang matatamis kong ngiti para sa kaniya. I could give him my soft side. And I think he deserves that. "Baberette..."
Mas lalo pa lumapad ang ngiti ko. "Hmm?"
Alam kong naguguluhan siya sa nangyari. "I love you." kusang lumabas sa bibig niya ang mga salita na iyon.
Inilapat ko ang mga labi ko para pigilan ang sarili kong kiligin. Hindi niya alam, ganito na pala ang nararamdaman ko para sa kaniya. "Likewise, my husband."
He grinned. "Safe answer, huh?"
Tumaas ang isang kilay ko. "Syempre. Ako na ang magluto..."
He plant a kiss on my forehead. "Nope, ako na. Alam kong napagod ka sa pagsashopping."
"Pero Fabian, dapat ako gumagawa ng mga iyan. Asawa mo ako. Alam kong pagod ka din sa trabaho."
"Pero gusto rin kita pagsilbihan."
Doon ako natigilan. Nagkatitigan kaming dalawa. Mas lalo bumilis ang t***k ng puso ko sa binitawan niyang salita. Lumunok ako. Ramdam ko na umiinit na naman ang magkabilang pisngi ko. Bakit ba ang dali mo akong patahimik sa simpleng paraan lang, Fabian Wu? Pero isang ideya ang sumagi sa isipan ko para sukli sa effort niya ngayon. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Binasa ng dila ko ang mga labi ko. Humawak ako sa magkabilang balikat niya saka tumingkayad ako na paniguradong magugulat siya sa gagawin ko. Itinpat ko ang bibig ko sa isang tainga niya. "How about making love with you before we sleep later?" wika ko sa mapang-akit na boses.
"Shit." mariin niyang mura.
Sa loob-loob ko, nagdidiwang ang sistema ko. "I miss feeling your hands all over me, mister. But if you can guess what color my bra is, I'll give you a b*****b later." saka kinagat ko ang mga labi ko. Tiningnan ko ang magiging reaksyon niya. As expected, gulat na gulat siya sa mga pinagsasabi ko. And I love it!
"Putang...Ina." sunod niyang mura.
Humagikgik ako at tinalikuran ko na siya. Kumaway pa ako. "Galingan mo, mister. I love you too!" hanggang sa tuluyan ko na siyang iwan sa Kusina at lumabas.
Goodluck, mister.