Dalawang araw nang nakalipas pero hindi pa rin mahulaan ni Fabian kung anong kulay ng panloob ko. Gustong gusto ko nang matawa sa hitsura niya, papaano kasi, daig pa siyang desperado sa lagay na iyan. Magkasama man kami sa unit, maski sa labas ay pasimple niyang binubulong sa akin ang sagot niya. Sorry siya pero puro mali ang mga sagot niya. Hah! Isa akong Hochengco, mauutakan ko din siya kahit papaano kahit ang totoo niyan, mas matalino pa siya kaysa sa akin. Talaga lang gumawa ako ng paraan para hindi niya mahulaan ang kulay.
From Fabian :
How about, sky blue?
Hindi ko mapigilang humalakhak pagakatapos kong mabasa ang kaniyang mensahe sa akin. Dahil weekend ngayon ay nasa bahay lang ako, samantala siya ay nagpaalam siya sa akin na kinakailangan niyang umalis. May family gathering daw sila sa Iloilo dahil naroon ang mga magulang niya. Doon din ay sasabihin niya sa parents niya na may asawa na daw siya. Baliw talaga, kahit kailan. Pero syempre, hindi ako kampante kung magugustuhan ba nila ako o hindi bilang asawa ng isang Fabian Wu. Kahit na sabihin natin na kamag-anak ko ang presidente ngayon ng International Business Club. Kahit na naging malapit ang mga Wu sa dating Grande Matriarch.
Inilapat ko ang mga labi ko saka nagtipang isasagot sa kaniya.
To Fabian :
Nope, wrong answer.
Tumuwid ako ng upo saka humigop ng tsaa. Kasalukuyan akong na sa Salas habang nanonood ng telebisyon. Wala naman ako masyadong gagawin. At saka, si Fabian pa rin ang nakaupong CEO ng Grand & Empress Hotel. Wala pa akong karapatan na galawin ito base sa pamamalakad ko dati pa. Pero napapansin ko na mas umaayos ang negosyo mula na siya ang humawak n'on. Hindi na ako nagtataka kung bakit tinitingala din ang pamilya nila pagdating sa Industriya na ito. Sabado ngayon, naghihintay lang ako sa aya ng mga pinsan ko dahil ang palagi nilang motto: SATURDAY IS A HAPPY DAY! Samakatuwid, may posibleng mag-aaya silang mag-inom. Yes, nasa kaugalian na naming lumabas. Kung nasaan ang isa, naroon ang lahat. Minsan lang hindi nakakasama ang isa sa amin, lalo na kung abala ito o nasa ibang bansa at kasama ang pamilya kaya nabawi kami sa mga lakad kapag nakabalik o ayos na.
Muli tumunog ang cellphone ko. Ipinatong ko sa mababang mesa ang tasa saka kinuha ang cellphone. Sumilay na naman ang ngisi sa aking mga labi nang mabasa ko ang sunod na mensahe ni Fabian.
From Fabian :
You're such a tease, my baberette. I miss you.
Ngumuso ako at muli nagtipa ng isasagot ko.
To Fabian :
I miss you too. How's your bonding with family? Later, baka aalis ako, alam mo na, baka magkaayaan kaming magpipinsan.
Then I hit send hanggang sa tuluyan na itong naipadala kay Fabian. Muli ko ipinatong ang telepono saka tumayo na ako mula sa couch na hindi mabura-bura ang ngiti sa aking mga labi. Dinalo ko ang terasa saka nakapameywang at lumanghap ng hangin. Pinagmasdan ko ang paligid. Malapit na maggabi. Ang tanging kasama ko lang naman ang mga maid peor inutusan ko ang mga ito na maggrocery muna para makapagluto na din sila. Ipinatong ko ang mga braso ko sa railings and I leaned forward.
Habang tumatagal na talaga si Fabian sa buhay, umiiba na ito. Nawawala na ang mga nakasanayan ko noon. Ganito ba ang pakiramdam kapag may asawa ka na? Nararamdaman mo na hinahanap-hanap mo siya? Para bang hindi kompleto ang araw mo kapag hindi mo siya kasama o makita man lang? Kinakailangan na pagsilbihan mo siya at kahit pagod siya ay kinakailangan ka din niyang pagsilbihan?
I slowly released a sighs when I remember how baba really loves mama. Noon, ang buong akala namin ni Rowan ay wala kaming ama. Sa tuwing magtatanong kami kay mama kung nasaan ang tatay namin, bigo kami makakuha ng sagot mula sa kaniya. Sa halip ay ngiti lang ang natatanggap naming sagot. Para bang may tinatago siya sa amin. Hanggang sa nakilala namin si baba noong araw na naaksidente kami ni Rowan. Abot-langit ang pasasalamat ko dahil sa wakas, natupad na ang hiling namin ni Rowan—si Finlay Manius Ho, si baba, ang tatay namin... Ang first love ni mama. Ang lalaking pinakawalan ni mama sa kamay ng mahigpit na ipinagbabawal na tradisyon ng mga Chinese. Pero hindi nagpatinag sina baba at papa sa Grande Matriarch. Harap-harapan, ipinaglalaban nila ang pagmamahalan nila.
Mapait akong ngumiti.
Sana kasing tapang ko sila sa oras na maramdaman ko ng buo ang pagmamahal na sinasabi nila.
Bumalik ako sa loob nang narinig ko na tumutunog ang cellphone ko. Agad ko iyon dinaluhan iyon para silipin. Umaawang ang bibig ko nang makita ko na tumatawag si Fabian! Walang kaabog-abog ay sinagot ko iyon. Idinikit ko ang telepono sa aking tainga.
"Fabian? Napatawag ka..."
"I miss your voice." he said.
Saglit ako natigilan. Pakurap-kurap ako bago man ako nagsalita. "A-ah, I see." gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. "What's up?" bumalik ako sa pagkaupo ko sa couch.
"Doing great. My parents were happy for us. Now, they're excited to meet you, baberette." nahihimigan ko ang kasiyahan sa kaniyang boses. "Lalo na si ate Siannah. Gustong gusto ka daw niya makilala."
Hindi ko malaman pero nasiyahan at nakahinga ako ng maluwag sa naging balita niya. Tumingala ako sa chandelier. "Hindi ba sila nagtaka na bigla kang ikinasal? Baka sabihin nila, nagkaroon ng shotgun wedding." then I chuckled.
Natawa din siya. "Nope, not really. My family were cool. Hindi naman uso sa kanila ang marriage for convenience, baberette. They always told me, as long as I'm happy, they're happy. Hindi big deal sa kanila ang ikinasal ako ng hindi nila alam. Mas gusto daw nila umattend sila kung sakaling ikakasal daw tayo sa simbahan. Iyon pa daw, mas sacred daw iyon." pagpapaliwanag niya. "Actually, hinahanapan na ako ni dad ng apo."
Parang nanigas naman ako sa kinauupuan ko nang banggitin ang tungkol sa apo. Like, what the? Naghahanap na agad sila ng apo eh kakasal lang naman namin?! "M-masyado pang maaga para d'yan, mister." ang naging kumento ko.
"I know. Nasabi ko din sa kaniya ang tungkol sa bagay na iyon. No worries, kahit na nabuntis pa kita, hinding hindi ko hahayaan na malosyang ka, baberette." muli ko narinig ang tawa niya. "Well, how about you're wearing pink?"
Pumikit ako at natawa. "Hindi ka talaga sumuko, mister."
"Of course. Pagdating sa iyo—Fabian, tawag ka ni tito Harold! Ikaw daw magmamaneho ng motor boat!—Baberette, let's talk later, aright? Kung aalis ka, just beep me up and please, be home safe. Kung okay lang, magpahatid ka sa mga kapatid mo."
"Sure, mister. Mag-iingat ka din d'yan. Enjoy!"
"Hey, my answer is correct?"
"Yes, mister. You got a right answer. Pero maghintay ka dahil nariyan ka." bumungisngis ako.
"s**t! Yeah! I got it! I love you, Baberette."
"Yeah, love ya more." hanggang sa pinutol ko na tawag. Sunod naman ay nakatanggap naman ako ng mensahe mula sa isa sa mga pinsan ko. Si Adler. Tumalikwas ang isang kilay ko nang binuksan ko ang mensahe niya para sa akin. "Eagleview Castle Bar. Nine PM. Tonight. See you there! Take care!" pagbasa ko sa mensahe ng pinsan ko.
**
Suot ko ang deep v neck sexy cocktail evening dress. Above the knee ang hawak ng dress na ito. Nakasuot din ako ng itim na stilettos. I'm wearing dangling earrings and necklace that made from gold, too. Nakapusod din ang aking buhok. Nakamake up din ako, simpleng make up lang dahil hindi pa rin maalis sa akin ang pagiging classy na tingin sa akin ng mga nakakilala sa akin.
Hawak-hawak ko ang gold color pouch ko habang naglalakad ako papunta sa mesa kung nasaan ang mga kikitain ko. Sanay na ang mga mata ko sa bawat club o bar na napapasukan ko. Kaya madali na din para sa akin na makita kung nasaan man sila pagtuntong ko dito sa Eagleview. Nag-iwan na din ako ng mensahe kay Fabian na umalis na ako sa Penthouse. Nag-iwan na din ako ng note sa mga maid, dahil sa oras na hindi ko kakayanin na makauwi mamaya ay sasama nalang ako sa mga pinsan ko para magsleep over sa kanila.
As usual, maraming tao pa rin sa paligid. Hays, hindi talaga maiwasan na hindi ako makalanghap ng usok ng pinaghalong sigarilyo at mga vape sa paligid.
Tumambad sa akin ang mga maiingay na boses habang tuluyan na akong nakalapit sa mesa kung nasaan sila. Nakuha ko ang atensyon nila. Gumuhit ang mga masasaya nilang ngiti nang makita nila ako. Ang mga pinsan kong babae ay lumapit sa akin saka binigyan ako ng mahigpit na yakap.
"Atsi!" bulalas ni Gayla.
"Late na ba ako?" tanong ko sa kanila.
"Hindi naman, sakto lang din ang dating mo." si Rowan ang sumagot sa tanong ko. Katabi niya ang pinsan naming si Adler sa isang tabi. Magkasama naman sina River at Spencer na kasalukuyan nang umiinom.
"So, ano nang happenings dito?" sunod kong tanong saka umupo na din sa tabi ni Verity at Vesna.
"Wala naman, magtatanggal lang tayo ng stress." nakangiting sagot ni Nell sabay alok niya sa akin ng alak. "Here."
"Xie xie." uminom ako ng kaunti.
"At may nabalitaan kami." nakangising segunda ni Vander, katabi niya ang kaniyang kapatid na si Zvonimir. "Kasal ka na pala, hindi mo man lang ipinaalam sa amin."
Kusang namilog ang mga mata ko sa isinawalat ng pinsan ko. Agad ko ibinaling sa kanila ang mga tingin ko. Lahat ng mag tingin nila ay nakatuon sa akin na animo'y may ginawa akong isang napakabigat na krimen. Lumunok ako't binawi ko din ang tingin ko. Damn, papaano nila nalaman ang tungkol sa bagay na iyon?!
"Kung hindi pa nadulas ang judge na nagkasal sa inyo, hindi pa namin malalaman na kasal na pala kayo ni Fabian Wu." dagdag ng gago kong pinsan na si Nilus, na nakangising nang nakakaloko.
"Ano ba talagang nangyari, sis?" sunod naman ang nagtanong si Rowan na seryoso ngayon ang mukha. "Dahil ba sa nakuha ni Fabian Wu ang Grand & Empress mo?"
Tumalim ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko akalain na iyon ang magiging tingin niya! "Of course not! Damn." bulalas ko. Nilagok ko ulit ang alak. "Pareho kaming lasing nang nagpakasal..."
"WHAT?!" bulalas nila, lahat sila ay hindi makapaniwala. Mas nangingibabaw pa ang mga boses nila kaysa sa mga party songs na pinapatugtog dito sa Club.
"Tell me, you're kidding, atsi." reaksyon ni River, namimilog ang mga mata.
"Putang ina, ang lupet mo pala, atsi." humalakhak sina Nilus, Chance at Charl, nag-apiran pa sila sa harap ko.
Ngumiwi ako. Ramdam ko ang kahihiyan sa sistema ko. "H-hindi sumagi sa isipan ko na sa pamamagitan ng hotel ay papakasalan ko siya, duh. Kung alam ninyo lang." saka kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga.
"Then, bakit kayo nagpakasal nang lasing?" taas-kilay na tanong ni Aldrie, mukhang curious na din siya sa nangyayari.
Hindi ko magawang sumagot. Humigpit ang pagkahawak ko sa baso. Maski ako, hindi ko rin alam kung bakit nagawa kong hamunin siya na pakasalan niya ako. Nagkapalit pa kami ng singsing na sumisimbolo na sagrado ang pag-aasawa. Ang singsing na inihabilin sa akin ng Grande Matriarch.
"Kung kailangan mo ng annulment, narito lang ako, atsi." wika ni Aaron na agad din siyang binatukan ng magkapatid na Nilus at Vesna.
"Huwag mo nang dalhin dito ang kadramahan mo. Idadamay mo pa si atsi, eh." sermon sa kaniya ni Vesna.
"Kahit ganoon, unti-unti na akong nagiging masaya sa kaniya." bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga kataga na iyon na dahilan na matigilan silang lahat. Tumingin ako ng diretso sa kanila, sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi. "Through him, I just saw how baba loves mama."
"We're happy for you, cous!" bulalas ni Vladan. Inangat niya ang hawak niyang beer. "Let's celebrate! Next time, ipakilala mo sa amin ang asawa mo!"
"CHEEERS!"
**
Wala na kaming pakialam sa oras kapag talaga magkasama kami. Panay indak nila dito sa dance floor. Nakapngiti lang ako't natatawa sa mga pinanggagawa nila pakulo. Ang iba naming kasama ay nagpaiwan at ineenjoy nalang na uminom. May ibang babae naman na lumapit sa mga pinsan kong lalaki, nakangiwi lang ako dahil lakas landiin ng mga ito. Buti good thing, hindi nila pinatulan.
"Hey, Sarette?"
Napalingon ako nang may tumawag ng pangalan ko. Napasinghap ako nang tumambad sa akin si Mirko. He's wearing a gray v neck shirt and jeans. "Mirko!" bulalas ko sa kaniyang pangalan.
"This is... Unexpected." nakangiting sambit niya. Napapansin ko na pinag-aaralan niya ako sa mga tingin niyang iyon. "And you're mind blowing in your dress! Gorgeous."
Matamis akong ngumiti. "Thank you. Oh! Hindi pa yata alam nina Rowan na nakabalik ka na. Teka, dadalhin kita sa kanila—"
"No, it's okay..." bigla niyang pigil sa akin. Ibinuka niya ang kaniyang bibig na wala pang limang segundo. "Ang totoo niyang, gusto kita makausap."
Dahan-dahan akong tumango na para bang sumang-ayon ako sa kaniyang gusto mangyari. Naglakad kami patungo sa bar counter. Nag-order siya ng inumin sa bartender at umupo kami sa bar stool. Bumaling ako sa kaniya. "Anong gusto mong pag-usapan natin, Mirko?"
Tumitig siya sa akin saka ngumiti. "You owe some stories for me, don't you remember?" he asked.
Tumaas ang isang kilay ko na tila napagtanto ko ang ibig niyang sabihin. "Kaya nga ang sabi ko, ipakita din kita sa mga kasama ko para makita ka na nila..."
Kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Pero bago man siya nagsalita ay ipinatong ng bartender ang mga inorder na alak sa bar counter. Kinuha ko ang para sa akin saka uminom. "Hayy, bakit ang manhid mo, Sarette?" natatawa niyang tanong.
Kusang kumunot ang noo ko. Mabilis akong bumaling sa kaniya. "What do you mean?"
"Gusto kita." diretsahan niyang sagot.
Natigilan ako. "Mirko..."
Muli siya nagsalita pero unti-unti ko nang hindi naiitindihan ang sinasabi niya dahil nakakaramdam na ako ng hilo dahil sa alak...
**
Sa pagdilat ng mga mata ko, pakiramdam ko ay may nakadaganan na sa akin. Bahagya kong iginalaw ang ulo ko para malaman ko kung sino ang katabi ko. I feel anticipated, baka si Fabian na ang nasa tabi ko at gusto lang niya ako sopresahin. Nang hawiin ko ang kumot ay para akong binuhusan ng yelo.
Hindi si Fabian ang katabi ko, kungdi si Mirko. Binawi ko agad ang tingin ko para tingnan ang aking sarili. Umaawnag ang bibig ko nang makita kong nakahubad ako! Agad ko din tiningnan kung ganoon din ba siya sa akin at hindi nga ako nagkamali!
Wait, hindi ito, totoo, hindi ba? Wala naman nangyari sa aming dalawa, hindi ba?
Tagumpay akong nakaalis sa ibabaw ng kama. "MIRKO!" hindi ko mapigilang masigawan siya.
"Hmmm..."
"Oh s**t! Wake up!"
"W-what..."
"Anong nangyari?! Bakit nakahubad ako?!" sigaw ko sa kaniya. Umaahon ang galit sa aking sistema. Halos sabunutan ko na ang sarili ko dahil na din sa kahihiyan!
Dahan-dahan siyang bumangon. Nagpupungas-pungas pa siya dahil bagong gising. "Hindi naman siguro one night stand ito..." namamaos niyang sabi.
Kinagat ko ang aking labi. Dahil sa galit ay nandidilim na ang mga mata ko. Walang sabi na kinuha ko ang plorera dito sa kuwarto at walang sabi na binasag ko iyon sa harap niya. Halos matalon siya sa gulat dahil sa ginawa. Kailangan kong gawin iyon para maging matino siya! "Umalis ka dito, Mirko! Lumayas ka sa pamamahay ko!" angil ko.
"W-what..."
"Get out!" dinampot ko ang mga damit niya saka pinagtatapon ko ang mga iyon sa harap niya.
Gumawa ako ng paraan para mapaalis ko siya. Isa-isa niya sinusuot ang mga damit niya habang pinapalayas ko siya. Nakasuot ako ng roba. Hanggang sa nabuksan niya ang pinto ng Penthouse ko.
Halos maestatwa ako nang tumambad sa harap namin si Fabian na mukhang bubuksan palang niya ang pinto pero ito na agad ang tumambad sa kaniya. He scanned everything. Lumipat ang tingin niya kay Mirko. Kita ko kung papaano umigting ang panga ng asawa ko. Wala akong mabasang ekspresyon sa kaniyang mukha, maliban na galit ito.
"F-Fabian... Let me explain..." garagal kong tawag sa kaniya.
"Ito pala ang ginagawa mo habang wala ako, Sarette?" malamig niyang tanong.
Umaawang ang bibig ko. Nangangapa ako kung ano ang dapat kong ipaliwanag sa kaniya dahil kahit ako, hindi ko na matandaan ang mga sumusunod na nangyar kagabi!
Lumapit ako sa kaniya. I tried to reach him pero siya din na mabilis niyang magpumiglas. "Don't. Just don't." matigas niyang usal. Bigla niya akong tinalikuran.
"Fabian! Fabian!" hinabol ko siya pero huli na dahil tagumpay siyang nakapasok ng elevator.
Tumigil ako't napaupo sa sahig. Pakiramdam ko ay nanghihina ako nang sobra. Sa tagpo na tinalikuran ako ni Fabian, parang ilang beses akong sinaksak. Hindi ko mapigilang bumuhos ang mga luha ko. Luha na puno nang pagsisisi...
"Fabian..." muli kong tawag sa kaniya ngunit bigo ako. Bigo ko siyang maabutan...