Yakap-yakap ko ang aking mga binti habang nakakulong ako dito sa kuwarto. Isang buwan at kalahati na ako naririto sa bahay nina mama at papa. Alam kong nabigla sila dahil sa pagbigla kong pag-uwi dito sa Cavite. Alam kong gusto nilang tanungin kung bakit pero wala akong lakas ng loob upang sagutin ang totoo. Ang tanging alam ng mga kapatid at mga pinsan ko ay kasal na kami ni Fabian, pero hindi pa nila alam na nagkalabuan kami dahil sa nasaksihan niya nitong nakaraan. Wala akong ideya kung nasaan ang asawa ko ngayon. Kung saan ba siya namamalagi, kahit ang pamilya Wu ay hindi ko makontak dahil pinangungunahan ako ng takot at guilty. Mabilis ko din inalis si Mirko sa buhay ko. Galit ang nararamdaman ko para sa kaniya dahil ang buong akala ay mabuti siya, hindi pala. Daig ko pang nalinlang na wala sa oras.
Kahit na masakit na ang mga mata at ulo ko dahil sa kakaiyak, balewala lang sa akin. Iniwan man ako ni Fabian pero daig ko pang namatayan.
Noong una bago man ako lumipat dito sa Cavite ay nagbakasakali ako na makita siya sa Opisina ng Grand & Empress pero bigo ako. Nabalitaan kong hindi na daw siya pumasok. Nalaman ko din na ibinalik na niya sa akin ang Hotel na matagal ko nang hinihingi na ibalik na niya sa akin. Dapat ay masaya ako pero kabaliktaran ang nangyari.
Simula noon ay nagpasya na akong ipagbenta ang Penthouse. Ilang beses na din akong kinakatok ni mama dito sa kuwarto pero wala akong sapat na lakas upang makipag-usap kung kani-kanino. Kahit na gustuhin man ako makausap ng mga kapatid at mga pinsan ko na bumibisita sa bahay.
Sumapit man ang gabi ay hindi pa rin ako dinalaw ng antok. Napagawi ako sa balkonahe ng silid ko. Ipinatong ko ang mga palad ko sa railings habang nakatingala ako sa kalangitan. Malungkot ko ito pinagmamasdan. Dinadama ko ang malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa aking balat. Dama ko ang pagpiga ng aking puso nang sumagi na naman sa aking kaisipan si Fabian.
"How can I sleep when you're away, Fabian?" garagal kong tanong kahit alam kong mabibigo ako na marinig niya iyon. Nararamdaman ko na naman ang pamumuo ng aking mga luha. Hindi na mapigilan ay isa-isa na silang tumulo at marahan iyon umagos sa aking mga pisngi.
Nang mahimasmasan na ako ay nagpasya akong lumabas. Tutal naman ay madaling araw na't paniguradong tulog na ang mga tao dito sa bahay. Maingat akong lumabas ng kuwarto. Naglakad ako sa malawak na hallway bago man ako tuluyang nakababa. Dumiretso ako sa wine cell para kumuha ng isang baso ng red wine. Pampaantok lang.
Pagkatapos kong magsalin ng alak ay babalik na ako sa kuwarto habang dala ko ang baso nang maaninag ko na nakaawang ang pinto ng Study Room. Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin upang humakbang palapit sa naturang pinto. Sumilip ako. Nakita ko ang dalawa kong kapatid na seryoso na nag-uusap pero halos manigas ako sa kinakatayuan ko nang marinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Putang ina, mapapatay ko ang Mirko na 'yon!" nanggagalaiting sambit ni Rowan.
"Anong gusto mong mangyari, ahia?" seryosong tanong ni River na pinapatunog ang mga daliri dahil din sa galit.
"Gawin ninyo ang lahat, malaman lang natin ang totoo." matigas siyang tumingin sa kawalan. "Tarantado siya. Gago din ako pero nadedemonyo ako kapag ang kakambal ko na ang pinag-usapan dito."
Hindi ko mapigilang kagatin ko ang aking pang-ibabang labi. Halos manginig ang kamay ko. Alam ni Rowan na narito si Mirko? Alam na nila na may gulo sa pagitan namin ni Fabian? Ano pa ba ang maaasahan ko? Pagdating sa angkan namin, may pakpak ang balita, may tainga ang lupa. Kaya walang sikreto na hindi mabubunyag pagdating sa kanila. Wait, hindi kaya naitanong din nila sa mga naging maid ko ang nangyari? O nakausap na nila si Fabian? Ano?
"Sila Chance at Nilus ang pipiga sa kaniya para malaman ang totoo." rinig ko mula kay River.
"Great." huminga ng malalim si Rowan at umupo sa malapad na couch. "Ang kailangan lang nating gawin ngayon ay kung papaano natin mapalabas si Sarette mula sa kuwarto niya. Ilang araw na siyang nagmumukmok." nahihimigan ko ang lungkot sa kaniyang boses. "Mas nasasaktan ako kapag nakikita ko din siyang nasasaktan."
Parang nanghina ako sa narinig ko. Agad akong humakbang palayo sa pinto at binilisan ko ang kilos ko hanggang sa makabalik na ako sa kuwarto ko.
**
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko nang may naririnig akong masasayang tawa. Ang mas lalo nakapaggising sa akin ay ang sinag ng araw. Nang bumangon ako ay doon ko napagtanto nasa damuhan ako. Sinundan ko ng tingin ang tawa na naririnig ko. Gumuhit ang pagtataka sa aking mukha nang makita ko ang isang kambal—isa ay babae at isa naman ay lalaki na masayang naglalaro sa tabi ng ilog. Hindi lang siya, may iba pang kambal sa paligid. What the hell?!
Tumayo ako at akmang lalapitan ko sila nang tumingala sa akin ang magkambal na una kong nakita. Pareho silang nakangiti sa akin. Para bang masaya sila na makita nila ako. Ang mas ikinagugulat ko pa ay bigla nila akong niyakap. Nakatingala sila sa akin na naroon pa rin ang saya.
"Mama..." sabay nilang tawag sa akin.
Napasinghap ako, kasabay na napabangon. Natulala ako saglit. Naliligo na pala ako sa sarili kong pawis, nagtataas-baba ang aking dibdib. Napasapo ako sa aking dibdib. Bakit may kambal sa panaginip ko? Anong ibig sabihin n'on?
Agad kong sinindi ang lampshade na nasa aking tabi. Nagmamadali akong umalis sa ibabaw ng kama. Agad ko binalingan ang wall clock dito sa kuwarto. It's already ten in the evening. Napasapo ako sa aking ulo. Bakit biglang umiba ang pakiramdam ko nang makita ko ang kambal na iyon? Ano bang ibig sabihin at nagpakita sila sa akin? Hindi ko sila makilala. Ang mas lalo nagpapagulo sa akin ay tinawag nila akong mama.
May isang bagay na umagaw ng aking pansin sa bandang ibaba ng pinto dito sa aking silid. Dinaluhan ko iyon. May isang papel na tingin ko ay ipinasok iyon sa ilalim na pinto. Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ay isa itong address. Nang mabasa ko ay napagtanto ko na sulat kamay ito ni Rowan lalo na't may mensahe siya doon.
Nakuha namin ang address niya. Kung ako sa iyo, puntahan mo siya hangga't may panahon pa. - Rowan
Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Binasa ng dila ko ang aking mga labi. Sa mga isinulat ng kakambal ko ay pakiramdam ko ay nabuhayan ako ng loob. Agad ko dinaluhan ang dresser at naghanap ng jacket. Kahit nakapajamas pa ako ay balewala lang sa akin. Kailangan kong puntahan si Fabian habang may panahon pa ako. Ipapaliwanag ko sa kaniya nang mabuti ang lahat. Na mali ang nakita niya. Kahit parusahan niya ako ng ilang beses ay tatanggapin ko.
Ang tanging dinala ko lang ay ang susi ng sasakyan ko, wallet at cellphone ko. Nagmamadali akong lumabas ng kuwarto ko. Naghahalf-run akong dumaan sa hallway hanggang sa pababa na ako nang natigilan ako nang makita ko si Rowan na nakaupo sa sofa. Tumayo siya habang diretso siyang nakatingin sa akin. Umaawang ang bibig ko. Ang buong akala ko ay tulog na siya o hindi kaya ay nasa Study Room upang abalahin ang sarili sa kaniyang trabaho.
"Rowan..." mahina kong tawag sa kaniya.
"Alam kong iyan ang magiging paraan
para makalabas ka sa lungga mo." seryoso niyang saad.
Kinuyom ko ang aking kamao. "Ang ibig mong sabihin, hindi totoo ang address na ito?" umaahon ang galit sa aking sistema.
"Totoo ang isinulat ko d'yan, sadyang hinanap namin kung saan mo siya matatagpuan." pahayag niya. Hukambang siy palapit sa akin. "Mas maigi kung sasamahan kita sa kaniya."
"Rowan..." halos mabasag na ang boses ko nang tawagin ko ang pangalan niya.
"Kapatid kita. Sarette. Hinding hindi ako makakapayag na may mananakit sa iyo. Bukod kay mama, kailangan din kita protektahan." mahina niyang tinapik ang aking ulo. "Alam kong masaya ka sa kaniya kaya tutulungan kita." Napagtanto ko nalang na tuluyan nang kumawala ang aking luha. Pinunasan niya iyon at ngumiti siya. "Don't give up as long as you love him, Sarette."
**
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. It's a massive mansion here in Batangas. Hindi ko na hinintay pa si Rowan. Ako na ang nagbukas ng pinto sa gilid ko hanggang sa nakalabas na ako ng sasakyan. Nagtaas-baba ang aking dibdib dahil sa kaba. I need to compose myself, bago ko makaharap at makausap si Fabian. Alam kong galit pa rin siya sa akin sa nangyari pero hindi ako susuko.
Pinindot ko ang doorbell. Ilang beses ko ito pinatunog hanggang sa nagbukas ito. Pero hindi si Fabian ang tumambad sa akin. Isang lalaki na tingin ko ay kasing edad lang ni dad. Nakasuot ito ng kulay gray na roba at nakasweat pants. Tulad ko ay gumuhit sa kaniyang mukha ang pagtataka sa pagsulpot ko dito. I know, this man infront of me is Fabian's father. Farris Dalton Wu!
"You are Ms. Sarette Ho, right?" pormal niyang tanong sa akin.
Kahit nagpipigil ako ng hininga ay sinikap ko pa rin siyang harapin. "Yes, sir. I'm Sarette Ho. I... I just want to talk Fabian. Kung ayos lang po ba?"
Bago niya sagutin ang tanong ko ay nakatitig siya sa akin. Tila pinag-aaralan niya ako sa tingin na iyon. Hindi kaya nalaman niya kung ano ang dahilan kung bakit ako naririto? Na may problema kami ng kaniyang anak? Hindi kaya, galit siya sa akin?
"Farris, may bisita tayo?" rinig kong boses ng isang babae na papalapit sa amin. Nang makita ko kung sino ito ay hinding hindi ako nagkakamali. She's Dra. Margueriite Wu, one of the best general surgeon in Asia! Bumaling ito sa akin, nang napagtanto niya kung sino ay ibinuka niya ang kaniyang bibig na tila hindi siya makapaniwala. Wait, ibig sabihin, pumunta sa Luzon ang mag-asawang Wu? "Miss Sarette? What are you doing here?"
"Nothing special, babe." si Sir Farris ang sumagot sa tanong nito.
Dahi sa halo-halo na ang emosyon na aking nararamdaman ay bigla akong nagsalita na ikinagulat nila. "Sir Farris, I need to talk to him... Please... Kahit orasan ninyo pa ako, makausap ko lang siya... Importante lang po ang sasabihin ko—"
"I'm sorry, Miss Ho, but he's already left broken a while ago..." malungkot na tugon ni Sir Farris.
Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Nanatiling nakabuka ang aking bibig. Sa mga sinabi ng ama ni Fabian, pakiramdam ko ay nabasag ako. Parang lahat ng pag-asa na binubuo ko kanina, ay kusa iyon nawala na parang bula. Umalis si Fabian nang hindi ko nalalaman... "S-Sir..." basag ang boses ko.
Mahinang tinapik ni Sir Farris ang isang balikat ko. Bakas sa mga mukha nila ang kalungkutan. Dahil ba sa akin o dahil sa nasaktan ko ang anak nila? "Time doesn't really heal the heart, Miss Ho. It just makes the heart forget all the pain." sabi niya na may halong awa sa kaniyang boses.
Kumurap ako. Sinikap kong makatayo ng maayos kahit na gusto ko nang bumagsak. Sa tingin ko ay hindi nila sasabihin sa akin kung saan pumunta si Fabian. "S-sorry po sa abala, Mr. Wu... Mrs. Wu...." halos pabulong na iyon.
Tinalikuran ko na sila't dumiretso ako sa sasakyan kung saan naghihintay sa akin si Rowan. Bakas din sa mukha niya ang pag-aalala at lungkot para sa akin. Tumigil ako sa paglalakad. Tumingala ako sa kalangitan. Kusa nang tumulo ang luha sa aking mga mata. Halos hindi na ako makahinga dahil sa sakit. Unti-unti ako namamanhid sa puntong ito.
"Sarette..." nag-alalang tawag sa akin ng kakambal ko. Papalapit siya sa akin.
Ibinuka ko ang aking bibig. "Should I waiting for him to comeback, Rowan?" kusang lumabas ang tanong na iyon sa aking bibig. "Or, I am hoping that he will come back? Which one should I choose?" humihikbi kong sambit.
Umigting ang kaniyang panga. Tuluyan na niya akong naabot. "If he loves you, he will come back."
Pumikit ako ng mariin. "Kung kailan magmamahal ako sa unang pagkakataon, ganito kasakit ang mararamdaman ko... Pero kahit ganoon... Ayokong patayin ang pagmamahal ko sa kaniya... Kahit ilang taon pa siya lumayo dahil sa galit niya sa akin, tatanggapin ko. Hinding hindi ko aalisin ang pagmamahal ko sa kaniya." I cried harder. Wala akong pakialam kung ilang luha na ang tumulo mula sa aking mga mata.
Marahan niya akong niyakap. Humigpit ang pagkakapit ko sa kaniyang mangas. Marahan niyang hinagod ang aking likuran. He comforted me on his way. Rinig ko ang buntong-hininga niya. "Your love will bring him back to you, Sarette. If not in this brith, at the least in the next birth. This is law of the Universe. Like what baba and mama taught us, don't stop loving him, sis."
Pero unti-unti hinuhugot ang lakas ko. Para bang hindi ko na kakayanin pa. Bumigay na ang mga tuhod ko. Kahit na bumagsak man ako, hawak pa rin ako ni Rowan. Rinig ko ang pagtawag niya sa akin na may pag-aalala pero tuluyan ko nang naipikit ang mga mata ko...