chapter nine

2087 Words
Sa pagmulat ng mga mata ko, puting kisame na ang tumambad sa akin. Rinig ko ang mga boses sa gilid ko. Unti-unti lumilinaw ang paningin ko nang ibinaling ko ang aking ulo sa aking kaliwa. Bumungad sa akin na kausap ni Rowan ang doktor. Base sa mukha ng aking kakambal ay seryoso ito. Para bang hindi maganda ang balita na hatid ng doktor na kausap niya. Ano bang nangyari pagkatapos namin puntahan ang mga Wu kanina? Ang pakiramdam ko lang naman ay nanghina ako ng sobra. Wait, naalala ko lang na umalis pala si Fabian. Umalis siya na wala man lang nagbigay ng ideya sa akin kung saan siya pupunta. "Thank you, doc." rinig ko mula sa aking kakambal. Nakita ko kung papaano tinalikuran ng doktor si Rowan at tuluyan nang nakaalis sa silid na ito. Sunod naman ay dinaluhan ako ng aking kapatid. Natigilan siya nang makita niya akong nakadilat na. Mas bumilis ang paglapit niya sa akin. "Sarette..." "A-anong nangyari?" iyon agad ang lumabas sa aking bibig habang nakatitig ako sa kaniya. "Anong sabi ng doktor?" Umukit ang kalungkutan sa kaniyang mukha nang maitanong ko tungkol sa bagay na iyon. Kinuha niya ang upuan na malapit sa kaniya at umupo sa aking tabi. Hinawakan niya ang aking kamay. Ramdam ko na mahigpit siyang humawak doon na mas lalo ko ipinagtaka. Kumawala siya ng malalim na buntong-hininga at muli siyang tumingin sa akin nang seryoso. "You're pregnant, Sarette." and finally, he answered. Parang tumigil ang ikot ng aking mundo nang marinig ko iyon mula sa kaniya. Mas lalo ako nakaramdam ng panghihina, kasabay na pagpiga ng aking puso. Kinakapos ng hininga nang wala sa oras. Dumako ang tingin ko sa kisame. Wala akong makapang salita upang maging reaksyon sa aking nalaman. Buntis ako... Dinadala ko na ngayon ang magiging anak namin ni Fabian. Magiging nanay na ako, magiging tatay naman siya. Ramdam ko na umagos ng aking luha mula sa aking mata. Tumulo iyon sa unan. Nagkahalo-halo na ang emosyon ko. Kagalakan, kaba at takot ang nangingibabaw sa akin ngayon. Masaya ako dahil amgiging magulang na ako. Magkakabunga na ang pagmamahalan namin ni Fabian pero kinakabahan at natatakot ako sa maaaring maging reaksyon nina baba at mama. "Sarette," tawag sa akin ni Rowan sa pamamagitan ng baritono niyang boses. "Sasamahan kitang ipaalam sa angkan ang tungkol sa kalagayan mo." Kinagat ko ang aking labi. "Alam kong magagalit sila, Rowan." pahayag ko sa aking kakambal. "Lalo na si baba, magagalit siya lalo na't iniwan na ako ng asawa ko." nanginginig ang boses ko. "They will understand. Sila pa ba? Alam mo naman sa ganitong sitwasyon, tutulungan ka namin kahit ano pang mangyayari." he added. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Mas lalo umagos ang mga luha na gusto nang kumawala. "I failed them, Rowan. Nadismaya ko ang pamilyang ito. Buntis ako... Dadalhin ko ang bata na walang ama... I am a failure member of this clan—" "Shh, don't say that. Mas mahihirapan kami kung nakikita ka din naming nahihirapan." malumanay niyang sabi. "Ganito man din nangyari kay mama pero hindi rin sumuko si dad na hanapin tayo, lalo na si mama." he said. Bumaling ako sa kaniya. Kahit na nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha ay wala akong pakialam. "But that's a different story, Rowan. Magkaiba ang pinagdaan namin ni mama. Hindi siya iniwan ni baba, pero si Fabian, iniwan niya ako sa maling akala..." Mariin din niyang ipinikit ang mga mata niya. "Kahit marami kang pagkakamali na nagawa, kapatid pa rin kita. Hindi ka pa rin namin susukuan, dahil ganito ka namin kamahal." Napasapo ako sa aking tyan. Kung nasaan ang bunga ng pagmamahalan namin ni Fabian. "Huwag ka nang umiyak. Makakasama sa magiging baby mo kapag naging stress ka." dagdag pa niya. "For now, kailangan mo munang magpahinga. Tomorrow magdidischarge ka na. Uuwi tayo sa bahay, pag-isipan mo kung ano ba ang dapat gawin sa oras na kakausapin natin sina baba—" "Rowan," Tumigil siya sa pagsasalita. Pilit kong bumangon. Seryoso akong tumingin sa kaniya. Alam kong nagtataka siya pero bago ko muna kakausapin ang mga magulang namin, may gusto akong gawin. "Please, find him. Kailangan ko siyang makausap. Gusto kong malaman kung ano bang gusto niyang mangyari sa kasal namin. Kung maisasalba pa ba o susukuan na niya..." "Sarette..." hindi makapaniwalang tawag niya sa akin. "Sorry, I know this is stupid but, sigurado ka bang kay Fabian ang dinadala mo?" Tiningnan ko ang tyan ko. Muli ako napasapo doon. "Malaki ang pananalig ko na kay Fabian ito. Siya ang ama ng dinadala ko." inilipat ko ang tingin ko sa kaniya. "Gusto kong malaman kung talagang mahal pa niya ako. Kung magiging masaya din ba siya na magkakaroon na kami ng anak..." Lumunok siya. Muli siya nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Mahina niyang tinapik ang aking balikat. Tumango siya. "Sige, hahanapin ko siya para sa iyo." sambit niya. Mapait akong ngumiti. "Thank you, Rowan. Thank you for being there for me, bro." "Basta ikaw, sis." ** Hindi agad ako bumalik sa Grand & Empress Hotel. Nakiusap ako kay River na siya muna ang magmamanage n'on habang kinakailangan ko ng pahinga habang naririto ako sa bahay ng mga magulang namin. Alam kong nagtataka pa rin sina mama at baba sa naging pasya ko. Na hindi muna ako babalik ng trabaho. Ayoko lang din mastress ang sarili ko, ayokong madamay ang anak ko. Pero kahit ganoon, may improvement naman. Hindi na ako tulad ng dati na palagi nagkukulong sa kuwarto. Sa ngayon ay binubuhos ko ang aking oras sa pagluluto, tumatambay ako sa garden. Nakaharap ako sa laptop para magresearch kung ano ang mga bawal at mga importante sa mga buntis. Kung ano ang mga sintomas para maging handa ako. Kahit ganoon, may mga nararamdaman din ako tulad na nagkakaroon ako ng morning sickness, hindi ko lang pinapahalata kina mama. Hindi na rin ako nakakasama sa mga happenings naming magpipinsan dahil todo ingat ako sa dinadala ko. Iniiwasan ko na din ang alak. Pero hindi ko maiwasan na inaaway ko ang mga pinsan ko dahil inaatake ako ng iritasyon ko kahit wala naman talagang dahilan, kung minsan pa nga ay sa sobrang babaw na dahilan. Nasabi din sa akin nina Rowan at River ang mga nalaman nila nang nakausap nila si Mirko. Wala talaga daw nangyari sa amin. Kahit daw siya ay nakaramdam ng hilo ng mga oras na iyon. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi sa kaniyang rason. Pero kahit ganoon ay malaki na din ang pasasalamat ko dahil wala talagang nangyari sa amin. Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga habang pinagmamasdan ko ang hardin sa aking harap. Mas narerelax ang pakiramdam ko sa mga oras na ito. Sumimsim ako ng tsaa. Biglang tumunog ang cellphone ko. Sinilip ko kung sino ang tumatawag. Umawang ang aking bibig nang mabasa ko ang pangalan ni Rowan. Hindi ako nagdalawang-isip na sagutin iyon. Sa palagay ko ay importante kaya tumatawag siya ngayon. "Rowan?" "I found him." seryoso ang kaniyang boses. Natigilan ako sa aking narinig. Dalawnag linggo nang nakalipas, nahanap na niya si Fabian? "N-nasaan siya ngayon?" mabilis kong tanong. "Nariyan siya sa Tagaytay. Nakacheck in siya sa isa sa mga Hotel. Uuwi ako ngayon ng Cavite. Tatapusin ko lang ang mga trabaho ko din. Hihintayin mo kami ni River. Sasamahan ka namin para makausap mo siya, alright?" Kinagat ko ang aking labi. Umaapaw sa kalagakan ang sistema ko sa magandang balita ng kakambal ko. "Sobrang nagpapasalamat ako sa inyo ni River, Rowan." my voice were shaking at this moment. "Anything for you, sis. For now, you need to be prepared." "Yes, thank you." ** Simpleng floral dress at white flat shoes ang suot ko. Sakto naman ang suot ko na ito sa pupuntahan namin. Naghihintay lang ako sa Salas, sina mama at baba naman ay nasa kuwarto na nila upang magpahinga. Nakatanggap ako ng mensahe mula kay River na malapit na daw sila. Agad ako tumayo mula sa inuupuan kong couch. Lumabas ako ng bahay para abangan silang dalawa. Napag-alaman ko na kotse ni Rowan ang gagamitin namin sa oras na makarating na kami sa Hotel kung nasaan si Fabian. Sadyang iniwan ni River ang kaniyang sa Grand & Empress dahil sinundo din siya nito. Nang nakatutok na sa akin ang ilaw mula sa headlight at lumapad ang ngiti ko nang matanaw ko ang sasakyan ni Rowan na papalapit sa aking direksyon hanggang sa tumigil ito sa aking harap. Nagbukas ang pinto mula sa frontseat. Lumabas mula doon si River. "Atsi," tawag sa akin ni River. "Sorry, natagalan. Alam mo namang traffic na ng mga oras na ito." sabi niya. Agad ako umiling. "No, it's okay." sambit ko na may kagalakan sa aking boses. Maingat niya akong iginiya. Siya mismo ang nagbukas ng sasakyan sa frontseat. Doon niya ako pinasakay. Nang isinara ni River iyon ay isinuot ko ang seatbelts at siya naman ang pupuwesto sa backseat. Bumaling ako kay Rowan na ngayon ay seryoso ang mukha. Nagtaka man ako pero mas nangingibabaw ang excitement sa aking sistema. Gustong gusto ko nang makausap si Fabian. Nakahanda na ako magpaliwanag sa kaniya kung sakali. "Ready?" tanong ni Rowan sa amin. "Yeah, ready!" sabay naming sagot ni River. Tinapakan ni Rowan ang gas pedal at humarurot ng takbo ang kaniyang sasakyan. ** Sa Hotel Monticello tumigil ang sasakyan. Agad kaming lumabas tatlo mula sa sasakyan. Kahit sa paglalakad at iniingatan ako ng dalawa kong kapatid. Palinga-linga ako sa paligid. Nagbabakasakaling mahagip ng paningin ko si Fabian. Nanalig pa rin ako na makakausap ko siya. Kahit magkakaawa ako na bumalik siya sa akin, gagawin ko. Hindi dahil kailangan ng ama ang magiging anak namin, dahil mahal ko siya. Siguro, ito ang sinasabi nila kapag nagmahal ka. Ibibinigay mo ang lahat. Ibubuhos na meron ka. Ngayon, naiitindihan ko na kung bakit ganoon sina mama at baba sa isa't isa. Sobrang mahal nila ang isa't isa. At iyon ang ipinamulat nila sa amin noong mga bata palang kami. Nakasunod lang ako kay Rowan. Para bang alam niya ang pasikot-sikot dito. Hanggang sa napadpad kami sa Banquet Hall ng Hotel na ito. Hindi agad kami makapasok dahil may mga security na nakabantay. Pansin ko na may engradeng kaganapan sa loob. Kumunot ang noo ko. Isang engagement party pala ang meron dito. Hindi ko alam kung bakit bigla ako ginapangan ng kaba sa mga sandali na ito. Kahit na narito lang kami ay tanaw namin kung ano nangyayari sa loob. Halos maestatwa ako nang makita ko kung sino ang nakaupo stage ng bulwagan na ito. Si Fabian, may katabi siyang babae na maputi, chinita, halataang model ito dahil sa ganda. Inilipat ko ang tingin ko sa kaliwa. Ang mga magulang ni Fabian na ngayon ay bakas sa mga mukha nila ang kalungkutan. Wait, ibig sabihin, engagement party ni Fabian ito?! H-how come? Sa pangalawang pagkakataon, nabasag na naman ako. Kahit wala naman nanakit sa akin ay pakiramdam ko ay binugbog ako. Pinagsasaksak ako ng ilang beses sa tagpo na ito. s "Aba't tarantado." bulalas ni River sa aking tabi. "Tang ina, ang gago." matigas na sambit ni Rowan. Akmang susugod sila sa loob pero inunahan ko sila. Pinigilan ko sila sa pamamagitan ng pagkahawak ko sa kanilang mga damit. Kahit na nakakaramdaman na ako ng panghihina ay pilit kong maging malakas sa harap nila. "Sarette..." nag-aalalang tawag sa akin ni Rowan. "Ate..." "Don't... Huwag tayo gagawa ng eksena..." mahina kong sabi sa kanila. "Pero kasal ka pa sa kaniya! Kasal siya sa iyo! Legal pa! Hindi mo ba poprotekatahan ang posisyon mo bilang legal niyang asawa?!" iritadong tanong ni River. "Wala rin namang saysay kung ipaglalaban ko pa ang posisyon na meron ako sa buhay niya. Kung malalaman ko lang na sa iba na pala siya magiging masaya." basag ang boses ko nang sabihin ko ang mga iyon. "Sarette..." Pilit akong ngumiti sa kanila. "Ang importante na sa akin ngayon ay ang anak ko. Aalagaan ko ang anak ko. Sa kanila ko ibubuhos ang pagmamahal na meron ako." kinuyom ko ang aking mga kamao. "Papalakihin ko siya nang mag-isa. Ipapakita ko na matatag ako. Na isang akong Hochengco. Na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa." kumawala na ang iilang butil ng luha at marahas iyon umagos sa aking pisngi. "Atsi..." "Sasabihin ko kina mama at baba na buntis ko. Na sasabihin sa kanila na kakayanin kong palakihin ang anak ko, kahit wala ang ama niya." "Pero papaano kung hihingi ng annulment si Fabian?" "Papahirapan ko siya, iyon ang ganti ko sa kaniya." tinalikuran ko na sila't pilit kong maglakad ng maayos hanggang sa marating ko ang labas ng Hotel. Huwag ka mag-alala, Fabian. Hinding hindi na ako magpapakita sa iyo. Hindi na kita aabalahin pa. Ang importante sa akin ngayon ay ang anak natin. Papalakihin ko ito nang mapagmahal. Hinding hindi siya magagalit sa iyo pero ako mismo, galit na sa iyo. Ako na mismo ang lalayo para sa ikakasaya mo...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD