chapter ten

2233 Words
Abala ako sa pagtitipa ng aking laptop dahil kausap ko ang isa sa mga magiging investor ng Grand & Empress Hotel. May mga natanggap din akong mga email pero hindi ko muna sinasagot dahil nakatambak pa ang mga gagawin pagkatapos ko kausap ang investor. Si Debbie naman ay abala nakikipag-usap sa telepono, siya muna ang pinapasagot ko ng mga incoming calls mula sa mga kliyente. Si Norah naman ay siya muna nag pinapunta ko sa Japan bilang representative ng meeting. Pagkatapos kong kausapin ang mga dapat kausapin ay isinandal ko ang aking likod sa leather chair saka kumawala ng isang malalim na buntong-hininga. Hinilot ko ang aking magkabilang sentido. Nakaupo man ako dito sa aking opisina ay para sa akin, nakapaproductive ko ngayong araw. Well, araw-araw naman. Kahit gustuhin man ako makausap ng mga kapatid o sina mama at baba ay hindi ko sila magawang kausapin dahil sa pagiging abala ko sa trabaho. Bumaling ako sa wall clock. Tumalikwas ang isang kilay ko. It's already six in the evening. Pinatay ko ang aking laptop at tumayo na. Isinuot ko ang aking coat at isinabit sa isang balikat ko ang leather sling bag. Dinaluhan ko ang pinto para makalabas na. Sakto ay nadatnan ko si Debbie na nagliligpit na ng kaniyang gamit. Nakakahiya man pero napaovertime siya tuloy dahil sa akin. Hindi bale, ititreat ko siya sa susunod. Hindi pa rin nawawala ang pagiging dedikasyon niya sa trabaho. Ramdam ko ang loyalty niya pati ni Norah. "Miss Sarette," alertong tawag niya sa akin nang makita niya akong lumabas na. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. "Sabay na tayong bumaba." aya ko sa kaniya. Tahimik lang siyang tumango at ngumiti na din. Kumawala na kami ng hakbang habang papalapit na kami sa elevator. "Natawagan mo na ba si Norah? How's the meeting going?" tanong ko. "Ay, good news po pala, pipirmahan na daw ng Masada Group ang kontrata, Miss Sarette." tuwang-tuwa niyang ibinalita sa akin iyon. Gumuhit ang pagkamangha sa aking mukha sa aking nalaman. "That's great. Sabihin mo sa kaniya, papunta na din ako ng Japan para mapirmahan ang kontrata." pahayag ko. Dahil alam ko na hindi pupwedeng pumirma si Norah ng kontrata, dapat ay naroon ako. Isa sa mga target namin ang kumpanya na iyon kaya malaking pasasalamat ko dahil nakuha namin ang deal sa kumpanya na iyon. Magiging isa sila sa malalaking investor ng Grand & Empress Hotel kung nagkataon. "Wait, susunduin ka ba ng asawa mo?" pag-iiba ko ng usapan. "Ah, opo. Sa katunayan po ay naghihintay na siya sa ibaba." tugon niya na hindi mawala ang tuwa sa kaniyang mga labi. Masaya ako para sa kaniya. Dahil alam ng asawa niya na sobrang demanding ang trabaho ni Debbie. Sobrang mahaba ang pasensya nito kaya heto, sila din ang nagkatuluyan. Binigyan ko sila ng regalo noon, bakasyon sa Balesin na iyon doon din ang honeymoon nila. Sobra sila nagpapasalamat sa regalong inihandog ko para sa kanila pero para sa akin, tingin ko ay kulang pa. Kulang pa sa ilang taon na nagtrabaho si Debbie sa akin. Hindi ko rin naman sila itinuring ni Norah na iba o basta empleyado. Naging kaibigan ko na rin sila. Alam kong sobra ding hirap ang naranasan nila sa noong nalaman nila kung ano ang totoo. Na nakikita nila akong umiiyak sa loob ng aking Opisina. Na halos hindi na ako makapagconcentrate sa trabaho. Na nagkakamali ako sa harap ng mga maraming investors, sa mga nagiging kilyente namin. Nalaman nila na kasal na ako kay Fabian Wu pero sa huli ay iniwan din ako. Hindi ko sukat-akalain na sobrang galit na galit si Norah dahil sinabi niya sa akin, hindi daw nila ako magawang saktan pero ang lalaking iyon pa ang may kakayahan na manakit sa akin. Pero si Debbie naman ay kalmado lang, wala akong narinig sa kaniya na kumento. Ang alam ko tungkol sa kaniya ay hindi siya basta-basta humuhusga ng tao. Inoobserbahan niya muna ito kung ano ang dahilan o pinaugatan ng sitwasyon. Paglabas namin ng elevator ay una akong luamabas bago siya. Nasa Basement na kami kung nasaan ang Parking Lot ng Hotel na ito. Natanaw namin ang asawa ni Debbie na nakangiti. Binati niya ako at nagpaalam na silang dalawa sa akin bago sila tuluyang umalis. Kumaway pa ako sa kanila at hinatid ng tingin. Nang nawala na sila sa aking paningin ay kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Binasa ng dila ko ang mga labi ko. Inayos ko ang suot kong coat at naglakad na patungo sa sasakyan. Binuksan ko pinto sa front seat. Bumaling sa akin ang lalaking nakaupo sa driver's seat. Alam kong kanina pa siya naghihintay sa pagbaba ko. "Sorry kung natagalan." malamig kong sambit habang kinakabit ko ang seatbelts sa akin. "It's okay." nakangiting usal niya. Binuhay niya ang makita at umaribas na ng takbo ang kaniyang sasakyan. "Paniguradong naghihintay na sila sa pagdating mo." "I know." nanatili pa ring malamig ang aking boses habang nakadungaw sa bintana. "Bago tayo makarating ng bahay, dumaan muna tayo ng fast food para may pampasalubong ako sa kanila." "Sure, Miss Sarette." Pinagmamasdan ko bawat nadadaanan namin. Patuloy lang sa pagmamaneho si Mirko. Pagkatapos kong masaksihan ang engagement party ni Fabian noon ay bigla naman sumulpot ang lalaking ito sa harap ng bahay namin. Panay hingi niya sa akin ng dispensa. Nagmamakaawa na patawarin ko siya. Nalaman din niyang kasal na ako at hindi daw niya talaga intensyon na manira ng isang relasyon. Kung alam daw niya sa una palang, lalayuan niya ako o kaya hindi na siya maglalakas-loob na umamin sa kaniyang nararamdaman para sa akin. Sa sitwasyon namin ngayon, I could say, we're good. Walang romantic feelings sa pagitan naming dalawa. Good friends, kumbaga. Sa paglipas ng ilang taon ay ibinigay ko sa kaniya ang isa pang tsansa upang pagkatiwalaan siya. ** Pagkatanggap namin ng pagkain sa drive thru ay nagpasya na kaming didiretso na sa bahay. Nagkukuwentuhan lang kami sa byahe. Tinatanong ko pa nga siya dahil baka magalit ang girlfriend niya dahil ako ang sinundo niya na imbis ang girlfriend niya. Pero sinabi niya sa akin ay nasa France ito ngayon at abala sa isang photoshoot. Alam din ng girlfriend niya tungkol sa akin. Ewan ko ba kung santa ba itong nobya niya dahil hindi man lang pinagbawalan si Mirko na makalapit sa akin. Instead, gusto daw ako makilala nito. Kaya sa pag-uwi daw nito sa Pilipinas ay aasahan niyang makilala daw ako nito sa personal. I don't mind it. Wala naman namamagitan sa amin ni Mirko, lalo na't focus ako sa ibang bagay. Tumigil ang sasakyan sa harap ng bahay. May lumabas na maid mula sa malaking bahay. Nauna ding lumabas si Mirko para pagbuksan ako ng pinto. Inaalalayan niya akong makalabas. Siya din ang nagdala ng mga pinamili naming pagkain, samantala ang maid naman ay siya ang nagdala ng mga gamit ko mula sa Opisina. "Nasaan sila, yaya?" tanong ko. "Nasa kuwarto na po nila, Miss Sarette." magalang na sagot ni yaya. "Kanina pa po nila kayo hinihintay." "I see. Thanks." mabilis akong naglakad patungo sa kuwarto na tinutukoy ng yaya, nakasunod lang sa akin si Mirko na hawak pa rin ang mga pagkain na pampasalubong ko. Hanggang sa nakarating kami sa tapat ng isang kuwarto. Sumilay ang maliit na ngiti sa aking mga labi. Sa totoo lang ay naeexcite akong makita sila. Hinawakan ko ang doorknob at pinihit iyon. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto at tumambad sa akin ang dalawang bata. Isa ay babae at ang isa naman ay lalaki. Masaya silang naglalaro ng luto-lutuan. Naputol lang iyon nang naramdaman nila ang presensya ko. Namilog ang mga mata nila nang makita nila ako. "Mama!" umaribas sila ng takbo palapit sa akin. Lumuhod ako sa sahig at sinalo ang kanilang yakap, sabay humalik sila sa magkabila kong pisngi. "Yehey! Nakauwi na si mama!" "Hey, kids." bati sa kanila ni Mirko. "Tito Mirko!" sabay nilang bulalas nang makita nila kung sino ang kasama ko. Sunod naman nilang nilapitan ito at yumakap sa magkabilang binti. "May pasalubong ka po para sa amin?" masayang tanong ni Geneva. "Actually, binili ng mommy ninyo ito." natatawang sagot ni Mirko sa kanila. "May spaghetti?" namimilog ang mga mata ni Genesis. "May french fries po?" sunod na tanong ni Geneva. "Of course, as your favorites." kahit ako ay natatawa. Hayy, nakakawala ng stress ang dalawang ito kahit ang kulit-kulit. Tumayo na ako at nakangiti habang pinagmamasdan ko ang dalawang bata sa aking harap. Hindi ko aakalain na magkakaroon ako ng kambal. Ipinadala ako nina mama at baba sa Amerika para doon magbuntis at manganak. Kasama ko ang pinsan ko na sina Verity at Vesna para may kasama ako sa bahay namin sa Amerika. Ang totoo niyan, triplets sila. Ipinangalan ko silang Genesis, Geneva at Genevieve. Ilang Ilang minuto pagkatapos kong ipinanganak si Genevieve ay binawian siya ng buhay. Sobrang lugmok ako ng mga oras na iyon. Hindi ko aakalain na kukunin sa akin ang isa ko pang anghel. Siyam na buwan ko silang dala-dala sa sinapupunan ko, inalagaan at iningatan ko sila nang husto. Sa tulong na din ng mga pamilya at halos ang buong angkan. Dahil ako ang unang nabuntis ay todo suporta ang ibinigay nila sa akin. Talagang pinatunayan sa akin kung ano ang sinasabi sa akin noon ni Rowan. Nagkamali man ako pero mamahalin pa ako lalo ng mga Hochengco. Kahit sa kinokonsidera ko ang sarili ko na isa akong disgrisyada. Kaya nang namatayan ako ng isang anak, hindi nila ako sinukuan. Mas pinatibay pa nila ang kalooban ko. Naalala ko pa ang sinabi ni baba, nawalan man ako ng isa, may dalawa pa. Oo nakakapanghinayang man pero kailangan kong maging ina sa dalawa ko pang anak. Kung kaya sina Genesis at Geneva na ang buhay ko. Tulad ng ipinangako ko, sa kanila ko ibubuhos ang pagmamahal na meron ako. Apat na taon nang nakalipas, nakaya kong palakihin sina Genesis at Geneva na hindi ko man kinakailangan ang tulong ni Fabian. Sa tingin ko naman ay masaya na siya kung nasaan man siya naroroon. Good thing is, hindi niya ako hinahanap o hinabol pa mula nang nakabalik na kami dito sa Pilipinas pagkatapos kong manganak ng mga oras na iyon. "Mama! Mama!" naputol ang pag-iisip ko nang tawagin ako ni Geneva. Bumaba ako ng tingin. Kusang umukit ang ngiti sa aking mga labi. Lumuhod ako sa harap niya para magkalebel kami ng tingin. "Dapat kain ka din, mama! Ang sarap po nito, oh!" sabay isinubo niya sa akin ang french fries. Ngumuwa ako at binigyan ko siya ng isang namamanghang tingin. "Oo nga, ano? Ang sarap nga!" bulalas ko. Lumapad ang kaniyang ngiti. "After po namin kain, papaliguan na po kami ni yaya." malambing niyang sabi. Ikinulong ng mga palad ko ang kaniyang mukha. Pinagmamasdan kong mabuti ang mukha ng aking anak. Isa ito sa nagpapatunay na anak nga siya ni Fabian. Dahil pareho sila ni Genesis na singkit ang mga mata. Maski ang matatangos nilang ilong, ay nakuha din nila sa kanilang ama. Sila ang nagpapaalala na sinaktan man ako ng kanilang ama pero pilit kong isiniksik sa aking isipan na wala silang kinalaman. Labas na sila sa galit ko sa kanilang ama. "Mama? Why are you crying? May nang-away po ba sa iyo?" Natigilan ako sa tanong ni Geneva. Hahawakan ko sana ang pisngi ko pero naunahan na ako ng anak ko. Siya ang nagpunas ng aking mga mata. "Geneva..." mahina kong tawag sa aking anak. "Huwag ka na cry, mama. Nandito po kami ni Genesis. We will protect you po." bumaling siya sa kaniyang kakambal na ngayon ay papalapit na sa amin. "Hindi ba, Genesis?" "Opo naman po!" masiglang tugon ng anak kong lalaki. Pareho nila akong niyakap nang sobrang higpit. Pumikit ako't ginantihan ko din sila ng yakap. Sobrang nagpapasalamat ako sa Panginoong Maykapal dahil biniyayaan nila ako ng mga anak na sobrang mapagmahal. "Kapag inaway ka po, sabihin mo po agad sa akin, mama. Lagot sa akin kung sino po ang nagpaiyak sa inyo." dagdag pa niya nang humiwalay na siya ng yakap sa akin. Huminga ako ng malalim. Tumingin ako sa kanila ng diretso sa kanila. "Masaya lang si mama kaya siya naiiyak." malambing kong sambit. "Kasi mayroon akong mga anak na sobrang love ako." "Love na love ka po namin, mama!" Naputol ang lambingan naming mag-iina nang biglang tumunog ang cellphone ko. Binitawan ko muna ang kambal saka dinukot ko muna ang telepono sa aking bulsa. Sinilip ko kung sino ang tumatawag. Gumuhit ang pagtataka sa aking mukha nang makita ko ang pangalan ni Verity bilang caller. Tumayo ako saka sinagot ang tawag. "Verity?" "Atsi Sarette! Finally!" bulalas niya. "Oh, bakit napatawag ka?" bahid sa boses ko ang pagtataka. "Uhm, sa makalawa na kasi ang birthday ni mama. Okay lang ba kung punta kayo dito? Celebration na din. Alam mo namang hindi pa pupwedeng magcelebrate si mama sa Pinas dahil sa trabaho niya. Pero kung busy ka, okay lang din naman. Miss na din kasi ni mama ang kambal..." Bumaling ako sa mga anak ko na abala pa rin sa kanilang pagkain at masayang nakikipagkwentuhan kay Mirko. "Sure, kinakailangan ko ding pumunta sa Tokyo para deal ko. Don't worry, isasama ko ang kambal." "Oh my! Yes! Excited na akong makita ang mga cute kong pamangkin." Ngumiti ako. "Para na din maipasyal ko din sila. Pero okay lang ba habang nasa trabaho ako, kayo muna ang magbantay sa kanila, kahit kasama ninyo ang mga yaya nila?" "Naku, atsi Sarette. Kami pa ba? Kasama mo kami ni Vesna sa pagbabantay habang nagbubuntis ka. Don't worry, kahit anong favor pa iyan , ayos na ayos sa amin." mas lalo siya nasiyahan. Ngumiti ako kahit hindi niya makita iyon. "Thanks, Verity." "Anything for you, atsi Sarette." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD