chapter eleven

2226 Words
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood ko ang magkambal na halos malula na dito sa loob ng Narita Airport. Ito ang unang beses na makarating sila ng Japan. Ito din ang unang beses na makakalabas sila ng ibang bansa. Mabuti nalang pala ay naasikaso ko na ang mga papel nila noon pa man kaya walang problema na maisasama ko sila sa ibang bansa kung sakaling may okasyon na tulad nito. Nakahawak ako sa kanilang kamay habang naglalakas kami palabas ng Airport. Nakasunod naman sa amin ang mga yaya nila na sila din ang nagdadala ng mga gamit namin. Iniwan ko muna si Debbie sa Grand & Empress Hotel na ibinilin ko sa kaniya na siya muna ang bahala sa mga iyon. Tumigil lang kami sa paglalakad nang natanaw namin si Norah na nakatayo sa tabi ng sasakyan. Yes, siya ang susundo sa amin dito. Dahil kilala siya ng mga anak ko ay bumitaw sa akin ang magkambal. Umaribas sila ng takbo patungo kay Norah para batiin at yakapin ito. Wala rin naman ako magagawa dahil ninang nila ito, ganoon din si Debbie. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi habang pinapanood ko sila na akala mo ilang taon na silang hindi nagkikita. Bakas sa mukha ni Norah na tuwang-tuawa nang makita niya ang magkambal. "Mabuti at isinama kayo ng mama ninyo." nakangiting sabi ni Norah sa mga bata. "Opo, ninang Norah! Gusto din daw kami makita nina angkong Vladimir at ahma Inez!" si Geneva ang sumagot. "Talaga?" "Opo, ninang! Excited na nga po kami na makita sila!" dagdag pa ni Genesis. "Norah, nakahanda na ba ang Hotel kung saan kami nag-iistay habang naririto kami sa Tokyo?" tanong ko. Tumayo siya at ngumiti sa akin. "Yes, Miss Sarette. Nakahanda na po ang pinareserved kong kuwarto para sa inyo. Isang kuwarto lang po ang kinuha ko dahil ang request ninyo ay makasama ang kambal sa magiging kuwarto ninyo, habang sa kuwarto ko naman magse-stay ang mga yaya nila." tugon niya saka sinilip niya ang kaniyang iPAD. "Bukas na po gaganapin ang pagpirma ng mga kontrata. Nakaready na po ang mga papeles pati ang mga kopya." Tumango ako na tila naitindihan ko ang ibig niyang sabihin. "Great. Alam nating pagod na ang mga bata, hindi lang nila pinapahalata. Ang mabuti pa, dumiretso na tayo sa hotel para makapagpahinga na." sabi ko. "Yes, Miss Sarette." binuksan niya ang pinto ng backseat ng kotse. Pumasok kami sa loob, habang ang mga yaya naman ng mga anak ko naman ay sa isang sasakyan naman sila nakasakay. Walang tigil ang daldalan nina Genesis at Geneva habang nakadungaw sila sa bintana. May mga tinatanong sila sa akin habang nakaturo siya sa mga nakikita nila sa labas. Sinasagot ko naman. Alam ko kasing hindi nila ako tiitgilan kapag hindi sasagutin ang tanong nila. Kapag nagsawa naman sila sa kakatanong ay maglalaro naman sila tulad ng jack en poy, kung sino daw ang matatalo, siya daw ang unang maliligo. Aba, mga bata pa, marunong nang makipagpustahan! Hindi ko malaman kung kanino sila nagmana sa pagiging ganyan nila. "Mama, narito na rin po ba sina tito Ri-ri at tito Ro-ro?" malambing na tanong ni Geneva, nakahilig siya sa akin. Napapagitnaan kasi nila akong dalawa. "Yes, actually, narito na ang mga tito at tita ninyo. Mamayang gabi, pupunta naman tayo sa bahay ng angkong Vladimir at ahma Inez ninyo. Okay na ba 'yon?" nakangiting sagot ko sa kanila. Mas lalo ko nabasa ang excitement sa kanilang mga mata. "Yehey! Makikita din po natin ang gerlpren ni tito Mir-mir?" sunod na tanong ni Geneva. "Uh-uh. Kaya be nice, okay? At anong bilin ko sa inyo bago tayo umalis ng Pilipinas?" ako naman ang nagtanong. "Huwag na huwag pong papasok sa mga kuwarto nila..." sabay nilang sagot. "Very good!" saka hinalikan ko sila sa buhokd. They just chuckled. ** Pagpasok namin sa suite ay mas excited pa kaysa sa akin na nakapasok ang kambal. Agad silang sumampang sa ibabaw ng kama at nagtatalon-talon silang dalawa doon. Naiiling-iling nalang ako sa ginagawa nila habang nangiti. Humakbang ako papasok. Dinaluhan ko ang leather couch at umupo doon. Tinanggal ko ang high heels at hinubad ang aking coat. Tinanggal ko din ang tali sa aking buhok. Pinalugay ko muna ito dahil maya-maya din any magsashower ako. Papaliguan ko din ang mga bata. "Be careful, baka mahulog kayo." paalala ko sa kanila. "Yes, mama!" sabay nilang sagot. "Neva, kung sino ang maraming naitalon, siya ang panalo!" rinig kong sabi ni Genesis. "Hindi ako matatalo, Esis!" humahagikgik naman na sagot ni Geneva. At ayan na nga, nagtalon-talon na silang dalawa sa sa ibabaw ng queen sized bed. Nakangiti lang akong nanonood sa kanila sa nilalaro nila. Hinahayaan ko lang sila maging hyper active nang ganyan para madali din sila makatulog. Sumagi sa isipan ko na kumuha ng mga damit pamalit nila sa oras na makaalis na kami at pupunta sa bahay nina tita Inez at tito Vlad. Nang ibinalik ko sa kanila ang tingin ko ay natigilan ako. Dahil nakita ko na bagsak na ang dalawa. Pinigilan kong matawa dahil sa hitsura nilang dalawa ay mukhang napagod na sila't nakatulog na. Si Geneva ay nakahilata habang si Genesis naman ay nakadapa habang natutulog. Kumawala ako ng buntong-hininga at nilapitan ko na sila. Maingat ko silang naigalaw. Magkatabi silang natutulog nang biglang kumapit sa akin nang mahigpit si Geneva. Natigilana ko sa kaniyang ginagawa. She's unconcious. Pero halos manigas ako sa pagyuko nang maisambit niya ang isang salita. "Papa..." she called softly. Ilang beses akong kumurap nang nasa ulirat na ako. Nakaawang ang aking bibig. Hindi ko inaasahan na masasambit ni Geneva ang mga salita na iyon sa unang pagkakataon. Alam ko buhat nang ipinanganak ko sila, ni minsan ay wala akong nababanggit sa kanila tungkol kay Fabian. Ni pangalan ay wala akong ibinigay. Oo, nakapadamot ko para malaman nila ang parte ng kanilang pagkatao---iyon ay ang kanilang ama. Fabian, lingid sa iyong kaalaman, may anak tayo. Dapat ay tatlo sila. Pero dalawa ang itinira sa akin. Dalawa ang ibinigay ng Panginoon. At kahit wala ka sa tabi namin, sinisikap kong maging ama't ina sa mga anak natin. Bukod pa doon, napagtanto ko kung ano ang pakiramdam ni mama noon habang single mom pa siya. Na tanging siya lang ang tumataguyod sa amin ni Rowan noon. Marahan kong inalis ang kamay ni Geneva mula sa pagkakapit niya sa akin. Hinawi ko ang kaniyang buhok at idinampi ko ang aking mga labi sa kaniyang noo, ganoon din kay Genesis. Tinititigan ko silang dalawa. "Palagi ninyong tatandaan, mahal na mahal ko kayo." pahayag ko sa maliit na tinig bago ako tuluyang nakalayo sa kanila. I'm so sorry, Genesis... Geneva... ** Laking tuwa ng mga kamag-anakan ko nang makita nilang kasama ko ang kambal. Sabay sila binati ng mga anak ko habang nagbow pa. Dumiretso kami sa Salas para mag-usap at magkwentuhan. Hinahayaan ko naman na maglaro ang mga bata. O hindi kaya ay pupuntahan nila si tita Inez para makipagkwentuhan. Pansin ko lang, hindi pa yata nagpapakita ang girlfriend ni Zvonimir na si Lyndy Yudatco. Ang sabi, hindi daw ito nakakapagsalita, kahit na ito nalang ang tanging tagapagmana ng angkan nila. Isang beses ko lang siya nakita, noong engagement party nila ni Zvonimir. Naputol ang pag-uusap naming magpipinsan nang biglang umaribas ng takbo ang mga anak ko palapit sa akin. Sabay nila akong tinawagan. Nakasunod sa kanila ang isang pamilyar na babae-si Lyndy Yudatco, mukhang nakikipaglaro siya sa mga bata nang habolh-habulan. That was a lil bit suprise. "Mama! Mama! Nakita namin may dugo sa higaan ni tito Mir-Mir! Pagalingin po natin si tita, mama! Baka malaki po ang sugat niya! Malakas na sabi ni Geneva sabay turo niya kay Lyndy Yudatco. "Dugo?" nagtatakang ulit ko sa sumbong nga mga bata. Tumingin ako sa kaniya, pinag-aaralan ko kung nasaan ang sinasabi nilang may sugat. Mukhang wala naman, she looks fine. Hindi naman siya mukhang naaksidente o ano. Mukhang alam ko na ang ibig ipahiwatig ng mga batang ito. Kung ano ang dugo ang tinutukoy nila. "Dugo?" segunda pa ni Vesna na nagpupumigil ng tawa. Maski ako ay pinipigilan ko din matawa. Bumaling ako sa dalawang bata. "Genesis, Geneva... Hindi ba ang bilin ko, huwag na huwag kayong papasok nang basta-basta sa kuwarto ng mga tito at tita ninyo?" malumanay kong suway sa kanila. Yumuko sila pareho. "Sorry, mama." Dumako ang tingin ko kay Lyndy Yu. Ngumiwi ako. "Sorry, Lyndy kung napagtripan ka ng kambal ko." tumigil ako saglit ng ilang segundo. s**t, hindi ko na yata kaya na hindi tumawa. "Pati na rin sa panlalaglag nila..." ngumisi ako. Oh, damn it. Alam kong hiyang-hiya siya sa nangyari. Nabuko siya ng kambal. Walanghiyang, Zvonimir. Bakit kasi hindi naglalock ng pinto ng kuwarto? Mabuti nalang nakabihis na ang fiancee niya! Kahit sa mismong birthday party, hindi tinantanan ng kambal kung anong nanyari kanina. Good thing is, wala ang dalawa dahil paniguradong mahihiya na naman si Lyndy. "Tito Ro-ro!" tawag ni Genesis. "Tito Ri-ri!" si Geneva. Sabay silang lumapit sa mga tiyuhin nila na kasalukuyang nag-iihaw ng mga isda at karne. Nakuha ng mga bata ang atensyon ng mga ito. Ako naman ay nanonood habang nakaupo sa bench. May hawak akong wine flute na may lamang red wine. "Yes?" Umupo si Geneva sa tabi ni River. "Nakita po namin, nasugatan ang gelpren ni tito Mir-mir! Marami pong dugo." sadyang matinis talaga ang boses ng anak kong ito. "Akala nga po namin patay na siya! Marami pong blood ang nawala sa kaniya!" dagdag pa ni Genesis talagang inexagge pa niya ang actions niya para kungwari napaniwala niya kami. Hindi namin napigilang humagalpak ng tawa nang magpipinsan sa pagkukwento ng mga bata. Sina River at Rowan ay nag-apiran pa habang natatawa. Ang kambal naman ay bakas sa mga mukha nila ang pagtataka dahil sa reaksyon namin. Nagtanong si Geneva kung bakit kami natatawa pero ang sagot sa kaniya ni River ay kapag nagdalaga at nagbinata na ang mag ito, malalaman din nila ang dahilan. Nagkatinginan ang magkambal. Hndi pa rin nila gets ang nangyayari. "Masyado pa kayong mga baby, Geneva, Genesis. Kapag malaki na kayo, malalaman ninyo din. Huwag lang magmadali." nakangising sabi sa kanila ni Ruslan. "Pero alam ninyo kung bakit nadugo?" "Bakit po?" nagtataka pa rin si Geneva, itinagilid niya ang kaniyang ulo. "Ibig sabihin, may nagmamay-ari na sa iyo." ** Masaya ako nakipagkamay sa CEO ng Masada Group. Natapos na namin napirmahan ang mga kontrata. Sa wakas, makakapag-invest na sila sa amin. Makukuha pa namin ang suporta nila para maipalago ko pa ang Grand & Empress Hotel. Hindi na ako makapaghintay kung ano ang mga magandang progess ng negosyo kung sakali. Kumsabagay, nasabi din sa akin ng CEO na matagal na din niya gustong mag-invest sa amin, hindi lang daw siya nabigyan ng pagkakataon. Masaya ako sa nalaman ko. At ngayon ay sisiguraduhin kong hinding hindi sila magsisisi na lumapit sila sa amin. Nang nakapagpaalam na kami sa isa't isa ay nagpasya ko nang bumalik sa Hotel para magbihis. Kahit simpleng tshirt at jeans lang ay sapat na iyon. Dahil nangako ako sa kambal na ipapasyal ko sila. Susunduin ko pa sila sa bahay nina tita Inez dahil naroon sila at kasalukuyan silang binabantayan ng mag tiyahin nila. Bago man kami pumasok sa loob ng kotse ay bigla kong naramdman na nagvibrate ang cellphone ko. Tumigil ako saglit para silipin kung sino ang tumatawag, Kumunot ang noo ko nang makita ko ang pangalan ni Verity. Agad ko din iyon sinagot. "Bakit, Verity?" bungad ko sa kaniya. Marahas siyang kumawala ng buntong-hininga. "You should go back here as soon as possible, atsi. Alam kong hindi ka maniniwala kapag nalaman mo ito." Bigla ako ginapangan ng kaba at takot sa sinabi niya. "What do you mean? May nangyari ba sa kambal? Napahamak ba sila? Ano?" I can sense her frustration at this moment. "Atsi, narito din si Fabian Wu. Narito din siya sa Tokyo. Ang malala pa... Nagkrus ang mga landas nila ng kambal!" bulalas niya. Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Muntik ko pang mabitawan ang aking telepono sa aking narinig. "A-anong..." naguguluhan ako bigla. Hindi ko alam kung ano ang susunod kong sasabihin. "Galing kaming convenience store dahil gusto ng chocolates ng kambal, then... Habang pabalik na kami ng bahay, nakasalubong namin siya! Bago man kami umiwas ay naunahan na niya ako! Itinanong niya kung anak ko ba ang kambal..." "T-then?" halos hindi na ako makahinga. "Sinabi kong akin sila, atsi. Para safe. Pero kitang kita ko na hindi siya kuntento sa sagot ko. Mukhang natunugan niya na nagsisinungaling ako, atsi. Please, pumunta ka na dito...." natatakot na din siya. Alam niyang inilalayo ko ang mga bata sa mga Wu. "Magbobook ako ng flight para makauwi na kayo-" hindi ko na nasundan pa ang sunod niyang sasabihin. "Ako na ang bahala. Let's talk later, Verity. Susunduin ko na ang mga bata d'yan." saka binaba ko na ang tawag. Humarap ako kay Norah na ngayon ay naguguluhan sa nangyayari. "Nagpaparamdam na si Fabian. Narito daw siya sa Tokyo. Book a flight, uuwi din kami ngayon ng Pilipinas. I'm counting on you." "Y-yes, Miss Sarette." Mabilis kong dinaluhan ang sasakyan. Minadali ko ang driver na bilisan niya na makarating kami sa bahay ng mga Hochengco para mabilis din ang pag-alis naming mag-iina. Hinding hindi ko ipapakita sa iyo ang mga anak mo, Fabian. Hinding hindi ka nila pupwede makilala bilang ama nila. Ayokong malaman na may mga anak ka sa akin. May asawa ka na, at ayokong maging anak mo sa labas ang mga anak ko! Kahit kailan, hinding hindi sila magiging Wu, noon pa man, buhat iniluwal ko sila sa mundong ito, ipinangako ko na maging Hochengco sila. Madamot na kung madamot, pero ipinagkait mo din sa akin ang pagkakataon na magpaliwanag sa iyo noon pa man!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD