Nang tumigil na ang sasakyan sa harap ng bahay nina tito Vlad at tita Inez ay nagmamadali akong bumaba. Dinaluhan ko ang gate at pinindot ang doorbell nang ilang ulit. Tumigil lang ako nang may nagbukas ng pinto ng bahay. Si Verity ang lumabas mula doon. Nang makita niya ako ay mabilis niyang dinaluhan ang gate para pagbuksan ako. Nagmamadali kaming pumasok sa loob ng bahay nila. Nadatnan ko ang mga anak ko na abala sa panonood ng anime, kahit hindi nila naiitindihan ang mga pinagsasabi mula doon. Nagpasya kami ng pinsan ko na lumayo nang bahagya mula sa kanila, mabuti nalang ay hindi nila natunugan ang presensya ko dahil seryoso ang pag-uusap namin ni Verity.
"Atsi," kinakabahan na tawag sa akin ng pinsan ko. Masasabi ko iyon dahil sa ekspresyon ng kaniyang mukha at medyo nanginginig ang kaniyang boses. "Nakapagbook na ba kayo ng flight?"
Niyakap ko ang aking sarili sabay baling sa mga bata na abala pa rin sa kanilang pinapanood. "Nautusan ko na si Norah na asikasuhin ang flight. Ngayong araw, aalis na kami. Nasabihan ko na din ang mga yaya nila na mauna na silang umalis dito sa Japan patungong Pilipinas. Sa gayon, kahit kaming tatlo nalang ang susunod..." paliwanag ko. Tumigil ako ng ilang segundo. Damn it, hindi ko inasahan na makita ni Fabian ang mga anak ko. Sa puntong ito, parang kakapusin ako ng hininga. Kahit na magtatagu-taguan kami ni Fabian, wala akong pakialam. Hinding hindi ako makakapayag na makalapit siya sa mga anak ko. At gagawa ako ng paraan upang hindi na ulit magkrus ang mga landas nila! "Bakit pa siya bumalik kung kailan tahimik na ang buhay ko?" matigas kong sambit ngunit pilit ko iyon hinaan. Bumaling ako kay Verity.
"Wala akong ideya, atsi. Ang importante ngayon, nasa iyo pa ang mga bata. Kailangan ninyo nang umalis dito bago man niya kayo maabutan. Kilala mo ang pamilyang pinanggalingan niya, kapantay niya ang kapangyarihan na meron tayo. Makukuha nila ang mga gusto nila sa isang iglap lang."
"Hinding hindi ako natatakot sa kaniya, Verity. Ang galit ko ang nakakapagpalakas sa akin ngayon." seryoso kong sabi. Bumaling ako sa mga anak ko. "Mananatiling Hochengco lang ang mga anak ko. Mga Ho sila at hindi sila pupwedeng maging Wu."
Pagkatapos namin mag-usap ni Verity ay nilapitan ko na ang kambal. Alam kong nabigla ko sila dahil sa sinabi ko sa kanila na kinakailangan na naming umalis ng Japan. At kinakailangan na naming makarating ng Narita Airport kung saan naghihintay sa amin si Norah dahil siya ang pinaasikaso ko ang mga kailangan para sa flight namin. Mabuti nalang ay may mga dala akong damit ng kambal dito sa bahay nina Verity kaya naman hindi ako mahihirapan na bihisan sila. Panay tanong sa akin nina Genesis at Geneva kung bakit kami nagmamadali, ang palusot ko, may naiwan akong trabho sa Pilipinas at importante iyon. Sa gayon ay mas madali kami makaalis sa lugar na ito. Dahil kung hindi ko sasagutin agad ang mga tanong nila, tiyak matatagalan ko makukumbinsi ang mga ito na sumama sa akin pauwi.
Ilang beses na ako nagdadasal sa pamamagitan ng isipan ko na sana hindi kami magtagpo ni Fabian. Huwag na huwag. Oh s**t, nahihisterikal na ako! Kung anu-anong mga negatibong bagay na ang pumapasok sa isipan ko. Natatakot ako na baka dumating sa punto na kunin niya sa akin ang mga anak ko. Noon ay nagawa niyang kunin sa akin ang kumpaniya, papaano pa kaya ang mga anak ko?!
Hanggang sa lumapag ang eroplano sa Pilipinas. Ang alam ko ay tinatawagan na ni Norah si Debbie tungkol sa nangyari kung kaya susunduin niya kami at ihahatid sa Cavite kung saan man kami didiretso. Tingin ko kasi, doon ay magiging panatag ang kalooban ko. Iiwan ko muna sila kina baba't mama. Alam kong hindi nila mapapabayaan ang mga anak ko. Sana talaga...
**
Tagumpay kaming nakarating sa Ancestral House. Sinalubong kami ng mga maid sa aming pagdating. Agad ko itinanong sa kanila kung nasaan sina mama at baba, ang sagot nila sa akin ay nasa veranda ang mga ito. Dumiretso kaming tatlo doon, si Debbie naman ay kasalukuyang nasa labas ng bahay ay hinihintay ang pagbabalik ko.
"Ahma! Angkong!" masayang tawag ng kambal habang papalapit sila mga magulang ko.
Umukit ang kasiyahan sa mga mukha nina mama at baba sa biglaan naming pagbisita dito sa Ancestral House. Niyakap ni mama si Geneva habang binuhat naman ni baba si Genesis. Humakbang ako palapit sa kanila, binigyan ko sila ng maliit na ngiti. Sa pagkaalam ko ay agad din sila umuwi dito sa Pilipinas pagkatapos ang birthday ni tita Inez dahil may aasikasuhin si baba na meeting sa Taiwan.
"Angkong, maglalaro po muna kami sa Garden!" galak na galak na paalam ni Geneva sa kanila.
"Oh sige," nakangiting sagot ni mama. Ibinaba din naman ni baba si Genesis. Hinatid lang namin ng tingin ang dalawang bata habang umaribas sila ng takbo patungo sa Garden. Nagkatinginan kaming tatlo. Bakas sa mga mukha na ni mama at baba ang kaseryosohan. "Anong nangyari, anak?" nag-aalalang tanong ni mama sa akin.
Humigpit ang pagkahawak ko sa strap ng aking sling bag. Lumunok ako bago man ako sumagot, "Nagparamdam na siya. Si Fabian." seryoso kong saad.
Natigilan si mama, si baba naman ay kalmado pa rin ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Para bang inaasahan na niyang mangyari ito. "Anong gagawin mo na ngayon, Sarette?" tanong ni baba. "Huwag mo sanang mamasamain pero may karapatan pa rin si Fabian sa mga bata lalo na't kasal pa kayong dalawa."
"Alam ko po, pero... Matindi pa rin ang galit ko sa kaniya. Masakit pa rin ang ginawa niya, baba. Kaya gagawin ko ang lahat para hindi siya tuluyang makalapit sa mga anak ko."
"Sarette..." mama called me. Humakbang siya palapit sa akin. "Hindi kita masisisi kung bakit ganyan ka, pero ayaw mo bang... Bigyan siya ng pagkakaton? Pagkakataon na... Maging ama sa mga anak mo."
"Sa mahabang panahon na nag-iisa ako, ni minsan, hindi sumagi sa isipan ko na humingi ng tulong sa kaniya, mama. Ni singkong duling, wala akong hiningi para matustusan ko ang mga pangangailangan ng mga anak ko." tumitig ako kay mama. "Natatakot ako na baka kunin niya sa akin ang kambal... Na ako ang mismong nagpalaki sa kanila... Natatakok po ako..." halos mabasag na ang boses ko nang sambitin ko ang mga katagang iyon.
"Anak..."
"My children make my life worth living, mama. I can't lose them... Not, ever."
"We understand," biglang sabi ni baba. Tinapik niya ang isang balikat ko. Sa kaniya naman ako tumingin. "I know you're f*****g mad for what he have done in the past, but children are a blessing, Sarette. Not a weapon to use against their father."
"Baba..."
Binawi niya ang kaniyang kamay. "No parents can be perfect, Sarette. If you given him a chance, and try to make a perfect relationship with his children, that would be priceless and amazing as ever." marahan niya akong niyakap. "Children needs love. Isipin mo ang naging kalagayan mo noong mga bata palang kayo ni Rowan."
"Finlay..." tawag naman ni mama sa kaniya.
Dahan-dahan kumalas ng yakap sa akin si baba. He gently pat my head. "Hindi ba, hinahanap mo din ako noon? Kayo ni Rowan? Hindi ba, mas maganda kung maging maayos na kayong dalawa ni Fabian? Alam mo kung anong sikreto namin ng mama mo? Paliwanag at pag-itindi." nagbuntong-hininga siya. "Pero, kung hindi mo pa kaya, naiitindihan namin."
"Baba..." hindi ko na mapigilan mapaluha sa mga sinabi niya.
Si mama naman ang lumapit sa akin saka niyakap ako. Marahan niyang hinagod ang aking likod. "Natatandaan ninyo pa ba kung anong itinuro ko sa inyong magkakapatid? Family where life begins and loves never ends. Keep that in mind, anak." mahina niyang sabi.
Pumikit ako ng mariin at niyakap ko din siya pabalik. Isiniksik ko ang aking mukha sa pagitan ng kaniyang panga at balikat. Hindi ko alam kung deserved ko ba ang ganitong pagmamahal? Kahit galit na sila, mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal sa kanila. Pero ako, puro galit ang pinapairal ko.
"Hala! Angkong! Bakit po naiyak si mama?!" rinig kong boses ni Geneva. Kumalas ako mula sa pagkayakap ko kay mama. Bumaling kami sa kambal. "Hala ka po, angkong... Inaway mo po si mama..." pananakot pa niya.
Natawa naman si baba. Kahit kami ay natatawa.
"Kami din po, pahug!" sabat ni Gensis sabay yakap sa akin.
"Ang daya! Dapat ako din may hug! Sali po akoooo!" segunda pa ni Geneva, sabay yakap din sa akin.
Kung kanina, nalulungkot ako, dahil lang sa dalawang batang ito, nagagawa nila ako pasiyahin sa simpleng kilos at salita lang.
**
Taas-noo akong naglalakad sa Lobby ng Grand & Empress Hotel. Nakasabit sa isang braso ko ang aking handbag. Nakasunod lang sa aking likuran sina Debbie at Norah.
Hanggang sa nakarating na kami sa Opisina ko. Naghabilin ako sa kanila kung ano ang mga gagawin ngayong araw dahil paniguradong marami kaming gagawin. Wala kaming oras ngayon upang tumunganga. Nagpatimpla na din ako ng kape at ihahatid nalang sa Opisina ko.
Humakbang na ako sa pinto ng Opisina. Itinulak ko ang pinto at nakapasok. Didiretso na ako sa desk nang natigilan ako. Halos mabato ako sa kinakatayuan ko nang makita ko ang bulto ng isang lalaki sa harap ko. Nakatalikod siya sa akin nasa likuran niya ang kaniyang mga kamay. Nang maramdaman niya ang aking presensya ay dahan-dahan siyang humarap sa akin. Seryoso at malamig na tingin ang iginawad niya sa akin. Kusang bumilis ang t***k ng aking puso dahil sa hindi inaasahang bisita. He's lil bit matured, after all these years.
"F-Fabian..." nanghihinang tawag ko sa kaniya. "W-what are you doing here?" Damn, Sarette! Huwag na huwag mong ipapakita sa kaniya na mahina ka!
Sumilay ang isang mala-demonyong ngiti sa kaniyang mga labi. "It's nice to be back, Sarette." bakit bigla ako natakot sa tono ng kaniyang pananalita? "So, how are you?"
Umigting ang aking panga. Kahit na kinakapos na ako ng hininga sa tagpo naming ito, pilit ko pa rin maging matatag sa harap niya. "Umalis ka na dito, Fabian." mariin kong sambit.
Gumalaw siya at humakbang siya palapit sa akin. Hanggang sa harap ko na siya. Ngunit, hindi pa rin maalis ang mala-demonyo niyang ngisi. "I'm sorry but I can't. You don't missed me?"
Sunod ay kinuyom ko ang aking mga kamao. Nanginginig na ang mga ito dahil bumubuhay ang galit sa aking sistema. Maging matatag ka, Sarette! "I don't need you, Fabian. Utang na loob, umalis ka na."
He chuckled. "Uh-ah. But the place named Hell were actually full. So I came back." he said.
I rolled my eyes. Humakbang ako upang lagpasan siya pero bigla niyang nahuli ang aking braso. Dahil sa umaalab ang pinaghalong galit at poot sa aking sistema ay nagawa kong kumawala doon. "Don't ever dare to touch me, Mr. Wu!" hindi ko mapigilang bulyawan siya. "Ano ba talaga ang kailangan mo? Pwede ba, tantanan mo na ako?!"
Umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Naging seryoso na ito at tumalim ang tingin niya sa akin. "My kids, Sarette. I need my kids." matigas niyang sambit.
Natigilan ako ngunit, nanatili akong nakatingin nang diretso sa kaniyang mga mata. Oo, aminado ako, nakakatakot siya. Lalo na't napapansin ko ang madidilim niyang tingin sa akin. I was like, ang laki ng kasalanan ko sa kaniya! Pero anong sabi niya? Kailangan niya ang mga anak ko?! Papaano niya nasisigurong may anak kami? How dare him! Talagang sinabi niya na sa kaniya eh siya ang unang nang-iwan?! "You can't take away my children from me, Fabian. Ako muna ang harapin mo." mariin kong pahayag.
I could feel the tension and rage in this room! s**t.
"Of course, and this is will be the deadliest game between us." mas sumeryoso ang kaniyang boses.
Naniningkit ang mga mata ko. "Anong laro ang ibig mong sabihin?"
"Custody, Sarette. I need my children's custody."
Mas lalo ako nagngingitngit sa galit. "Ang kapal ng mukha mo, pagkatapos mo akong iwan at nagpakasal ka sa iba, hihingin mo naman ngayon ay kustodiya ng mga anak ko? Mga Hochengco sila, Fabian. At kahit kailan, hinding hindi sila mapupunta sa iyo. Oo, dugo't laman mo din ang nanalaytay sa katawan nila pero hanggang doon ka lang. They will never be a Wu, they will never be part of your family. They will never acknowledge you as their father. Dahil ikaw mismo ang tumalikod sa kanila." taas-noo ko siyang tiningnan. "I'm gladly accept your challenge, Mr. Fabian Wu. Hinding hindi kitauurungan. I will fight for my children and no one, nothing, even you will stop me from protecting them."
He grinned. Tumango siya na parang kampante siya sa sitwasyon. Nagpamulsa siya't tinalikuran na niya ako. Hinatid ko lang siya ng tingin hanggang sa nakalabas na siya dito sa Opisina. Papasok sana si Debbie na may hawak na tasa ng kape, nagulat din siya dahil nakasalubong niya si Fabian.
"Miss Sarette..." tawag niya sa akin na may pag-aalala sa kaniya mukha.
Hinagis ko ang handbag ko sa couch. Inabot ko ang tasa ng kape at humarap kay Debbie. "Call Aaron Ho, asked him if he's available. Kailangan ko siyang makausap. ASAP."
"R-right away po, Miss Sarette."
Humarap ako sa desk. Kinagat ko ang aking labi. Matalim akong tumingin sa bintana. Kaya mo ito, Sarette. Ipaglaban mo ang karapatan mo sa mga anak mo.
"Wala nang atrasan ito, Geneva, Genesis... I'm so sorry but I have to do this. I need to fight for my rights."
Dahil kayo ang buhay ko.