"Here," alok sa akin ni Aaron ng isang baso ng juice. Tinanggap ko iyon na siya naman ang pag-upo niya sa tapat ko.
Alam kong nabigla ko siya sa pagdalaw ko dito sa Opisina niya. Wala na akong ibang malalapitan. Siya lang ang kilala ko pagdating sa ganitong bagay. Aaron, tito Archie and tita Jaycelle's son is a family lawyer. Bukod sa divorce, he even specialized in adoption, and custody. Kaya alam kong matutulungan niya ako sa problema na kinahaharap ko ngayon.
"So... What brings you here, atsi?" pormal niyang tanong sa akin pero naroon pa rin ang pagtataka sa tono ng boses niya.
Seryoso akong tumingin sa kaniya. "He's back, Aaron. Si Fabian Wu." diretsahan kong tugon. Umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "And he wants my children's custody. Gusto niyang kunin ang mga ito." dagdag ko pa. Ipinatong ko ang baso sa mababang mesa. Umiiling-iling ako. "Hindi ko na alam, Aaron... Hindi ko na alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya... Natatakot ako... Natatakot ako dahil baka kunin niya sa akin ang mga anak ko, lalo na't kasal pa kami. Shit." pumikit ako ng mariin.
Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Wala ka naman dapat katakutan, atsi. Lalo na't wala pang pitong taong gulang ang kambal." kumento niya. Tumingin ako sa kaniya. "Malaki ang laban mo sa kaniya. Ang problema nga lang, parehong legitimate ang mga anak ninyo ni Fabian. Pero ang problema naman ay nakasulat ang pangalan niya sa birth certificate ng kambal na pupwede din gawing ebidensya sa korte iyon. Base sa sinabi mo, gusto niyang kunin ang kambal. I guess, he will process some papers regarding sole custody, ibig sabiin, si Fabian ang kikilalaning guardian ng kambal, iyon ay kung mananalo siya sa kaso." he expalained. Marahas siyang kumawala ng buntong-hininga. "Kailangan mo siyang makausap, atsi. Pakiusapan mong joint custody ang ipoproseso ninyo, sa gayon ay hindi ka mawawalan ng karapatan sa bata. Ang pinakaibahan nga lang, pareho kayong may karapatan sa mga bata. Sa parte nga lang ni Fabian, mabibisita niya ang bata sa mga oras o araw na pag-uusapan ninyo."
Natahimik ako saglit sa naging paliwanag ng pinsan ko. Parang akong kakapusin ng hininga. "Alam mong sagad sa buto ang galit ko sa kaniya, Aaron." mahina kong pahayag.
"Naiitindihan ko ang sentimento mo, atsi. Pareho pa naman kayong financially stable, parehong kilala sa business world ang pangalan ng angkan na pinanggalingan ninyo ni Fabian. Okay sana kung wala siyang permanenteng trabaho, malaki talaga ang laban mo sa kaniya. Pero..." tumigil siya ng ilang segundo.
Tumingin ako sa kaniya. Inaabangan ang susunod niyang sasabihin.
"Napapansin kong handa ninyong lutsayin ang mga pera ninyo para sa gusto ninyo." isinandal niya ang kaniyang likod sa mahabang couch. "Mag-usap muna kayong dalawa bago ninyo iusad ang kaso. Kahit pag-usapan ninyo muna ang mga terms and agreement, isama mo na din ang magiging sustento niya sa kambal."
Umawang ang bibig ko. "Ibig sabihin, hahayaan kong makalapit siya sa mga anak ko?"
"Kung ayaw mong tuluyang mailayo sa iyo sina Genesis at Geneva, bakit hindi? That will be the best option." mas sumeryoso ang kaniyang mukha. "Hindi mo ba napapansin na hinahanap na ng kambal ang kanilang ama?"
Nanatili akong nakatitig sa pinsan ko, pero ramdam ko na pinipiga ang puso ko. "A-anong ibig mong sabihin?" sinikap kong tanungin iyon.
"Habang nasa trabaho ka, alam naman nating nakakasama ng angkan ang kambal. Tinatanong nila kami kung nasaan ang tatay nila? Bakit hindi daw nila ito nakikita? Saan ito nagpunta? Kamusta na kaya siya?" dagdag pa niya. "Kami, kapamilya mo lang kami, pero wala kami sa lugar upang sagutin ang mga mabibigat na tanong ng mga bata. Dahil ikaw ang nanay nila. Ikaw ang may karapatan sagutin ang mga tanong nila. Hindi ko naman sinasabi na pumapanig ako sa mga Wu, pero hindi mo ba nakikita ang sarili mo kay Geneva?"
Kumurap ako nang marinig ko ang huling tanong ni Aaron.
"Ang totoo niyan, matagal ang proseso ng kaso na ito, kilala natin ang mga Wu, kapag gugustuhin nila, gagawa sila ng paraan. Sa oras na makaharap mo ulit si Fabian, kailangan ninyo nang magkaayos dahil ang hindi kayong dalawa ang nasasaktan. Ang kambal. Sila ang naiipit sa sitwasyon na ito. Huwag ka nang makipagtagu-taguan sa kaniya. Harapin mo ang katotohanan, atsi. Isipin mo, hindi para sa iyo ito, para sa mga anak mo."
Pagkatapos ko kausapin si Aaron ay nagpasya na akong umalis at nanatili muna ako sa kotse. Gagawin ko ang payo niya. Kaya hiningi ko na din kay Debbie ang address ng gusali kung nasaan si Fabian ngayon dahil ako na mismo ang pupunta sa kaniya! Kailangan kong mag-isip ng paraan kung papaano ko mahaharap si Fabian. Damn it, sa buong buhay ko, makikiusap ako sa kaniya na maging joint custody nalang ang gagawin niya, huwag niyang ipagdamot sa akin ang mga anak ko. Ang sakit lang isipin na ako ang naghirap sa pagbubuntis hanggang sa pagpapalaki ko sa kambal, sa isang iglap, susulpot ang lalaking iyon at humihingi ng karapatan! Anong akala niya sa mga anak ko? Bagay na kinakailangan may kashare, ganoon?!
Naputol ang pag-iisip ko nang nagvibrate ang cellphone ko sa dashboard. Agad ko iyon kinuha. Isang text message galing kay Debbie. Nakasaad sa mensahe niya kung saan ko mapupuntahan si Fabian Wu. Ibinalik ko ang cellphone ko sa dashboard. Umigiting ang aking panga, mas humigpit ang pagkahawak ko sa manibela. Tinapakan ko ang gas pedal at humarurot ako ng takbo palayo sa Law Firm kung saan nagtatrabaho si Aaron.
**
Tumingin ako sa matayog na building ng mga Wu sa pamamagitan ng windshield. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Agad ko inabot ang handbag ko. Lumabas ako mula sa aking sasakyan at naglakad patungo sa entrance ng building. Dumiretso ako sa front desk upang magtanong.
"Good day, Ma'm. Welcome to Esquivel Group. What can I do for you?" pormal na bati sa akin ng receptionist.
"Good afternoon, I'm Sarette Hochengco, I wanna know if Fabian Wu is available at this moment?" balik-pormal kong sabi.
Tila namangha siya nang ipinakilala ko ang aking sarili sa kaniya. Hindi na ako nagtataka. " Yes, Ms. Hochengco, the CEO is already came back on his office. Do you have any appointment?" magalang niyang tanong.
Hilaw akong ngumiti. "Actually, I don't any appoinment. This is just a suprise visit."
Tumango siya. "Tatawagan ko lang po ang secretary ni Mr. Wu." nakangiting sabi niya saka idinikit niya ang telepono sa kaniyang tainga. Sumang-ayon naman ako at naghintay. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Mukhang abala din ang mga tao dito. "Miss Hochengco, pupwede na po kayong dumiretso sa 70th floor. The CEO is already expecting you."
Ngumiti ako at tumango. "Thank you." umalis na ako sa harap ng front desk. Dumiretso na ako sa elevator. Pinindot ko ang 70th floor na tinutukoy ng receptionist, kung nasaan ang Opisina ni Fabian. Pilit ko kinakalma ang aking sistema habang nasa loob ako ng naturang elevator. Hindi ako makapaniwala, nakatapak ako sa gusali ng lalaking iyon! Kung hindi lang dahil sa mga anak ko, wala ako sa lugar na ito! Eh di sana, tahimik ang buhay naming mag-iina!
Nang tumunog na ang elevator ay lumabas na ako. Pansin ko ang nag-iisang pinto. Wala rin akong nakitang tao. Basta ang sahig ng palapag na ito ay nababalutan ng dark red carpet. Malawak din ang hallway patungo sa pinto na iyon. Hanggang nasa harap ko na ito. Kumatok ng tatlong beses. Narinig ko ang boses ni Fabian mula sa loob. Inuutusan na maaari akong makapasok. Pinihit ko ang doorknob at dahan-dahan ko itong itinulak.
Tumambad sa akin ang malawaka na Opisina.Wala gaanong kagamitan dito. Pero pansin ko ang isang pinto pero wala akong ideya kung ano ang meron sa loob.
"Welcome to my kingdom, Sarette." nakangising bati sa akin ni Fabian.
Humigpit ang pagkahawak ko sa hawakan ng aking handbag. Tinapunan ko siya ng isang seryoso at malamig na tingin. Okay, calm down, Sarette. You can do this. Narito ka para makiusap para sa mga anak mo! "Thank you for a welcoome, Mr. Wu." may bahid na sarkastiko nang sambitin ko ang mga salita na iyon.
Tumaas ang isang kilay niya. Para bang nasisiyahan siya sa nangyayari sa akin. "Anong kailangan mo sa akin at gusto mo yata ako makita?"
"We need to discuss something important about custody." buong tapang kong sabi. "I fine with joint custody, not sole custody."
Tahimik lang siyang nakatingin sa akin.
"Mapapayagan lang kitang makalapit sa mga anak ko. Pero hinding hindi mo sila pupwedeng kunin sa akin. Aware ka naman siguro kung wala pa pitong taong gulang ang kambal, ibig sabihin, sa ayaw o gusto mo, akin sila. Masakit man isipin pero dahil kasal tayo, kinakailangan nating magharap sa korte..."
"Alam ko, sa umpisa palang, hinding hindi mo ako hahayaang makalapit sa kanila." seryoso na din siya nang sabihin niya iyon. "Dapat ako ang galit sa ating dalawa."
Kusang umalab ang sistema ko sa akusasyon niya. "Kahit wala naman talaga ginawang masama?! Bakit ako lang? Hindi ba, may kasalanan ka din? Dahil ikaw mismo ang tumalikod sa akin! Natatandaan mo ba ng mga panahon na gusto kitang makausap upang magpaliwanag, binigyan mo ba ako ng oras kahit limang minuto lang? Hindi... Hindi mo ako binigyan ng pagkakataon dahil bigla kang umalis ng mga panahon at ako si gaga, umasa! Umaasang babalik ka... Pero ano? Kitang kita ng dalawang mata ko, ikakasal ka n'on, Fabian! Ikakasal ka kahit kasal pa talaga tayo! Hindi mo alam kung gaano mo ako winasak ng mga oras na iyon..." halos maibulong ko na ang huling pangungusap. Damn, bakit ngayon pa ako magiging mahina sa harap niya?!s**t lang dahil hindi ito kasama sa plano ko! "Walang nangyari, Fabian... Maniwala ka."
Nanatili lang siyang tahimik.
Kahit anong pilit kong maging matatag, magiging mahina din pala ako sa huli. "Tang ina lang, Fabian. Gustong gusto kong magsorry kahit ilang ulit kahit wala akong kasalanan... Kahit magkaawa pa sa iyo, pupunan ko ulit ang tiwala mo, gagawin ko... Pero anong ginawa mo...? Nasaktan ako dahil iniwan mo ako na hindi mo muna ako pinakinggan... Na sa tingin ko... Ang baba ng tingin mo sa akin, Fabian... And I have learned that sometimes sorry is not enough. Sometimes you actually have to change and this is made me now..." hindi ko na mapigilan para ang mga luha na kanina pang tumulo. "Kaya narito ako ngayon... Nakikusap ako sa iyo, huwag na huwag mong kunin sa ang mga anak ko... Sila na ang buhay ko nang mga panahon na nawala ka... Sila na ang lakas ko... Sila na ang dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay..." mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Yumuko ako. Dahan-dahan akong lumuhod sa harap niya.
"Sarette!" malakas at galit niyang tawag sa akin. Pinigilan niya ako sa gagawin ko. Rinig ko pa ang pagmura niya.
"Please, Fabian. Huwag mo silang kunin sa akin. Mahirap man maging magulang sa kanila pero hindi ko kaya mawala sila... Please, kahit sa iyo sila ng ilang araw, basta, huwag mo akong tanggalan ng karapatan sa kanila..."
"I know. And I felt that way, too."
What...?
"Papa? May kaaway ka po?"
Sabay kaming napatingin sa pinto na nakita ko kanina. May isang batang babae na nakakulay pink na dress. Kulay puti naman ang kaniyang sapatos na may lacy socks pa. May puting hairband siyang suot. Chinita ang bata. Bakas sa mukha niya ang pagtataka nang makita niya kami ni Fabian sa ganitong tagpo. Lumabas siya mula sa silid na iyon. Agad ko pinunasan ang aking mga luha. Hindi ko aakalain na bedroom pala ang laman ng kuwarto na iyon.
"Genie..." marahan na tawag ni Fabian sa bata. Wait, anak niya ang batang iyan? Ibig sabihin, kasal na talaga si Fabian? Natuloy ang engagement? Binuhat ni Fabian ang batang babae. "Walang kaaway si papa, nakikipag-usap lang."
"Papa, ang bad mo naman po makipag-usap! Bakit umiiyak po siya kung ganoon?" saka ngumuso ang bata. "Ang sabi mo po, ang tunay na lalaki, hindi nagpapaiyak ng babae!"
Naguguluhan na ako. Anong ibig sabihin nito?
Humakbang palapit sa akin si Fabian nang nasa tapat ko na sila. Ibinaba niya ang batang babae na nangangalang Genie. Nakatingin silang dalawa sa akin.
"Genie, this is Sarette Hochengco. She's your mother." seryosong pakilala ni Fabian sa akin ang bata.
Umaawang ang bibig ko. "A-anong..."
"She's Genevieve, Sarette." dagdag pa ni Fabian. Nanlalaki ang mga mata ko sa naging rebelasyon niya. Teka, patay na ang bunso ko! "Pagkatapos mong manganak, pinalabas kong patay na si Genevieve. Kinuha ko siya sa nang hindi mo nalalalaman. Patay na bata talaga ang nakalibing."
Parang akong kakapusin ng hininga. Ibinalik ko ang tingin ko sa batang babae na nasa harap ko. Kahit nanginginig ang kalamnan at mga kamay ko, pilit ko pa rin ikulong ang aking mga palad sa kaniyang mukha. Para bang nagkabuhol-buhol ang isipan ko sa nangyari.
"Kahit galit ka sa akin, hindi kita pinabayaan, Sarette. Walang kasalan na naganap pagkatapos nating magkalabuan. Alam kong madadagdagan ang galit mo sa akin dahil kinuha ko si Genevieve pero iyon lang din ang tanging kong paraan para may mapapagpaalala sa iyo..." yumuko siya.
"Genevieve..." tawag ko. "Bunso ko..." pumiyok ako.
"Mama..." naiiyak na din niyang tawag sa akin.
Hindi ko mapigilang yakapin ang isa ko pang anak. Ibig sabihin, kompleto na talaga ang triplets ko. Gustuhin ko man magalit dahil sa nalaman ko, pero mas nangingibabaw sa akin ang kagalakan sa puso ko.