"Mama! Look, papa bought these dresses from Paris pa po! Pasalubong po niya sa akin nang nagkaroon po siya ng business meeting doon!" excited at masiglang pagkukwento ni Genevieve sa akin habang ipinapakita niya sa akin ang loob ng bedroom na nakita ko. Nasa labas lang si Fabian at abala sa kaniyang ginagawa. Maybe, work. Who knows?
Lumapad ang ngiti ko habang pinagmamasdan ko ang mga damit niya sa loob ng closet. Mas nilakihan ko pa ang awang nito. Hindi ko akalain na marunong pala mamili si Faban ng mga damit, tiyak mababagay nga sa bunso namin ito. He got a taste, huh? "Ang gaganda naman, anak. Sana makita ko ang mga ito na suot mo sa tuwing may lakad tayo, basta kasama kita." malambing kong pahayag. Lumuhod ako sa harap niya. No doubt, magkamukha talaga sila ni Geneva. "May itatanong lang si mama, okay lang ba?"
Kumurap siya bago nagsalita. "Ano po 'yon, mama?"
Hinaplos ko ang kaniyang mukha habang nakatitig ako dito. "Bakit may bedroom dito? Bakit hindi ka sa mismong bahay ng papa mo ikaw natutulog or nagse-stay?" malumanay kong tanong. Nagtataka kasi ako kung bakit naglagay ng kuwarto dito si Fabian.
"Ah... Masyado po kasing subsob si papa sa work niya, mama. Gusto din daw niya ako bantayan habang nasa oras siya ng trabaho. Tutal naman daw po, hindi pa daw po ako umapasok sa school. He wants to be a hands-on father for me, mama." tugon niya na nakatitig siya sa akin.
Saglit ako natigilan sa kaniyang isinagot. Hindi ko akalain na magagawa at maiisipan ni Fabian ang mga bagay na iyon. Oo, nagalit ako dahil kinuha niya sa akin ang bunso namin dahil sa loob ng mahabang panahon, naisip ko na patay na si Genevieve kahit ang totoo ay hindi pa.
"Mama,"
Nanumbalik ako sa ulirat nang tawagin ako ng aking anak. "Hmm?"
"Ang sabi po ni papa sa akin, kamukha daw po kita nang tinanong ko po sa kaniya tungkol po sa inyo." siya naman ang humawak sa aking pisngi. Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Ang ganda-ganda ninyo daw po. Wala ka daw po katulad. Ikaw daw po ang first love niya. Ang stupid niya daw po kasi pinakawalan daw po niya." pero siya din napalitan ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Naging malungkot siya nang tila may sumagi sa kaniyang isipan. "Naririnig ko po siyang umiiyak kapag nagkukungwaring tulog na po ako, mama."
Natigilan ako sa mga naging kwento niya.
"Sinabi po din sa akin ni papa, galit kayo sa kaniya. Please po, mama. Patawarin ninyo na po si papa... Hindi po ba, ang sabi ng pari, forgiveness could heal you in the moments you are lost and defeat?"
Those words hits me instantly. Hindi ko sukat-akalain na magagawang sabihin ni Genevieve ang mga bagay na ito. Sa murang edad niya, ganito na pala ang pamamaraan ng kaniyang pag-iisip. No wonder, tulad nga niya ang mga kakambal niyang sina Geneva at Genesis kung mag-isip. Napangiti nalang ako dahil sa nakakahaplos sa puso ang mga words of wisdom niya. Isa pa ay parang nawala ang galit na inipon ko sa loob ng maraming taon sa pagkakataon sa pagitan ng anak ko. "Ang gusto mo ba, magkabati na kami ng papa mo?" malambing kong usisa sa kaniya.
Agad siyang tumango. "Opo, mama. Para hindi na din po iiyak si papa. Para na din po makasama ko ang mga kapatid ko. Para makompleto na po tayo..." she sounds like she's aware in her surroundings!
Oh my God. Bakit ngayon ko lang napagtanto ang lahat ng mga ito? Hindi ko man lang naisip na dahil sa away namin ni Fabian, ang mas mahihirapan ay ang mga anak namin? Lalo na si Genevieve? Lumaki siya sa poder ng kaniyang ama, sa pamamagitan n'on ay mas lalo lumawak ang kaisipan kung ano ang point of view ni Fabian. Sa kalagayan ng anak ko, mukhang maayos niyang pinalaki ang bunso ko.
Hinahaplos ko ang buhok ng anak ko habang mahimbing na itong natutulog sa aking tabi. Inabutan na ko ng gabi dito. Napagod siya sa kulitan at kwentuhan sa akin. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ko lang siya. Kitang kita ko sa mukha niya kung gaano siya kasaya nang makita niya ako. Magaan agad ang loob niya sa akin kahit ngayon lang kami nagkita at ganoon din ako sa kaniya. Ito siguro ang sinasabi nilang blood is thicker than water. Gumana din ang mother's instincts ko.
Tumigil ako sa paghaplos sa kaniyang buhok at dinampian ko ng halik ang kaniyang noo, pagkatapos ay binulungan ko siya ng I love you, tulad ng madalas kong ginagawa kina Geneva at Genesis. Gusto ko, pati siya ay maramdaman niyang mahal ko siya. Na hindi mawawala ang pagmamahal ko na meron ako para sa kaniya. Na hindi siya iba sa akin.
Maingat akong lumabas ng bedroom. Balak ko naman sanang silipin si Fabian kung ano ang ginagawa niya. Naabutan ko siyang nakatitig sa kaniyang laptop habang nilalaro ng isang daliri niya ang kaniyangpang-ibabang labi. Biglang sumagi sa aking alaala ang lahat. Buhat na naging malapit ako sa kaniya hanggang sa ikinasal kami nang biglaan. Pero kahit ganoon, naisip ko na kung hindi ba kami nagkaroon ng problema, may tsansa pa kayang maging masaya kami nang tuluyan?
"Sarette,"
Napatingin ako kay Fabian na ngayon ay wala na kaming leather chair. Papalapit siya sa ref na narito lang sa Opisina. "F-Fabian..." mahina kong tawag sa kaniyang pangalan.
"Nakatulog na ba si Genie?" he asked. Kumuha siya ng dalawang lata ng beer.
Huminga ako ng malalim, sabay nilagay ko sa aking likuran ang mga kamay ko Tumango ako. "Yeah, mahimbing siyang natutulog." tugon ko saka nilapitan ko ang long couch at umupo doon.
Isinara niya ang ref at dinaluhan niya ako. Inalok niya sa akin ang isang beer in can. Hindi ako nag-atubiling tanggapin iyon. Nagpasalamat pa ako saka binuksan ko ito. Siya naman ay umupo sa single couch, sa lagay namin ngayon ay hindi maiwasan na walang ilangan sa pagitan naming dalawa. Kumsabagay, ilang taon na din ang nakalipas, dahil sa may lamat na ang nakaraan namin ay iyon siguro ang dahilan kung bakit nalagay na kami ngayon sa ganitong sitwasyon. Bukod pa doon, para bang ayaw niyang magtangka na mas malapit pa siya sa akin. Naiitindihan ko siya.
"She's jolly and lovalable." biglang niyang sabi sabay uminom siya ng beer. "Don't she?"
Maliit na ngiti ang aking umukit sa aking mga labi. "Yeah, as ever. Magkatulad talaga sila ni Geneva." wika ko at uminom na din ako. Sumulyap ako sa kaniya.
Kita ko ang mapait niyang ngiti kahit hindi siya nakatingin sa akin. Nakatitig lang siya sa hawak niyang beer. "I want to know about them, too. Genesis and Geneva." he said.
"Si Genesis, malikot. Syempre, nasa nature na niya iyon dahil lumaki siya na minsan ang mga tito niya ang kasama niya. While Geneva, malambing na bata. Kapag may ginawa siyang kalokohan, idadaan ka niya sa lambing." then I bite my lower-lip. Muli akong tumingin sa kaniya. "Thank you, Fabian."
Doon siya nagkaroon ng pagkakataon na tumingin sa akin. Bakas sa mukah niya ang pagkagulat.
"Salamat dahil sa pagpapalaki mo kay Genevieve. Alam kong marami kang effort na ginawa para lang maging maayos ang bunso natin." sambit ko. Binasa ng dila ko ang mga labi ko. I opened my mouth to take some air. "I'm so sorry, Fabian... I acted a selfish mother and I do not considered the damage it was doing to our relationship..." sinsero kong saad.
Wala akong narinig na salita mula sa kaniya, maliban sa pagbuntong-hininga niya. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at humakbang siya papalapit sa akin. Natigilan ako nang lumuhod siya sa harap ko. Nagtama ang mga tingin namin. Nababasa ko sa mga mata niya ang kalungkutan. Ang mas hindi ko inaasahan ay masuyo niyang hinawakan ang mga kamay ko na matagal ko nang hindi iyon naramdaman. "No, Sarette. Ako ang dapat humingi ng tawad sa iyo."
"Fabian..." halos pabulong ko ngunit hindi matanggal ang tingin ko sa kaniya.
Mas humigpit ang pagkahawak niya sa akin. "I'm so sorry for being an asshole and a coward. The moment I saw you with that man that day, sa totoo lang, nandidilim ang paningin ko. Ayokong makita mo ang bad side ko. Yes, I misunderstood those things without knowing the truth behind it. Nagpasya akong umalis, pumunta ako sa Iloilo, para palipasin ang galit ko... But I failed. Gumawa ako ng paraan para kaganti sa iyo, sinadya ko magpakita sa kapatid mo at malaman niya kung nasaan ako. Ang engagement party na iyon ang ginawa kong solusyon para makaganti sa iyo. I didn't realize the amount of pain because I was too wrapped up letting my fears, pride and ego blind me..." ramdam ko ang kalungkutan sa kaniyang boses habang kinukwento niya sa akin ang mga nangyayari. "Nakita ka ni mama na hinimatay sa tapat ng bahay nila, she called me right away, humingi ako ng pabor sa kanila ni ate Siannah kung ano ang nangyayari sa iyo until I found out you're pregnant. Hindi agad ako nagpakita sa iyo dahil alam kong galit ka na din sa akin. Natatakot ako sa iyo na baka hindi mo na ako kayang tanggapin... Mas pinalawak ko pa ang konekyson ko sa iyo. Kahit nasa malayo ako, masubaybayan ko lang ang pagbubuntis mo. Humingi ako ng pabor sa isa mo pang sekretarya na si Debbie. Sa kaniya ako nakakuha ng balita tungkol sa iyo. Sa kaniya ko din nalaman na pupunta ka ng Amerika habang nagbubuntis ka hanggang sa manganak ka. Sinundan kita nang hindi mo nalalaman. Doon ako bumuo ng plano. Nakausap ko ang isa ko ding kakilala na OB mo. Iyon ay kunin ang kahit isa sa triplets, si Genie. Iyon ang naisip kong paraan para maalala kita sa tuwing makikita ko ang anak natin."
Umaawang ang bibig ko. Yumuko ako. Pumikit ako ng mariin. Nararamdaman ko na naman ang pagpiga sa aking puso ng mga oras na ito.
"I have hurt you, Sarette. I am the one who made you pain. As your husband, I am supposed to be there for you, support you and have your back. You should have been able to depend on me, go to me with your fears aand frustrarion and count on me. The worst part is when you running after me, I didn't give you a chance to explain your side... I'm so sorry for not being manly enough to talk when you want me to talk and solve this f*****g problem... When I chose to not receive your love. I am so sorry that it has taken me this long to realized everything." tumulo na ang luha at marahas iyon umagos sa kaniyang pisngi. "And it pains me to think of a life where I will not be able to see your face, to talk to you, to hold you, to kiss you, to tell how much I love you... I am so sorry..."
Hindi ko na rin mapigilang mapigilang mapaluha. Marahan na dumapo ang aking palad sa kaniyang pisngi. Inilapit ko ang aking mukha sa kaniyang hanggang sa isinandal ko ang aking noo sa kaniya. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. "Kahit galit ako sa iyo... Hindi ko maiwasan na hindi ka isipin, Fabian." hinaplos ko ang kaniyang pisngi.
Inilayo niya ng bahagya ang kaniyang mukha sa akin para muli niya ako matiitgan. "S-Sarette..."
"Oo, mahirap maging ina, na ikaw lang ang mag-isa nagpapalaki at tumataguyod ng mga anak mo. Still, I'm inlove with you... I need you, Fabian. Gagawin ko ang hinihiling ng mga anak natin..."
Umawang ang kaniyang bibig na tila hindi siya makapaniwala sa aking sinabi.
"Maraming pagkakataon na nasayang, hindi ko man lang naipaliwanag sa iyo ang lahat, hindi ko rin maamin agad sa iyo na ikaw lang ang mahal ko. Natutunan na kitang mahalin... ng mga panahon na iyon." basag ang boses ko nang sabihin ko iyon. Kahit na umiiyak na ako ay nagawa ko pa rin ngumiti sa kaniya. "Dahil kahit bali-baliktarin tayo ng mundo, ikaw pa rin ang tatay nila."
Ikinulong ng mga palad niya ang mukha ko at hindi niya mapigilan ang sarili niya na sunggaban ako ng halik. Hindi ako tumanggi. I grabbed his nape to feel him more. Oh, God.. I miss him terribly. I miss my love Fabian. Not only as a father of my children, my first love and my own leading man. The love of my life!
I know, pride at ang ego namin ang naging dahilan kung bakit kami tuluyang nawasak. Iyon nga lang ang ipinagkaiba namin ni mama noong nagkahiwalay sila ni baba. Totoo nga siguro ang sinasabi nila na kung hindi pa kayo ang para sa isa't isa, maghintay.
"Yehey! Bati na sina mama at papa!"
Gulat kaming napatingin sa pinto ng kuwarto. Nagtatalon -talon sa tuwa si Genevieve. Umaribas siya ng takbo palapit sa amin at niyakap niya kami. Natumba pa si Fabian sa sahig dahil sa impact. Hindi ko mapigilang matawa sa hitsura niya. Ang bunso naman namin, bumungisngis sa kaniyang ginawa.
"I thought you're already sleeping, Genie." sabi ko habang nagpupunas ng luha.
Hindi mabura sa mukha niya ang kasiyahan. "Narinig ko po kasi kayong umiiyak at nag-uusap ni papa. Sa totoo lang po, kanina ko po kayo pinapanood."
What? Ibig sabihin nakita niya din ang halikan namin?!
Napangiti na din ako saka hinaplos ang kaniyang buhok. Hinawi ko ang takas niyang buhok na natatakpan ng kaniyang mukha. "Gusto mo na bang makilala ang Genesis ahia at atsi Geneva mo, anak?"
Umukit ang pagkamangha sa kaniyang mukha. "Talaga po?! Makikilala ko na po sila, mama?"
Tumango ako saka yumakap siya sa akin nang mahigpit. Ginantihan ko iyon. Bumaling ako kay Fabian na nakangiti din siyang pinapanood kami. "Fabian," tawag ko sa kaniya.
"Yes, baberette?"
"Le't give it another try. Not only for the kids. For us."