chapter fifteen

2321 Words
Halos hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Katabi ko si Fabian. Si Genevieve naman ay abala na nakikipag-usap sa kaniyang lolo't lola. Ang kapatid naman ni Fabian na si Dra. Siannah ay tahimik na umiinom ng tsaa sa isang tabi. Aminado akong hindi ako kampante sa posisyon ko na ito. Pinaghalong kaba at takot ang bumabalot sa sistema ko ng mga oras na ito. Pero nang hinawakan ni Fabian ang isa kong kamay ay awtomatiko akong bumalik sa kaniya. Matamis siyang ngumiti sa akin, na parang sinasabi niya sa akin na huminahon ako. I swallowed hard. Pilit akong ngumiti as kaniya pabalik. "Fabian, kailan namin makikilala ang mga kapatid ni Genie? Excited na kaming makilala sila..." malumanay na sambit ng nanay ni Fabian, si Dra. Marguerite Apostol-Wu. Sabay kaming napatingin sa kaniya. Bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan. "Sa oras na maipakilala na sa akin ni Sarette ang magkambal. Dadalhin namin sila sa inyo, mama, papa." si Fabian ang sumagot. "Alam kong excited na din si Genie na makilala ang mga kapatid niya, right, Genie?" "Opo, papa! Gusto ko na po sila makilala!" masigla at masayang tugon ng bunso naming anak. Bumaling siya sa kaniyang lolo't lola. "Lolo, lola, ang sabi po sa akin ni mama, mababait daw po ang mga kapatid ko! Hindi na po ako makapaghintay na magkasama na po kami... Lalo na po magkabati na po sina mama at papa!" saka itinaas niya ang kaniyang mga kamay. Yumuko ako. Ewan ko ba kung bakit ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Hindi man ako ang nagsalita ng mga bagay na iyon pero bakit nahihiya ako? Mas humigpit ang pagkahawak ni Fabian sa akin. Muli ako tumingin sa kaniya kahit na medyo yuko pa rin ako. "Malapit na pala ang birthday ng magkakambal, iha. Ano pala ang plano ninyo? Kailangan nating mag-celebrate. Napakaespesyal ng araw na iyon dahil magkakasama at mabubuo na kayo." si Sir Farris naman ang nagtanong. Ibinuka ko ang aking bibig. Huminga ako. "Sa totoo lang po, h-hindi pa po namin napag-usapan iyon ni Fabian..." sabi ko. "Ganoon ba?" wika naman ni Dra. Marguerite. "Kung nakapagdecide na kayo, sabihin ninyo sa amin, ha?" "Yes, mama." muling sagot ni Fabian. "Kailan ninyo ba ulit magpapakasal?" sunod na tanong ni Sir Farris na ngayon ay seryoso ang mukha. Napalunok na naman ako. Wiat, bigla ako naintimidate sa kaniya? Damn. "Nang malaman naming kasal na kayong dalawa, medyo nagtatampo lang kami dahil hindi ninyo lang kami naimbitahan..." Biglang tumawa si Dra. Siannah. Sabay kaming napatingin sa kaniya. Umukit ang pagtataka sa aming mukha. "Papa, malamang hindi talaga tayo maiinvite! Papaano ba naman, parehong lasing ang dalawa nang nagpakasal!" Kinagat ko ang aking labi at yumuko na naman dahil sa kahihiyan! Pumikit ako ng mariin. Bigla na naman sumagi sa isipan ko ang mga alaala na iyon. Ang katangahan ko. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin ako nagsisisi nang pinakasalan ko ang isang Fabian Wu. Dahil sa kaniya ko lang nararamdaman ang tinatawag nilang pag-ibig. Hindi rin ako nagsisisi na siya ang naging ama ng mga anak namin. Kung hindi rin dahil sa kaniya, wala akong Genesis, Geneva at Genevieve na nagpapadagdag sa mundo ko ngayon. "Saka na ang kasal, sa oras na handa na si Sarette, ate." saka ngumisi nang nakakaloko si Fabian. "Maiba nga ako, nakapili ka na ba? Napasagot ka na ba ng isang Hochengco? O ng isang Chua?" Lumukot nag mukha ni Dra. Siannah sa tanong ng kaniyang kapatid. Inis niyang isinandal ang kaniyang likod sa single couch sabay humalukipkip. "Back fire pa nga nangyari," nakangusong kumento niya. "Huwag mo na ngang banggitin sa akin ang mga mokong na 'yon. All I want is to do my job well. Wala pa sa listahan ko ang mainlove." Sumipol si Fabian. "Ganyan din ang motto ko noon." may bahid na pang-aasar na boses niya. "Grr! Papa! Mama! Si Fabian, oh!" Natawa kami sa naging reaksyon niya. A classic and elegant like Dra. Siannah Wu, may tinatago pala siyang ganyan. But, wait, sino ang tinutukoy ni Fabian na isa sa mga Hochengco? Sa mga Chua? Madalas ko naman kasama ang mga pinsan ko pero wala naman akong natunugan kung sino sa kanila na may koneksyon sa mga Wu. Nang sumagi sa isipan ko kung sino ang pinsan ko na isa ding doktor ay medyo nanlaki ang mga mata ko. Mukhang may suspetsa na ako kung sino.  ** Tumigil ang sasakyan ni Fabian sa tapat ng ancestral house ng mga Hochengco dito sa Cavite. Nasabihan ko na din ang angkan na kasama ko si Fabian Wu at maayos na kami. Pero hindi ko pa nabanggit sa kanila tungkol kay Genevieve. Gusto ko silang sopresahin. Alam kong medyo galit pa sina Rowan at River dahil nasaktan ako mula sa nakaraan pero ang sabi ko sa kanila ay kalimutan na nila. Kung talagang mahal nila ako, magiging masaya nalang sila para sa akin. Pero nagbanta sila na sa oras na saktan na naman ako sa pangalawang pagkakataon, hinding hindi sila magdadalwang-isip na ilayo ako mula kay Fabian. I don't mind. Kahit naman na hindi na sila magsabi ng ganoon ay talagang gagawin ko ang bagay na iyon. Bago man nila gawin iyon ay ginawa ko na. Sa ngayon, bibigyan nila ng pagkakataon si Fabian na patunayan ang kaniyang sarili sa angkan ng mga Hochengco. Nang bumaba na kami hindi maiwasang hindi magtatalon-talon si Genevieve dahil sa tuwa. Nakangiti lang akong nakahawak sa kaniya. Hinihintay namin si Fabian at sabay na kaming pumasok. Dumiretso na kami kung nasaan ang Receiving Area. Doon naman talaga kami madalas didiretso kung may importanteng sasabihin sa isa sa mga myembro ng angkan, lalo na kung may kinalaman sa pamilya. Kung pagdating naman sa trabaho, magkakaroon naman kami ng meeting sa kumpanya o hindi kaya ay magkakaroon kami ng Conference for privacy, kung may kinakailangan man ang publiko, gagawa kami ng media conference. Sa pagbukan ng malaking pinto ng receiving area ay tumambad sa amin ang angkan. Lahat ng kanilang atensyon ay nasa amin. Hindi na bago sa akin na seryoso ang aura ang bumabalot sa silid na ito. Napatingin ako kay papa, mama, Rowan at River na mas seryoso ang mukha. Wala dito sina Genesis at Geneva na paniguradong nasa kuwarto nila. Mas magandang kami munang matatanda ang naririto ngayon at mag-uusap. "Good afternoon," pormal na bati sa kanila ni Fabian. "Mr. Wu..." rinig kong boses ni tita Naya, na ngayon ay katabi sina tita Inez at tita Tarrah. Kita ko si papa na kumawala ng isang malalim na buntong-hininga. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya sa sofa. Ipinasok niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang itim na slacks at humakbang palapit sa amin. Mas seryosong mukha ang kaniyang iginawad sa amin. "Narito po ako para humingi ng tawad dahil sa aking kaduwagan, Mr. Finlay Wu." dagdag pa ni Fabian na nananatili pa ring pormal sa harap ni papa. "Alam kog nasaktan ko si Sarette pero napagtanto ko na may kakulangan at may kasalanan din ako sa nangyari kaya kami humantong sa ganito. Humaharap po ako sa inyo ngayon, hindi lang para humingi ng tawad... Gusto ko din maging ama sa kanilang tatlo." Kumunot ang noo ni papa. "Tatlo?" mabilis siyang bumaling sa akin. "May nabuo na naman ba, Sarette?" Agad ko itinaas ang mga kamay ko na animo'y sumusukosabay mabilis akong umiiling-iling. "No, dad! Wala!" mabilis ko ding sagot na matinis din ang boses. "Excuse me po..." rinig kong boses ni Genevieve na nagpapagitnaan namin siya ni Fabian. Tumingala siya kay papa habang nasa baba niya ang kaniyang hintuturong daliri. Napukaw niya ang atensyon ni papa. "Kayo po si Lolo Finlay?" Ibinuka ni Papa ang kaniyang bibig at tila naguguluhan sa kaniyang nangyari. Naroon din na nagulat siya. Ngumiti ako at hinawakan ko si Genevieve. Ipinakita ko siya sa angkan. "Siya po si Genevieve, ang pangatlo sa magkakambal, papa." saad ko. Rinig ko ang iilang singhap sa paligid. Si mama ay napasapo sa kaniyang bibig. Ang ilan pa sa mga pinsan ko ay napamura. Alam kong hindi rin sila makapaniwala na buhay pa ang bunso ko. "A-ang akala natin... Patay na siya, atsi?" wika ni River, kahit siya ay hindi makapaniwala. Matamis akong ngumiti sa kanila. "Akala ko din wala na ang bunso ko, pero nagkamali ako... Kinuha man siya ni Fabian ay naitindihan ko na kung bakit niya ginawa iyon. Sapat na sa akin ang rason na iyon. Pero, nakikiusap ako, huwag ninyo po sana siyang husgahan agad. Alam kong... Hindi niya ginusto ang nangyari pero. Ang importante sa akin ngayon ay buhay ang bunso ko... Na mabubuo na na sina Genesis, Geneva at Genevieve... at ang pamilya ko." Biglang niyakap ni Genevieve ang isang binti ni papa. Tumingala siya. "Hello po, Lolo FInlay! Ako po si Genevieve. Pero Genie po ang tawag nila sa akin kasi daw po ang haba ng pangalan ko...Hihi." Base sa mukha ni papa ay hindi pa rin siya makapaniwala. Bumitaw mula sa pagkayakap ni Genevieve. Itinukod ni papa ang isang binti niya at lumapat ang tuhod niya sa sahig para matingnan niya ng diretso ang bunso ko. Hinawakan ni Genevieve ang isang kamay ni papa. Inilapat niya ang likod ng palad ni papa sa kaniyang noo. "Mano po, Lolo Finlay." nakangiting bati niya. Ngumiti si papa. "It's good to meet you, Genevieve. Welcome back to the family." Mas lumapad pa ang ngiti ni Genevieve. Nangingsilap ang kaiyang mga mata dahil sa kagalakan na ngayon ay magiging parte na siya ng angkan na ito. ** Dahan-dahan kong itinulak ang pinto ng silid ni Genesis. Tama ang hinala ko, narito din si Geneva. Ngumiti ako at humakbang ako papasok sa loob. Nadatnan kong abala sa paglalaro ng dalawa ng kani-kanilang mga laruan. Tumigil lang sila nang naramdaman nila ang presensya ko. Napatingin sila sa aking direksyon. Umukit sa kanilang mga maukha ang kasiyahan. Umaribas sila ng takbo palapit sa akin. Lumuhod ako saka inabangan ko sila ng yakap. Pareho silang yumakap sa akin nang mahigpit. "Mama! Mama! Welcome homeee!" sabay nilang bati sa akin. Marahan kong pumikit para maramdaman ko pa silang dalawa. Hindi na sila magiging dalawa pa dahil sasali na din si Genevieve sa pagyakap nila sa akin sa susunod na uuwi ako sa kanila buhat ng trabaho. Dumilat ako saka kumalas ako mula sa pagkayakap sa kanila. Pinagmasdan ko silang mabuti na ngayon ay nakatingin silang dalawa sa akin. Mapait akong ngumiti sa kanila. "Genesis... Geneva... Bakit hindi ninyo sinasabi kay mama na hinahanap ninyo na pala ang daddy ninyo?" Umiba ang ekspresyon sa kanilang mukha. Nagkatinginan silang dalawa bago ibinalik nila sa akin ang tingin na iyon. "Kasi po, baka magalit po kayo kapag tinanong po namin kung sino ang tatay namin, mama..." malumanay na tugon ni Genesis, lumungkot ang boses niya. "Kasi po... Nakikita namin ang ibang bata at mga kalaro namin na may mga tatay sila... Kami po ni Geneva, wala." "Tama po si Esis, mama. At saka po, hindi po sinasabi sa amin ni tito kung sino ang tatay namin... Ang sabi po kasi nila, dapat daw po malaman namin mismo sa inyo... Eh... Natatakot po kami." dagdag pa ni Geneva. Bago man ako magsalita ay nagbukas ang pinto ng silid na ito. Pumasok si Fabian. Tumingin siya sa direksyon namin. Ganoon din ang mga bata sa kaniya. Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka. Hindi ko lang alam kung matatandaan nila ito dahil nakasalubong daw nila ito noong nasa Japan kami. "Hala! Siya po ang lalaking kaibigan daw po ni tita Verity!" bulalas ni Geneva. "Oo nga, ano? Nandito rin pala siya." si Genesis. Huminga ako ng malalim. Binasa ng dila ko ang aking mga labi. Hinawakan ko ang mga kamay nila. Nakuha ko ang kanilang atensyon. "Siya ang daddy ninyo, Genesis... Geneva... Siya si Fabian Wu." Natahimik si Genesis. Si Geneva naman walang sabi na nilapitan niya si Fabian at binigyan niya ito ng yakap. Sumunod na din si Genesis at niyakap din niya si Fabian. Pinapanood ko sila ngunit ramdam ko na nadudurog ang puso ko sa aking nasaksihan. Ngayon ko lang napagtanto na sobra pala ding pasakit ang ibinigay ko sa mga anak ko. Nakikita ko kung papaano kami nangulila noon ni Rowan kay papa noon. Kung ganoon kami kasabik na magkaroon ng isang ama. Kahit isang araw lang namin makasama si papa, ayos na ayos lang sa amin. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ko ang sarili ko na maiyak. Napatingin ako sa pinto kung saan nag-aabang si Genevieve. Kumaway ako sa kaniya upang lumapit. Sumunod siya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat saka ipinaharap ko siya sa mga kapatid niya. Nakatingin sa kaniya ang dalawa na wari'y nagtataka. "Genesis, Geneva... Gusto kong ipakilala sa inyo ang bunso ninyong kapatid, si Genevieve." pakilala ko. Biglag umiyak si Genesis. Bigla siyang lumapit kay Genevieve at hindi siya nagdalawang-isip na yakapin ang bunso niyang kapatid. Si Geneva naman ay tila nabato sa kaniyang kinakatayuan. Nang kumalas na ang dalawa mula sa pagkayakap. Sunod naman nilapitan ni Genevieve si Geneva para yakapin ito pero laking gulat namin na biglang itinulak ni Geneva ang kaniyang kapatid! "Geneva!" malakas kong suway sa kaniya dahil sa hindi ko inaasahan na ganoon ang magiigng akto niya. Wala kaming makuhang sagot mula sa kaniya. Sa halip ay tahimik siyang tumakbo palabas ng silid. Muli ko siyang tinawagan, hinawakan ako ni Fabian habang si Genesis naman ay tinulungan na makatayo ang kaniyang katapid. "Hayaan mo muna, alam nating nabigla siya sa nangyari." malumanay na wika ni Fabian. "Alam kong kasalanan ko kung bakit malayo ang loob nila sa isa't isa..." Tumango ako. Pero pinili ko pa rin na lumabas. Habang naglalakad ako sa corridor ay nakasalubong ko ang kapatid ko na si River. "Nakita mo ba si Geneva?" Tumango siya. "Yeah, inilabas muna siya ni Rowan ahia kasi tumakbo siya palapit sa amin na umiiyak." sagot niya. Marahas akong kumawala ng buntong-hininga. "Mukhang malayo ang loob ng dalawang kambal mo, atsi." seryosong sabi ni River. "Hindi ko naman din masisisi si Fabian sa nangyari pero kailangan ninyo mag-isip ng solusyon para maging malapit sila sa isa't isa. Malapit pa man din ang birthday ng triplets." "I know, River." mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko lubos maisip na bago na namang problema ako haharapin. Pero inaasahan ko ang kooperasyon ni Fabian dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD