BAGO ANG KASALUKUYAN: (JOY POV) “Bff, Joy! Narinig ko kay kuya Stefano na may stag party daw na hinanda ang buong tropa nila para kay Kuya Jon. Siguradong nandoon ang triplets na kinababaliwan mo,” sabi ng kaibigan ko na si Stefanie. Nandito kami ngayon sa school canteen at kumakain ng tanghalian. Mabuti na lang may bestfriend akong chismosa. Kaya updated ako sa ganap ng triplets. “Sige! Salamat bff. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kung wala ka,” malambing na sabi ko dito na inismiran lang ako. Ganito kami mag bolahan magkaibigan. Same lang kasi kami ng Village at classmate ko siya since nursery hanggang grade two. Pero kahit hiwalay na kami ng section, friends pa rin kami noon na tumagal hanggang ngayon. “Anong plano mo?” tanong nito sa akin na nginisian ko ng nakakaloko

