Nakayuko lang ako habang hinahampas ni Mommy ang braso ko. Tatlo kami nila Austin at Asher na nakaluhod lang sa gilid nitong silid. Twenty-six years old na ako at proud akong sabihin na Ma’mas boy ako. Kanina pa lang sa lobby hanggang dito, parang pinapatay na kami ni Mommy sa talim ng kanyang tingin. “Nakakahiya kay Fiona! Kaya pag galing ni Joy, magpapakasal kayo kahit sa huwes lang muna. Pagkatapos ‘non, saka natin planuhin ang dream wedding ni Joy,” galit na sabi ng aking ina. “T–Tita, okay lang naman po ako. Hindi ako nagmamadali. Kahit wag na muna, hindi naman po siguro ako mabubuntis ng isang beses lang,” nakayuko na sabi ni Joy sa aking ina. “Paano ka naman mabubuntis, hindi nga tayo nakarating sa langit ‘e. Nahimatay ka na kaagad,” singit ko naman sa usapan. Magsasalita p

