Pagdating ko sa bahay, naupo lang ako sa sala para magpahinga. Wala akong gana na magtrabaho ngayon dahil sa aking mga natuklasan. Isa pa, hihintayin ko muna si Kuya Stefano para malaman niya ang lahat ng nangyayari. Nagpasya ako na umakyat muna ako sa taas para maligo, susubukan ko magbabad sa tubig, para maginhawahan ang aking katawan at isip. Kahapon pa ako nakakaramdam ng pagkahilo at wala akong gana kumain. Mabilis lang ako naligo, pagkatapos ay nagbihis lang din kaagad. Nahiga ako kaagad sa kama after ko mag blower ng aking buhok. Kinuha ko ang aking cellphone at nagbukas ako ng mga social media accounts ko dahil baka may email din sa akin mula sa aking sekretarya. Pero pag bukas ko pa lang, nagulat ako ng sa flash report, may imbitasyon na kaagad at warrant of arrest para kay

