“Good morning, Mommy ko! Bangon na po, breakfast is ready na,” matinis na boses ng aking anak na si Hayden. Araw-araw ito ang aking alarm clock. Dalawang taon na pala ang lumipas. Pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ako kaagad nakapag move-on sa mga naganap. Akala ko matatag na ako, pero napaparanoid pa rin ako kapag minsan. Naging malayo na rin ako sa mga tao at mga hipag ko na lang ang naging kaibigan ko at malapit sa akin. Dalawang taon na rin, magmula ng kasuhan ng pamilya Villania si Stefani at Angelo. Nakakulong si Angelo sa piitan sa siyudad habang si Stefani naman ay sa mental hospital. Sa loob ng dalawang taon, ang daming naganap. Bago ko ipanganak si Hayden, dumaan ako sa cesarean surgery. Hindi ko normal na mikuwal ang aking anak. Mayroong malaking myo

