Maingat na pinihit ko ang seradora ng pintuan. Pagbukas ko ng silid ni Stefanie, hindi ko sila nakita. Naka red light lang, kaya medyo madilim. “B–Bakit? Anong meron si Joy na wala ako?! Matagal na ninyo akong pinapaligaya, pero bakit ngayon ayaw na ninyo? Dahil ba mas magaling siya? Kaya ko rin naman ang kaya niyang gawin, paano ba ang ginagawa niya?” Naiiyak na boses ni Stefanie. Mukhang galing sa banyo, kaya't doon ako banda humakbang. Nagkalat ang weeds sa sahig na naapakan ko pa. Napakunot ang aking noo, dahil sino ang naninigarilyo nito? “Don't compare yourself to Joy! Masyadong malayo.” Si Alexander naman ang narinig ko. Naiiyak ako sa eksena na naglalaro sa aking isip ngayon. Hindi ako bata at alam ko ang pwedeng maganap o nagaganap. Umiiyak na ako ngayon at takip ng kamay k

