Isa sa guests room ang napili ko na tuluyan. Dahil nga sabi ni Tita Jeraine. Napangisi ako ng nakakaloko, utos kasi ng matanda na pagtripan ko daw ang triplets, madalas daw kasi tahimik ang bahay na ‘to, para na daw boarding house na kain at tulog lang literal ang ginagawa ng tatlo dito. Pero infairness, nagawa pa nila makipag date sa babae. Doon talaga nag-iinit ang ulo ko, dahil sa sinabi ni Stefanie. Naligo muna ako at nakakatawa na dahil sa init ng ulo, wala akong madala na damit. Kaya't ang ending, nanghiram na lang ako kay Tita Jeraine ng pantulog. Lumipas ang dalawang oras, nagpasya ako na puntahan ang silid ni Alexander, pero walang tao. Ganun din ang ginawa ko sa silid ng dalawa at kapareho sa panganay, walang laman ang silid ng mga ito. Patuloy ako sa paghakbang hanggang

