Maxire Elisei's POV "Pre, akala ko ba nakascore ka, bakit ganyan itsura mo? Para kang natalo sa lotto?" bungad sa akin ni Jack kasama ang iba pa namin kaibigan. "Nakascore ako, nawalan na lang kasi ako ng gana pagtapos kaya parang wala din" walang gana kong paliwanag. Nainis naman kasi. "At bakit ka naman nawalan ng gana aber?" nakangisi niyang tanong. Bakit nga ba? Di ko man gusto ay biglang nagflashback sa akin ang nakita ko kaninang paghahalikan nila Faye at nung isang lalaki. Fvck! "Oh, di ka na sumagot" napatitig ako sa mga kaibigan ko saka ako napailing. "Uuwi na ko" paalam ko saka ako nagmadaling bumalik kung saan ko huling nakita si Faye. Akala ko ba ako ang gusto niya? Bakit siya nakikipaghalikan sa iba? At sino yung lalaking yun? "Maxire Elisei! Ano bang nangyayari sayo

