Maxire Elisei's POV "Bakit ngayon ka lang? Anong oras na" bungad ko kay Maxine na naunahan ko pang umuwi. "Nakipagdate, why?" sagot niya na ikinataas ng isa kong kilay. Naiingit ba ako sa kakambal ko? Bakit parang ang dali ng buhay niya? "Nakascore ka ba kanina?" baling naman niya sa akin. "Oo, kay Faye" tugon ko saka pabagsak na umupo sa sofa. "Kay Faye? Talagang di mo tatantanan yun, ano?" may himig pagkadismayang sabi niya saka umupo katabi ko. "Alam mo bro, di sa tinatakot kita pero MATAKOT KA sa ginagawa mo" "Siya ang may gusto saka nagwidraw naman ako sa labas eh, di ko siya mabubuntis" paliwanag ko pa sa pinakabored na tono. "Bahala ka, pero pag yan talaga naghabol habol sayo, tatawanan kita" saka siya tumayo't iniwan ako. Bakit naman siya maghahabol? Wala namang KAMI. Tang*

