CHAPTER 51 ALMIRA Wala na akong magawa ng pumasok si Tito Amme at Tito Manuel sa clinic. “Almira, nako saan ka ba galing na bata ka? Kumusta ka na, ha? Maayos ba ang kinakain mo? Pinag-alala mo kami, Almira,” nag-aala na sabi ni Tita Amme. Nakayakap ako sa braso ni yaya na kung sakali man na sampalin ako ni Tita may sasangga sa akin. Hindi na mawala sa isipan ko ang takot na kapag nagkakamali akonay makakatikim ako ng sampal o sakal. “Ayos lang po ako. H-hindi po ako sasama sa inyo, Tita. Ayaw ko umuwi sa bahay ni Samuel,” lakas loob ko na sabi kay Tita Amme. Malalim itong bumuntong-hininga, habang si Tito, tahimik lang na nakikinig. "Pag-uusapan natin iyan, Iha. Magkasama ba kayo nitong Yaya mo?” tanong ni Tita sa akin. Tumango-tango naman ako. Hindi ko na sila tatanungin kung paan

