SIMULA
"When are you planning to tell her?"
"Tell her what?"
"Tell her about your plan for the child"
Kusang tumigil ang mga paa ko ng marinig ito. Hindi ako puwedeng magkamali. Sigurado akong ako ang pinag-uusapan nila. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas ng pintig ng puso ko.
"I don't have any plan on telling her"
"Seriously? Susurpresahin mo nalang siya? Mas maaga palang ay sabihin mo na sa kanya na kukunin mo ang bata pagkapanganak niya"
"It doesn't matter. I'm sure she'll accept the money more than that child"
Napakuyom ang kamao ko habang ang mga luha ko ay sunod-sunod na nagsipatakan. Pinilit kong huwag gumawa ng ingay habang paalis ako sa pinagtataguan ko.
"At pagkatapos mong makuha ang bata anong gagawin mo?"
"I'll settle everything with Heiress"
Mas lalong nadurog ang puso ko ng marinig ito. Ang tanga ko. Ang tanga ko na naniwala sa mga sinabi niya sakin. Akala ko mamahalin niya rin ako ngayong magkakaanak na kami pero si Heiress parin pala hanggang ngayon. Siya parin!
Tumakbo ako palabas ng Mansion. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang gusto ko lang ay makalayo dito. Makalayo sa kanya.
Aalis ako dito at sisiguraduhin kong hindi na niya ako makikita at ang anak namin kahit kailan! Hindi ako papayag na mawala na sakin lahat. Pinagkait na niya sa 'kin ang pagmamahal niya at ayokong pati ang pagiging ina ay ipagkait niya rin sakin.