Third Person's POV
Tahimik na kumain ang tatlo. Kanina pa napapansin ni Aliyah na panay ang sulyap ni Amy kay Jake na mukhang walang pakialam. Palihim syang napairap nang nagsimula na namang magkwento ang babae.
"Do you still remember when we're in grade 6. You just kissed me infont of our teacher. She was furious of what you did." Natatawa pang saad ng dalaga. Napasimangot naman sya sa narinig at nawalan ng gana habang tumatawa rin naman ang lalaki at mukhang naalala pa ang kalokohang ginawa noon.
"Yeah I remember that. I was just kidding around and I did it for a reason. She's so noisy at ako lagi ang nakikita nya." Natatawa pa rin ang lalaki. Kung makapag-usap ang dalawa ay parang wala sya.
Bigla syang tumayo kaya naman naglikha ng ingay ang kanyang upuan. Napatingin naman ang dalawa pero hindi nya ito pinansin bagkus nagpaalam nalang sya.
"I'm already full."
"But you barely move your food?" Takang tanong ni Jake. Nagkibit-balikat lang sya at umalis na sa kusina. Nagpasya syang matulog ulit kaya naman ay pumunta na sya sa kanilang kwarto at nahiga.
Nagtaka naman ang dalawa sa inasal ni Aliyah. Akmang susundan na sana ni Jake si Aliyah nang pigilan sya ng dalaga.
"Just let her be and just enjoy our breakfast together like before." She looks like pleading and he can't say no. He doesn't want her to feel like she's not important. Baka kung ano pa ang gawin sa sarili nito.
He could still remember when she's 18. She pleaded for her father to stay because it was her debut and she wants to be with him but he never listened. She was so broken that time. Muntik na itong magpakamatay. Her parents were separated and her father already had a new family. Magmula ng insidenting yun ay ibinigay na ng magulang nya lahat ng gusto nya. Si Jake ang saksi ng paghihirap ni Amy kaya ipinangako nya sa sarili na kailanman ay hindi nya sasaktan ang dalaga.
Pagkatapos nilang kumain ay niyaya sya nitong manood ng movie. Tatlo silang nanonood ng pelikula, tutok na tutok ang mga mata sa telebisyon at walang imikan ang naganap.
Aliyah felt awkward. Sino bang hindi kung pinagitanaan nilang dalawa si Jake na nag-iisang lalaki. Nakasandal ang lalaki sa sandalan ng sofa habang si Amy naman ay nakasandal sa balikat nito. Sya na lamang ang dumistansya kahit labag man sa kalooban nya.
She's hurtinfg deep inside. Who wouldn't if the one you love were happy with someone else? She knew that she doesn't have the rights to feel that. Ina lang sya sa magiging anak ni Jake at yun lang. Yes, they're bestfriends but how could she explain that to him? That she's f*****g jealous because her bestfriend was happy with that girl? She already get rid of Yannah in Jake's life but maybe they are not really meant for each other, maybe there is someone out there for her. To love her and cherish her.
She's not fucosing on the movie they watch. Hindi nga nya nalaman na natapos na pala ang kanilang pinuod kung hindi pa tinapik ni Jake ang kanyang balikat.
"Hey what's bothering you?" May himig na pag aalala sa boses ng lalaki pero hindi natuon dito ang kanyang atensyon kundi sa babaeng katabi nito. Nahuli nya kasi itong umirap at tinaasan pa sya ng kilay.
"Hey." Tawag pansin naman ni Jake sa kanya kaya napabalik dito ang atensyon nya.
"Ano kamo?"
"What's bothering you?"
"No, nothing. Just some stuffs." Napatango naman ang lalaki at umayos na ito ng upo.
Nang hapon ding iyon ay nagpaalam si Jake na may kukuning mga importanting documents sa office nito at naiwan silang dalawa.
Naka-upo lang sya sa sofa at kumakain nang biglang umupo sa tabi nya si Amy. Hindi nya ito pinansin at itinuon ang kanyang ahensyon sa pizza na nasa harapan nya.
"Mind if I ask some question? I just wanna know you more." Tanong ng dalaga sa kanya.
"Yeah." Maikling sagot nya.
"How did you met Jake. I mean how did you end up together? I was just curious you know."
"We're bestfriends actually and he end up having me pregnant on just one night mistake." She truthfully answered. She doesn't want to lie and something she feel was telling her to be honest to her and she means no harm.
"Really? I thought your just a random b***h he picked up. I mean no harm you know and I can sense that you're jealous because you love him. Don't be sweetheart because I don't love him in a romantic way. He's just like a brother to me." Pangiti ngiti pa ito habang sinasabi iyon. Magkaharap na sila ngayon at nakikita nyang totoo ang sinasabi nito. Sya lang naman itong praning at kung ano ano ang naiiisip. Sinasaktan lang pala nya ang sarili.
"I'm sorry about that." Yun lang ang nasabi nya. Medyo nahihiya pa rin sya dito sa naging asal nya.
"Don't be. Does he already know that you love him?" Excited na saad nito. Nawala naman ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.
Iling lang ang naging tugon nya sa tanong nito. Makikita mo naman ang pagkabigla sa mukha ng kaharap.
"What? Really? Alam nyo pinapahirapan nyo lang talaga ang sarili nyo. Kung mahal nyo ang isa't isa wala namang pumipigil sa inyong sabihin iyon." Ito pa talaga ang na-stress at problemado.
"Do you really think that he loves me?" Hindi ito makapaniwala sa naging tanong nya. Medyo nahiya naman sya.
"Are you f*****g serious? Magkakaanak na kayo't lahat lahat nagkakahiyaan pa kayo sa nararamdaman nyo. Aba makakabuo kaya kayo kung wala syang nararamdaman sayo. You know that he's not a f**k and dump kind of guy. Hindi sya magpapadala kung ayaw nya. Ikaw naman ang manhid mong bruha ka." Panenermon nito sa kanya at sya naman ay patawa tawa lang. Nakakatawa naman talaga kasi ang reaksyon nito. Hindi nya akalain na magkakaganun ito. Naging magaan ang loob nya sa dalaga. Napailing naman ito sa kanya at niyaya nalang sya sa kusina.
"Halika ditong manhid ka. Samahan mo ako sa kusina at kakain ako. Na-i-istress ako sa inyong dalawa. Huwag kang magkalat dyan sa living room.
"Alam mo bang asar talo sya dati. One time nga inasar syang bakla ng kaklase naming babae noong grade two ayun sinapak nya. Napatawag nga si tita sa principal pero ang mas epic na ginawa nya ay hinalikan nya ang pasa ng kaklase namin. Yun daw kasi ang ginagawa ng mommy nya kapag may sugat sya. Nagalit tuloy ng husto ang mommy ng babae." Nagtawanan naman sila sa naging kwento ni Amy. Hindi nya akalain na magagawa iyun ni Jake. Sadyang inosente na may pagkapilyo pala ito noon.
Yan ang naabutan ni Jake sa kusina.