Chapter10

1180 Words
ALIYAH'S POINT OF VIEW Nandito kami ngayon sa VIP room ng isang kilalang restaurant. Ewan ko ba sa lalaking to pwede naman kaming doon nalang sa labas kumain. Hindi naman kailangan na sa pribado pa talaga. "Jake naman okay naman na doon nalang tayo sa labas. Alam mo masyado kang pa-special." Kumunot naman ang noo nito sa sinabi ko. Aba totoo naman kasi pafeeling special akala mo naman kung sino. "It's for your safety Lee." Yan lang ang naging sagot nya. "Duh! Safety? Ano akala ng sakin clumsy?" Inirapan ko sya pero mukha atang hindi nya ito nakita kasi masyado syang abala sa cellphone nya. "Bakit hindi ba?" "Tss. Slight lang naman e. Alam mo masyado kang oa. Uupo lang naman ako at kakain at hindi tatakbo. Anong akala mo baliw na nakatakas sa mental?" Mukha namang nairita sya sa sinabi ko kaya humarap ito sa'kin. Magkatabi kasi kami sa sofa na naroroon habang isang maliit na lamesa naman sa gitna nito at may sofa rin sa tapat. "Just eat Lee when our order arrive and stop being a nagger. Will you?" Sakto naman at biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang waiter na may dala dalang pagkain. Nanubig naman ang bagang ko nang makita ang mga pagkaing nakahain. "Enjoy your meal, madam and sir." Hindi ko na pinagtuonan ng pansin ang waiter at nilantakan nalang ang pagkain na nakahain. Bumalik naman sa pagiging busy sa cellphone nya kaya hindi na ako nag-abala pang ayain sya. Pagkatapos namin sa restaurant ay umuwi na kami. Hanggang sa bahay ay abala pa rin si Jake. Hindi ko nalang iyon pinansin at dumeritso nalang ako sa kwarto upang makapagbihis. Sumapit nalang ang gabi ay busy pa rin sya kaya hindi ko nalang pinansin baka kasi tungkol lang iyon sa trabaho. Wala naman kasi ako sa posisyon para magdemand ng time sa kanya o pagbawalan sya sa ginagawa nya. Isa lang akong babae na aksidenting nabuntis nya. Matutulog akong mag-isa sa kwarto. Umalis kasi sya bigla nang hindi nagpapaalam. Total malaki naman na sya at may sariling pag-iisip. Ayokong i-stress ang sarili ko at baka mapano pa si baby. Ayoko namang may mangyaring masama sa kanya. Kahit hindi pa sya lumalabas at hindi pa nasilayan ang mundo alam kong mamahalin ko sya nang higit pa sa buhay ko. Humiga na ako sa kama at akmang ipipikit ko na ang aking mata nang biglang magring ang cellphone ko na nasa bedside table. Hindi ko na tinignan kung sino ang caller at sinagot ko agad. "Hello is this Aliyah Jones?" Tanong sa kabilang linya. Napakunot ang noon ko at tinignan ang caller ID. "Yes, Bakit nasa iyo ang cellpone ng kaibigan ko?" Number kasi ni Yannah ang nakaregister na caller. "I'm your friend's friend. She's with me right now and she's drunk. May I know where she lives so that I can get her home?" "If you're not really convince I can send some picture of her right now." Sabi naman nito at biglang may nagpop na message. Picture iyon ni Yannah at habang nakahilig pa sa lalaki. Medyo pamilyar sa akin ang lalaki. Kahawig nya kasi yung kaibigan ni Jake na si Tyron. "Are you convinced now?" Hindi ako naka-imik. Hindi ko naman kasi alam kung saan sya nakatira. NPA kasi yang babaeng yan. No permanent address at kinahiligan ang palipat lipat ng tinitirhan. "Sir pasensya na pero hindi ko kasi alam kung saan sya nakatira ngayon. NPA kasi yan." "What? NPA? As in new peoples army?" Natawa naman ako sa tanong. Seriously? New peoples army? Anong akala nya rebelde si Yannah. Sa ganda ng babaeng yun. "What I mean is no permanent address." Hindi naman umimik ang kabilang linya at bigla nalang akong binabaan. Aba walang modo yung lalaking yun a. Medyo nag-alala ako kay Yannah. Mukhang lasing pa naman sya. Nagdamdam ata sa nangyari sa kanila ni Jake. Aminado naman akong kasalanan ko yun. Nagkamabutihan na nga yung dalawang tao tapos umepal pa ako. Though mukhang thoughtful naman yung lalaki at nag-abala pang tawagan ako upang tanungin kung saan nakatira si Yannah para mahatid nya. Siguro naman walang masamang mangyayari sa kanya. Hindi naman ako makakalabas at puntahan sya baka pagalitan naman ako ni Jake. In the next day I just woke up late. Narinig ko na si Jake na kausap ang tita nya at ang isang di ko kilalang babae. Maybe one of his cousins. Hindi ko mapigilang makinig sa kanilang pinag-uusapan. Alam naman ng mommy nya at daddy ang tungkol sa pagbubuntis ko. "Please Jake just for one week." Pakiusap ng tita nya sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang dahilan at nakiusap ito. "I'm sorry tita but I can't. I'm a busy man and also I already had a girlfriend." "Your girlfriend wouldn't mind right? Besides I'm your childhood friend. We can explain that to her." Sabat sa kanila nung babae. Childhood friend nya lang pala ito. Nanatili lang akong nakaupo at hinintay kung ano ang maging desisyon ni Jake. "Fine but just for a week and after that you'll be leaving." Hindi ko na narinig ang kanilang pinag-uusapan. Nagpasya nalang akong maligo muna bago harapin ang bisita. Ayaw ko naman na magmukhang haggard kapag humarap doon sa sala. Magkatapos kong naligo ay naglagay ako ng kaunting lip balm para naman hindi halata ang pagiging maputla ko. Pagkatapos ay pumunta na ako sa sala ngunit wala akong naabutang tao doon. Narinig ko na parang may nag-uusap sa kusina kaya napagpasyahan kong pumunta dun. Natagpuan kong nagluluto si Jake at pang tinulungan sya ng babae. I must say that she's sexy, tan skin, long wavy hair. Hindi ko pa mawari ang kanyang itsura kasi nakatalikod ito at masayang nakikipag-usap kay Jake. Hindi ata nila nahahalata na may iba pa palang tao bukod sa kanilang dalawa. Tumikhim muna ako bago umupo malapit sa island counter. Para namang tinakasan ng dugo si Jake at kinakabahang nakaharap sa akin. Ano bang problema ng isang to at parang natatae ang ekspresyon. "Ano yang niluluto nyo?" Pilit kong pinasaya ang boses ko. Ewan ko ba di ko feel maging masaya ngayon. "Just egg, bacon and fried rice." Napatango tango naman ako sa sinabi ng babae. Nasa kay Jake pa rin ako nakatingin. Mukha atang walang balak na ipakilala an kanyang kaibigan o kaibigan nga lang ba? Mukha naman atang naintindihan nya ang tingin ko. "By the way this is Amalia, a childhood friend of mine. Amy this is Aliyah, my girlfriend and we're having a baby." Tila proud na proud pa ito. Iniabot naman ni Amy ang kanyang kamay. Nakangiti pa ito pero taliwas naman ang ekspresyon sa kanyang mata. Parang may pagkadisgusto pa ito sa gagawin nitong pakikipagkamay ngunit wala syang choice kundi ang makipagpastikan sa akin kasi nandito si Jake kasama namin. Nakipagkamay nalang din ako at sinakyan ang pakikipagplastic nya. Aba dapat good vibes lang. Sabi sabi kasi ng matatanda na magiging kamukha ng taong kinagalitan mo habang nagbubuntis ka. Ayoko naman na magiging mukhang hipon ang anak ko paglabas though maganda naman sya kaso nga lang parang si barbie masyadong plastik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD