Pagkaalis ni Marriane ay tumulo ang luha sa aking mga mata. Oo, galit ako sa kanya pero hindi ko siya matitiis. Ayoko lang siyang makausap sa ngayon. I need space to think. Gusto ko siyang maintindihan kaso ayoko siyang makausap. Galit pa ako sa kanya at ayokong may masabi ako na ikasakit ng loob niya. Sabihin na nating galit ako sa kanya---pero ayoko namang masaktan ko siya sa mga masasakit na salita. Alam ko kung gaano kahirap ang masaktan kaya kung kakayanin ko ay hindi ko hahayaang masaktan si Marriane. Mahal na mahal ko siya at hindi na iyon mababago pa kahit pa magkasala siya sa akin. Dahan dahan akong umupo sa kama at pinakinggan ang pag uusap nila sa labas. Hindi naman nila ako pinag uusapan. Nagkukwentuhan lang sila tungkol sa mga bagay at lalo na sa bakasyon nilang nabitin d

